"Sabby? Bakit diyan ka nakaupo? Hindi ba at pinalipat ka na ni Ma'am?" bungad sa akin ni Mel ng makapasok siya sa Classroom, himala nga at mas nauna pa ako sa kanyang pumasok, and take note, naligo ako ngayon at nag suklay, nag tooth brush din ako, naalala ko kasi na katabi ko nga pala si Cold sa upuan kaso nahihiya akong umupo doon ngayon.
Nakaupo na kasi siya sa kanyang upuan, habang busy sa pag drodrawing, kanina ko pa siya pinagmamasdan, ang gwapo niya kasi, sobrang seryoso ng mukha niya habang nag dro-drawing.
"Nahihiya ako kay Cold eh." Bulong ko kay Mel, agad naman niya akong nginisian at hinampas sa braso ko, ang lakas ng pagkakahampas niya kaya muntik na akong matumba sa kinauupuan ko, mabuti na lang talaga at mabilis kong hinawakan ang upuan ko.
"Bruha ka, talagang naligo ka pa ah!" Bigla niyang hinigit ang uniform ko at pinatayo, kainis naman. Nag plantsa pa naman ako ng uniform ngayon, ewan ko nga kung anong trip ko, ang aga-aga ko gumising kanina tapos naligo pa ako at nag suklay, nag toothbrush at nag pabango, ito ata ang unang beses na nag ayos ako ng sarili ko.
"Pumuti na din sa wakas ang tuhod mo, mabuti naman at naisipan mong mag hilod, tara nga doon" hinila niya ako but this time sa kamay na niya ako hinila, naramdaman ko tuloy ang magaspang at basa niyang kamay kaya naman napangiwi ako, ako lang yata ang pangit na maarte sa balat ng lupa.
"Good morning Cold!" Sigaw ni Mel, ang kapal talaga ng mukha nito, oo nga pala hindi ko ba nasabi sa inyo na close silang dalawa? Mag kapitbahay kasi silang dalawa at magkaibigan ang mga magulang nila kaya kahit papaano ay close sila, minsan nga lang napagtritripan din siya ni Cold.
"Oh?" walang ganang tugon ni Cold ng iangat niya ang kanyang mukha, nag salubong ang mga mata naming dalawa, kumunot na naman ang kanyang noo, mukhang hindi siya makapaniwala na naligo ako ngayong araw.
"Ang sungit mo naman, iiwan ko na dito si Sab ah?" tinulak ako ni Mel sa upuan ni Kiro kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi ang ibaba ang aking bag at umupo, nag patuloy naman si Cold sa kanyang pag dro-drawing, hindi ko maiwasan na tingnan kung ano ba ang kanyang ginuguhit.
Isang mata?
Grabe, ang ganda ng pagkakaguhit niya, napaka-talented talaga niya, seryoso niyang kinukulayan ng lapis ang iginuhit niyang mata, para ngang pamilyar sa akin ang matang 'yon, hindi ko lang maisip kung saan ko 'yon nakita.
"What?" iniwas ko ang tingin ko sa drawing niya dahil napansin niyang nakatingin ako dito, grabe may mata ba siya sa kanyang tainga at nakikita niya akong nakatingin sa kanyang ginagawa? Grabe talaga ang mga mata niya.
"Kahit maligo ka, your still ugly." dinig kong sabi niya, umagang-umaga iyon agad ang natanggap kong salita sa kanya, hindi pa nga ako nag aalmusal pero mukhang mabubusog ako sa panlalait niya, as usual hindi na naman ako nag salita, baka kasi mas lalo lang siyang magalit kapag nag salita ako at sumagot sa kanya, grabe pa naman magalit ang isang ito.
Inilabas ko na lang ang libro ko mula sa bag, hindi 'yon ang librong pang-eskwela kung hindi isa itong nobela, ito ang pangpalipas oras ko kapag nababagot ako, kahit nga may klase ito ang pinagkakaabalahan ko, mas gusto ko pang magbasa ng ganito kaysa makinig sa teacher o kaya mas gusto ko pang tumitig kay Cold sa tuwing nag klaklase.
Binuklat ko ang page ng libro at tsaka ko iyon binasa, seryoso akong nag babasa, pinilit kong huwag madistract sa katabi ko, hindi ko alam kung feelingera ba ako o ano, pero nararamdaman ko ang mga titig ni Cold sa akin, through my peripheral vision, parang pinapanood niya ang bawat galaw ko.
Hindi ko tuloy maintindahan ang binabasa ko, nag simula muli ako sa una at pinilit itong intindihin pero nararamdaman ko talaga ang titig niya.
Bakit ba siya nakatitig?
![](https://img.wattpad.com/cover/287227174-288-k368254.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Ficção AdolescenteMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...