28

2.1K 54 0
                                    

Mabilis na tumakbo ang oras, kasalukuyang namimili si Sabriana ng kanyang susuotin para sa nalalapit na birthday ni Trix, kailangan niyang pag handaan ng mabuti ang Party na iyon, lalo na at imbitado din ang babaeng pinaka-iinisan niya sa lahat. She wanted to make revenge with that bitch, hindi pa din niya nakakalimutan ang pamamahiya ng babaeng iyon sa kanya sa mismong araw din ng birthday ni Trix, hindi siya makakapayag na hindi siya makaganti sa babaeng iyon, that bitch can't escape her, ngayon siya naman ang gagawa ng paraan upang mabaligtad ang kanilang sitwasyon, kung nagawa ng babaeng iyon na ipahiya siya sa lahat noon, well that will never happened again, overher dead sexy body. Lintik lang ang walang ganti.


"Psh! stop thinking about that bitch!" saad niya sa kanyang sarili pag kuwa'y ipinilig ang kanyang ulo at inayos ang kanyang sarili bago pumasok sa isang sikat na botique, hindi niya kabisado ang mga sikat na botique sa pilipinas pero ito ang shop na imirecommend sa kanya ni Kiro nang tanungin siya nito kung may susuotin na ba siyang pang-swimming sa nalalapit na birhday ni Trix, buong akala niya ay hindi na siya nito kakausapin ngunit nag kamali siya. Noong natapos ang kanilang klase ay ito ang unang kumausap sa kanya, at nag insist pa ang binata na ihatid siya, pero dahil may dala siyang sasakyan noon ay tinanggihan niya ito.


Alam niyang hindi na ito nag tatampo sa kanya ngunit hindi pa din nito pinapansin si Cold na animo'y hindi sila mag kakilala, siguradong nag seselos pa din ito kay Cold. Napangisi si Sabriana sa thought na iyon,  talagang umaayon ang lahat sa kanya dahil mukhang nag tatagumpay siya sa kanyang plano, sabihan nyo na siyang bitch but she doesn't care. Nasanay na siyang pinupuna ng iba, of course she's Sabriana the great.



Natigilan si Sabriana ng makita niya ang isang kulay itim na bikini na naka display, kuminang ang kanyang mata ng makita niya iyon, itsura palang nito ay alam niyang babagay ito sa kanyang kutis at sa kanyang katawan. Agad siyang nag model patungo sa display na iyon at ng malapitan niya iyon ay agad niya iyon hinawakan ngunit may tumulak sa kanya.

"Hey bitch that's fvcking mine" wika ng babaeng tumulak sa kanya, nanliit ang mga mata ni Sabriana dahil sa sinabi ng babae. That voice is familiar tho, nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya maaninag ang mukha nito.

"Hey Miss, I' gonna buy this--" Sabriana cut her off, ginantihan niya ito, itinulak niya ito ng malakas kaya muli niyang nahawakan ang bikini na gusto niyang bilhin.

"No! This is mine, ako ang naunang nakakita at ako ang unang nakahawak, back off--"

"Are you fvking kidding me? ako ang unang nakakita sa bikini na ito--You?"

"Ikaw?" well speaking of the witch, sa dinami-dami nga naman ng makakaagaw niya sa bikini ay ang babaeng kinakainisan pa niya, sino pa nga ba? No other than Nicole, ang liit nga naman ng mundo dahil sa dami-dami ng makikita niya ay ang taong kanina lang niyang iniisip, mas lalo tuloy kumolo ang kanyang dugo para sa babae.

“Well, this is mine, ako ang unang nakakita at nakahawak so definitely this thing is mine" pag mamataray na sabi ni Sabriana pagkatapos ay sinenyasan ang isang sales lady na nanonood lang at mukhang nalilito kung sino ba ang sisilbihan sa kanilang dalawa, ngunit sa huli ay sinunod na lang nito si Sabriana, inalis ng sales lady ang bikini sa manequin ngunit pagkaalis na pagkaalis nito ay mabilis na hinablot ni Nicole ang bagay na iyon, as if ito lang ang bikini na natitira sa mundo.


“Hey! Sinabi ng akin yan! Pwede ba humanap ka na lang ng sa'yo-" pinutol ni Nicole ang sasabihin ni Sabriana, kaya mas lalong kumulo ang dugo ni Sabriana. 'The fvck?'

“Gusto ko ito kaya hindi ko ito papakawalan kahit anong mangyari, magkamatayan man tayo." Madiin na sabi nito habang gigil na gigil na nakahawak sa itim na bikini, halos humalakhak si Sabriana dahil sa kanyang narinig, para kasing may ibang meaning ang binitawang salita ni Nicole, hindi niya aakalin na korney palang at cheap ang babae.


HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon