"You're really a flirty b*tch huh?" napasimangot ako dahil sa boses na iyon, sino pa ba ang epal sa storyang ito kung hindi ang bwis*t na si Nicole lang naman. Umahon ako sa pool, sinigurado ko pang sexy ang pag lakad ko para mas lalo siyang mairita sa akin at nag tagumpay naman ako dahil mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata. Wala pa nga akong ginagawa sa kanya pero heto siya umuusok na ang ilong sa galit, ang sarap talagang pikonin ng babaeng ito asar talo.
"What are you talking about?" kinuha ko ang towel na inabot sa akin ng maid ni Trix, bago niya ako iwan kanina at kausapin muli ang dumadating na bisita ay ibinilin niya ako sa isa sa mga maids niya, hindi naman ako nag iinarte pero siya naman ang nag insist at talagang napaka-kulit niya gusto niya talaga akong alagaan ng mabuti. What a f*cking gentleman.
"At talagang nag mamaang-maangan ka pang malandi ka, ang kapal naman ng mukha mo para pag sabayin ang apat. Akala mo ba hindi ko nahahalata?" sunod sunod niyang sabi naiimagine ko tuloy na may lumalabas na usok sa tenga at sa kanyang ilong. Nanlalaki din ang mga mata niya and swear nakaka tawa ang pag mumukha niya.
Pinunasan ko ang buhok ko upang patuyoin iyon, nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa iyon at ganon din naman siya sa akin mukhang iniintay talaga niya ang kasunod kong sasabihin. Well mamaya ko pa sana gagawin ang plano ko pero inunahan niya ako at nakakaramdam na din ako ng pagkainis sa kanya dahil isa siyang pakealamera at isang epal sa buhay at plano ko.
"Ano naman sa'yo kung pinag sasabay ko ang apat? ikamamatay mo ba?" napasinghap siya sa sinabi ko sabay takip sa kanyang bibig na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, ang oa ng isang ito agaw atensyon talaga siya kahit kailan.
"Seriously? Akala mo hindi kita nakikilala Sabby? Do you think you can fool me huh?" saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya at dahil doon ay napangisi siya ng nakaloloko unti-unting bumangon ang inis ko. F^ck this girl nakakairita talaga siya kahit kailan.
Nang matauhan ako ay inayos ko ang aking sarili at hindi nag pahalatang naapektuhan sa kanyang sinabi. Tama nga Sabriana ganyan nga. Act like you're not freaking affected.
"Ano bang pinag sasabi mo? You know what? Halos lahat kayo sinasabing kamukha ko siya pero base sa kwento nila ang layo ng agwat namin ng babaeng iyon and obviously I'm more pretty and sexy than that b*tch." idiniin ko pa talaga ang pagkakasabi noon
"Really huh?" mukhang hindi siya nakumbinsido sa sinabi ko dahil ang bruha nag taas pa talaga ng kanyang kilay. Honestly she's getting into my nerves! Isang pitik na lang talaga ay makakasabunot na ako. Maunti pa naman ang pasensya ko at hindi ako nag baon ng madami ngayon. Hindi ko naman kasi inaasahan na mabilis niya akong makikilala, masyado ka yata siyang minaliit and I almost forgot that's she's not that stupid, infact she's smart. Mas matalino nga siya kumpara sa akin at inaamin ko iyon.
"Sabagay, hindi hamak na mas talunan ang babaeng iyon kesa sayo, pero hindi na din kayo nalalayo. You have so much in common actually kaya nga napagkamalan kong ikaw ay siya. " maarte siyang tumawa at pagkatapos at mahinhin na sumimsim sa dala-dala niyang wine glass. Akala ko may sasabihin pa siya pero mabilis niya akong nilagpasan. Malakas na tumama ang kanyang balikat sa balikat ko hindi ko iyon inaasahan kaya naman nawalan ako ng balanse, nakaramdam din ako ng pag-kataranta dahil wala akong ibang makapitan at isa pa madulas ang sahig sa sobrang taranta ko nga ay nahila ko ang buhok ni Nicole. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakakalayo dahil hindi ako papayag na hindi siya kasama sa pagkalunod ko. Wala na din akong pakialam kung may makakita man sa pag higit ko sa kanya.
Mabilis lang naman ang pangyayari dahil agad kong naramdaman ang malamig na tubig sa katawan ko. Sumakit din ang ilong at lalamunan ko dahil sa nainom kong tubig. Wala na din akong ibang marinig kung hindi ang tubig. Pilit kong iginalaw ang mga paa ko ngunit hindi talaga ako marunong lumangoy pilit ko pang inaabot ang sahig sa ibabaw ng pool ngunit masyadong malalim ang swimming pool nina Trix. Sa pagkakataon na ito ay pumalpak ako, ang buong akala ko ay makakaganti na ako sa ginawa noon ni Nicole sa akin pero kung mamamatay man ako ngayon ay masaya ako dahil naisama ko si Nicole sa pag bagsak ko, alam kong hindi din siya marunong lumangoy.
BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...