Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung may pupuntahan pa ba ako. Wala akong pakialam sa itsura ko kahit na pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. Ang dumi dumi ng suot ko. Punong puno ito ng putik pero wala na akong pakialam dahil matagal na akong madumi.
Tama naman ang sinabi ng lalakeng iyon, madumi talaga ako. Nabuo ako dahil sa kasalanan kaya madumi ako. Wala akong karapatan mabuhay sa mundo kaya bakit nabuhay pa ako?
Hindi ko alam kung bakit mas pinili ni Lola na palakihin at kupkupin ako ganong hindi naman niya ako kadugo at hindi naman niya ako totoong apo. Hindi ko nga din alam kung may karapatan pa ba akong tawagin siyang lola.
Ang sama sama ko talaga. Ang sama ng ugali ko, wala akong karapatan para sabihan ang lalaking iyon ng kung ano ano dahil una palang ako pala ang may kasalanan sa lahat.
Kasalanan ko kung bakit mas pinili niyang lumayo kay lola. Kasalanan ko kung bakit mag isa si lola. Kasalanan ko kung bakit siya nanghina ng ganon. Iniisip niya siguro ang anak niya. Kasalanan ko kung bakit hindi niya piniling mag pagamot. Kasalanan ko lahat. Winasak ko ang pamilya nila. Ang sama talaga ng ugali ko.
Pakiramdam ko bumalik ako sa dating ako, pakiramdam ko ako na ulit si Sabby. Ako na ulit ang batang iyon. Yung batang mahina ang ulo, bobo, walang pakinabang, walang mapuntahan, walang kakampi.
Ilang taon kong prinotektahan ang sarili ko huwag lang akong bumalik sa dating ako. Huwag ko lang maramdaman ang mga masasakit na naranasan ko noon pero ngayon pakiramdam ko wala na akong lakas para protektahan pa ang sarili ko.
Ang lakas ng loob kong mag higanti sa lahat, ang lakas ng loob kong saktan ang mga taong iyon. Ang lakas ng loob kong lokohin sila samantalang wala naman akong karapatan mabuhay. Tama sila walang karapatan mabuhay ang kagaya ko sa mundong ito. Nabuhay lang naman ako dahil sa kasalanan.
Natigil lang ako sa pagtakbo nang makita ko ang malaking bahay na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng sarili kong mga paa dito sa bahay ng lola ko. Para bang may sarili silang isip.
Huminto ako sa malaking gate ng bahay namin. Hindi ko pala bahay dahil hindi naman ako kadugo. Tumitig lang ako dito hanggang sa hindi ko namalayan na bumubuhos na pala ang malakas na ulan.
Kasabay noon ang pagpatak ng luha ko. Akala ko hindi na ako iiyak. Akala ko ubos na yung luha ko. Akala ko pagod na akong umiyak pero hindi pa pala.
Hinayaan ko lang yung luha ko, dahil wala namang mangyayari kung punasan ko iyon. Mababasa at mababasa pa din ang mukha ko dahil sa ulan.
“Lola, sino ba talaga ako? Sino ba yung tatay ko?” tumingala ako sa langit, baka sakaling marinig niya ang tanong ko pero para lang akong tanga. Yumuko ako at nag simulang mag lakad ulit papalayo sa bahay na iyon.
This is not my house, I don't have my own home. I have no place to call my own.
I stopped at a park. Walang kahit na sinong tao dahil malakas ang ulan. I headed to a swing and sat there. Wala akong pake kung magkasakit ako mas mabuti nga iyon para mawala na ako sa mundo at matapos na ang problema ko.
Umupo lang ako sa duyan habang nakatingin sa mga sasakyan na dumaraan. I tried to distract my self by watching and counting the cars but I couldn't forget those things.
Pakiramdam ko habang buhay nang nakatatak sa isipan ko ang sinabi ng lalaking iyon. Sana buhay pa hanggang ngayon si Lola dahil kung buhay pa siya hanggang ngayon hindi mag papakita ang lalaking iyon at hindi ko malalaman ang totoo. Sana nabuhay na lang ako sa kasinungalingan.
Okay lang sa akin na isipin na iniwan ako ng mommy at daddy ko sa lola ko dahil ayaw nila sa akin. I won't ask why, I just hope it stays that way. I just wish I never found out that he's not my real father. Mas masakit pa isipin yung ngayon kesa sa noon.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Novela JuvenilMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...