“Aaargh! Ang init!” tumutulo ang pawis ni Sabriana sa kanyang mukha, kasalukuyan kasi siyang nag lalakad patungo sa Campus, ayaw niya sanang mag lakad kaso iyon ang gusto ng kanyang Lola.
‘Apo, mag sasasakyan ka na naman? Mag lakad-lakad ka naman para makapag exercise ka' ani nito sa kanya kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang sundin ang matanda, kilala niya ang kanyang lola, kapag hindi ito nasunod ay magpapaulit-ulit na ito kaya naman kahit naiinis siya at labag sa kanyang loob na mag lakad e sinunod pa din niya ang matanda.
Malapit lang naman kasi sa kanilang subdivision ang Campus na kanyang pinapasukan kaya nag lakad siya pero hindi niya aakalain na ganito pala kainit ang panahon, mukha na tuloy siyang haggard.
“Kainis talaga!” wika niya, habang pinapaypayan ang kanyang sarili, hindi na kasi siya sanay sa mga lakad dahil nasanay na siyang palaging naka-kotse, hindi na din siya sanay sa mainit na temperatura kaya naman mabilis siyang mainis.
“Akala ko ba malapit lang ang Campus sa bahay, bakit ang layo?” pag rereklamo niya, pinag titinginan siya ng mga dumadaan sa kalasada maging ang mga trycicle driver ay sinisipulan siya, gusto niya sana itong patigilin at pag sasapakin pero binalewala na lang niya iyon, kailangan niyang masanay sa mga tao sa Pilipinas.
“Sa susunod talaga, hindi na ako mag lalakad-”
“Hey, sup?”
“Ay palaka!” napahawak si Sabriana sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat, bigla-bigla na lang kasing may sumusulpot sa kanyang tabi, sino ba naman ang hindi magugulat doon.
Tiningnan niya ang lalaki at ganon na lang ang pagkabigla niya dahil kilala niya ito, walang iba kung hindi si Uno, naglalakad din ito katulad niya, muntik ng makalimutan ni Sabriana na magkapit bahay lang silang dalawa, hindi niya inaasahan na maabutan pa siya nito.
“H-hi” nauutal na sabi ni Sabriana, pasimple niyang pinagmasdan ang mukha ng lalake, mas tumangkad ito at kitang-kita na din ang adams apple nito, nakasalamin at gulo-gulo ang buhok, inshort mas gwapo ito kaysa dati.
“Bakit ka nag lalakad?” tanong ni Uno habang nakangiti ito sa kanya, kahit kailan ay hindi pa din pala ito nag babago, ganon pa din, friendly as always.
Pilit na ngumiti si Sabriana kahit na naiilang siyang kausapin si Uno, oo nga at close sila dati pero dati 'yon, matagal na panahon na ang nakalipas para sa kanya ay awkward na ang atmosphere kapag nag sama silang dalawa.
“Excercise” matipid na sabi ni Sabriana, tumawa ng mahina si Uno pagkatapos ay tumango, akala ni Sabriana ay mananahimik na ito ngunit nag kakamali siya dahil muli itong nag salita.
“Nakita kitang lumabas sa bahay ng kaibigan ko, doon ka ba nakatira?” hindi nakapag salita si Sabriana sa tanong ni Uno, hindi niya inaasahan ang tanong na 'yon, nakaramdam siya ng pagkataranta dahil hindi niya alam ang isasagot, hindi pa naman siya maalam mag sinungaling.
“A-Ah ano kasi, umm, a-ano, actually kami ang bagong owner ng bahay” hindi siya makatingin ng diretsyo kay Uno, pasimple siyang nagdasal na sana ay hindi nito nahahalata ang kanyang pag sisinungaling, nag papasalamat din siya dahil hindi pa nakikita ni Uno ang kanyang lola dahil bata palang sila ay nasa ibang bansa na ito.
“Weird, mag kamukha kayong dalawa tapos doon ka din nakatira” napantig ang tenga ni Sabriana dahil sa sinabi ni Uno, ayaw na ayaw niyang itulad ang buhay niya sa kanyang buhay noon kaya naman mabilis siyang nag lakad at iniwan si Uno, ramdam niyang hinahabol siya nito, may takong pa naman ang suot niyang sapatos at hindi na siya nadala sa nangyari kahapon, ayaw na ayaw kasi niyang mag suot ng simple lang na sapatos dahil pakiramdam niya ay nagiging simple lang din siyang babae, ang laki talaga ng kanyang pinagbago.
BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...