"Alam nyo ba? Nag aaway si Nicole at Sabriana sa rest room, inaawat nga sila ngayon pero hindi sila maawat""Knowing Nicole, hindi siya nag papatalo, idagdag mo pa si Sabriana na mukhang hindi din nag papatalo"
Natigilan si Kiro sa kanyang pag nguya dahil sa kanyang narinig mula sa kabilang table, kasalukuyan silang kumakain sa Cafeteria ng mga oras na ito, hindi naman niya inaasahan na ganon ang kanyang maririnig mula sa mga babaeng nasa tabi lang ng kanilang table.
Tiningnan niya ang tatlo na busy sa kani-kanilang ginagawa, mukhang hindi nila narinig ang pag uusap ng mga babae kaya kinalabit niya ang tatlo na napatigil din sa kani-kanilang ginagawa.
"What? I'm busy." masungit na sabi ni Cold sa kanya at pagkatapos ay pinakita nito sa kanya ang cellphone nito, nag lalaro pala ito ng mobile legends kaya ganon na lang ang inis nito sa kanya.
"Did you hear them? Nag aaway daw si Nicole at si Sabriana sa restroom" bulong ni Kiro, Ang kaninang walang pakialam na si Uno ay agad na napalingon sa kanya, mukhanh interesado ito sa narinig.
"Baka naman fake news yan!" ani Trix na ngayon ay patuloy pa din sa pag nguya ng pagkain, dinampot ni Kiro ang kutsara sa lamesa pagkatapos ay ibinato sa kanya.
"Gag*, wag ka ngang epal! Kung ayaw ninyong maniwala, ako na lang ang pupunta!" inis na sabi ni Kiro pagkatapos ay tumayo na ito sa upuan niya, buong akala niya ay hindi susunod ang tatlo sa kanya pero nag kakamali siya dahil nang tumayo siya ay tumayo din ang mga ito at sumunod sa kanya.
Samantala, nakakunot lang ang noo ni Cold habang nag lalakad silang apat, bigla niyang naalala ang nangyari noong isang gabi kung saan ay sinugod sila ni Nicole sa kwartong pinag dalahan niya kay Sabriana, galit na galit ito sa kanya at hindi alam niya kung bakit dahil si Nicole ang mismong nakipag hiwalay sa kanya, sabi nga nito ay sawa na ito sa kanya kaya nag hanap na ito ng bagong boyfriend.
Dahil malapit lang ang Rest room sa Cafeteria ay agad nila itong narating, madaming mga babae ang nasa labas ng restroom mukhang nakikichismis at nanonood lang ang mga ito. Yung iba ay may hawak pang camera. Nang mapansin ng mga babae ang apat ay agad na humawi ang mga ito at binigyan sila ng daan, kaya agad nilang nakita ang dalawa sa loob at patuloy ang pag sasabunutan. Nasa ibabaw si Sabriana ni Nicole ng madatnan nila ang mga ito mukhang walang ideya ang dalawa na nasa harapan na nila ang lalaking kanilang pinag awayan.
Agad na hinigit ni Cold si Sabriana mula sa damit nito at pinaalis sa ibabaw ni Nicole mukhang natigilan naman ito at nagulat sa ginawa ng binata hindi kasi niya napansin ang pag dating nito dahil masyado siyang abala sa pag kalmot kay Nicole na hindi naman niya magawa dahil pilit iniiwas ng babae ang mukha nito sa kanya, siya lang tuloy itong may galos sa mukha at aaminin niyang hindi niya kinaya ang lakas ni Nicole, mukhang sanay itong makipag away samantalang si Sabriana ay ngayon lang nakaranas ng ganong katinding away.
"Cold!" Agad na tumayo si Nicole mula sa pag kakahiga nito at yumakap kay Cold, may kung anong pumiga sa dibdib ni Sabriana ng masaksihan niya iyon, akala niya ay hindi gaganti si Cold sa yakap ng babae pero nagkakamali siya, niyakap din nito si Nicole at pinatahan na kasalukuyang umiiyak ngayon, alam niyang peke ang luha nito at nag papaawa lang para mag mukha itong biktima, pero ang totoo ay ito ang naunang sumampal sa kanya at ginantihan lang niya ito.
"Are you okay?" tanong pa ni Cold habang inaayos ang buhok ni Nicole, nakaramdam siya ng panggigigil sa dalawa, kung kanina ay si Nicole lang ang gusto niyang saktan ngayon ay gusto na din niyang sapakin si Cold na halatang naawa sa kalagayan ni Nicole kahit na siya naman ang may galos sa mukha, masyado kasing mahaba ang mga kuko ni Nicole kaya naman ay nasugatan nito ang pinaka-iingatan niyang mukha.
"I-I'm not okay Cold" muli na namang umiyak ang babae at mas lalo pa nitong isiniksik ang kanyang sarili sa dibdib ng binata na animo'y batang nag susumbong dahil naagawan ito ng lolipop, hindi makapaniwala si Sabriana sa kanyang nakikita parang kanina lang ay ang tapang-tapang ni Nicole pero ngayon ay kung umasta ito parang ito pa ang kaawawa.
"Shhh! Let's go to Clinic" ani Cold habang pinapatahan si Nicole, haplos-haplos ng binata ang buhok nito at pilit na pinapakalma ang babae kaya naman napairap na lang si Sabriana, hindi siya makapaniwala at hindi din niya kayang magsalita, gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili at sabihin kay Cold na iginanti lang niya ang kanyang sarili pero para saan pa ba? Mukha namang wala itong pakialam sa kanya, ni hindi nga siya nagawang tingnan ng binata at tanging kay Nicole lang ang atensyon nito.
Tumalikod ang mga ito sa kanya at tuluyan ng nilisan ang loob ng restroom, bago pa tuluyang makaalis ang dalawa ay lumingon sa kanya si Nicole at nginisian siya.
Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na naman si Sabriana ng pagkatalo at pag kainggit, muli niyang naramdaman ang naramdaman niya dati limang taon ng nakalipas, parang sa isang iglap ay bigla siyang bumalik sa kanyang nakaraan kung saan ay palaging panalo si Nicole at kung saan ang taong gusto niya ay walang pakialam sa kanya.
Dahil doon ay hindi niya napansin ang mga luhang lumandas sa kanyang mata, hindi niya alam kung bakit siya umiiyak at kung bakit siya nasasaktan, basta ang alam lang niya ay palagi siyang talo pag dating kay Nicole.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...