SABRIANA'S POV
Kinabukasan maaga akong nagising, actually hindi naman ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip sa sinabi ni Cold sa akin, masyado akong nabigla sa pag amin niya, bakit parang masyadong mabilis? Wala pa nga akong ginagawang hakbang para mahulog siya pero siya na mismo ang kumagat ng pain, haha! He's stupid right? Hindi na ako mahihirapan sa kanilang apat, mukhang gusto na din naman ako ni Trix at Kiro, hindi ko lang alam kung pati si Uno, ayaw ko sa siyang idamay pa sa revenge ko pero kailangan.
Paano ko magagawang ihiganti ang sarili ko at sirain ang kanilang pagkakaibigan kung nag papakabait ako? Hindi ako mabait, I'm now a bad bitch, hindi dapat ako nakakaramdam ng awa sa kahit na sino sa kanilang apat, lalong-lalo na kay Nicole, hindi ko pa din nakakalimutan ang pagkalmot niya sa maganda kong mukha kaya humanda siya, kung inaakala niyang magkakaroon sila ng happy ending ni Cold, nag makakamali siya. I will not let that happened, as in never over my sexy body!
I suddenly stop talking to my self when I heard someone knocking on my door, I know it's lola, duh! Kami lang ang tao dito sa bahay.
I immediately walk towards the door and open it, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Lola, what's with her smile? Bakit parang ang saya niya yata.
"Why la?" I asked her, hinila niya ako sa aking kamay at hinigit pababa ng stairs, hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung bakit bigla-bigla na lang siyang nanghihigit, matatanda nga naman.
"Apo, hindi mo sinabing kaibigan mo pala ang gwapong lalaki na nakatira sa tapat ng bahay natin" naguluhan ako sa sinasabi ni Lola, paano niya nasabing kilala ko at kaibigan ko si Uno? Nag kakausap ba silang dalawa? Hindi naman siya lumalabas ng bahay.
"Saan mo nalaman-"
"Good morning Sabriana" agad akong natigilan sa boses na iyon, inalis ko ang atensyon ko sa mukha ni Lola at ibinaling sa pinanggalingan ng boses, hindi nga ako nag kakamali, anong ginagawa dito ni Uno?
"Papasok kana? Sabay na tayo." nakangiti niyang sabi, bahagya pang sumingkit ang kanyang mga mata kaya naestatwa na naman ako, wala siyang suot na salamin kaya kitang-kita ang kanyang singkit na mata at anong sabi niya?
Sabay kaming papasok? Bigla ko tuloy naalala yung nakaraan ko, palagi niya akong sinusundo dito sa bahay pagkatapos may dala-dala siyang pagkain at sabay kaming mag aalmusal, minsan siya pa ang gumigising sa akin at pinipilit niya akong maligo at sinusuklayan din niya ako, ganon siya kaalaga sa akin noon, pero iba na ngayon, hindi na kami pwedeng maging magkaibigan, matagal ko ng kinalimutan si Sabby at ibang tao na ako ngayon at hindi niya dapat malaman na ako nga talaga ang babaeng inaalagaan niya noong mga bata pa kami.
"Hindi-" I didn't finish my word coz my lola pushes me, muntik pa akong matumba pero agad akong nahawakan ni Uno. I glared at my lola but she just smiled at me at pagkatapos ay unti-unting tumalikod habang inaalalayan ang kanyang sarili gamit ang kanyang tungkod.
Bakit ba gustong-gusto niya akong sumabay kay Uno? Iniiwasan ko ngang makausap si Uno dahil baka mamaya mabanggit na naman niya sa akin si Sabby o kaya naman ay mag tanong about doon, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil hindi ako sanay mag sinungaling.
"Let's go Sabriana" inalalayan ako ni Uno kaya napabuntong hininga na lang ako at sumuko, I guess I have no choice kung hindi ang sumabay sa kanya pagpasok, chance ko na din ito para malaman kung nagugustuhan na din ba niya ako.
"Pasensya ka na kay Cold ah? Lasing na kasi siya kagabi, akala namin natutulog na siya tapos nakita na lang namin na kinakausap ka niya, did he hurt you?"

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...