15

3K 123 0
                                    

Agad na umakyat si Cold sa itaas ng bar at pagkatapos ay binuksan ang isa sa kwarto doon. Agad na bumungad sa kanya ang isang malaking kama kaya naman agad niyang inilapag ang dalaga doon, hanggang ngayon ay hindi pa din ito mapakali, pilit pa din itong nag huhubad sa kanyang harapan.

"What the? Ano ba? pigilan mo nga ang sarili mo!" sigaw ni Cold, Hindi niya alam ang kanyang gagawin, ngayon lang siya nag alaga ng taong naka-drugs, at hindi niya iyon gusto. Hindi nga niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din niya iniiwan ang dalaga.

"Ang init kasi! Gusto kong mag hubad ano ba!" sigaw ni Sabriana at sa wakas ay tuluyan na nitong naabot ang tali sa damit nito, agad niya itong inalis kaya naman agad na lumapit si Cold sa dalaga at itinulak ito papahiga sa kama ngunit mabilis siyang hinawakan ni Sabriana kaya maging siya ay napahiga sa ibabaw sa ibabaw nito.

"T-the fvck!" Akmang aalis na si Cold sa ibabaw ni Sabriana pero naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang bewang, nakayakap ito sa kanya tila ayaw siyang pakawalan.

"p-pakawalan mo ako! T*ngin@!" malutong na mura ni Cold at pilit na inaalis ang pagkakayakap sa kanya ni Sabriana ngunit mas lalo pang humigpit iyon, kakaiba ang lakas ng dalaga ngayon kaya hindi niya magawang kumawala dito.

Ngayon ay na-stock na siya ng tuluyan sa ibabaw nito.







Nagising si Sabriana mula sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto kaya naman ay inis niyang kinapa ang kanyang unan upang gawin itong pang takip sa kanyang mukha ngunit natigalan siya dahil sa bagay na kanyang nahawakan, matigas iyon at nakadantay ito sa kanyang bewang kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata na sana ay hindi na lang niya ginawa.

Bumungad sa kanya ang mahimbing na natutulog na si Cold, ang nahawakan pala ng dalaga ay ang braso nito at nakayakap ito sa kanya. Gusto niyang sumigaw pero tila umurong ang kanyang dila, natulala siya sa lalaking katabi niya at sinubukan na ikinalma ang kanyang sarili.

"B-bakit kami mag katabi?" bulong niya pagkatapos ay mahina siyang napamura, dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Cold mula sa kanyang bewang ngunit muli na naman itong binalik ng binata, gusto niya itong sapakin ngunit wala siyang lakas, medyo nahihilo pa kasi siya at sobrang sakit ng kanyang ulo, hindi din niya matandaan kung ano ba ang nangyari sa kanya kagabi, isa pa ay nag tataka din siya kung bakit mabilis siyang nalasing.

'I need to get out of here' bulong niya pa ng mapansin niyang wala siya sa kanyang kwarto, mukhang hindi pa siya nakakauwi simula kagabi at naalala naman niya ang kanyang Lola, panigurado ay nag-aalala na ito sa kanya.

Ngunit natigilan si Sabriana sa pagbaba sa kama ng mapansin niyang iba na ang kanyang suot. Isa itong malaking T-shirt at halatang mamahalin ito. Ilang segundo muna niya itong tinitigan ng maalala niya si Cold na mahimbing na natutulog sa kama.

Ngayon lang niya napansin na wala itong suot na damit kaya nagkaroon siya ng ideya na kay Cold ang suot-suot niyang iyon at dahil doon ay nataranta siya, hindi niya alam ang nangyari kagabi, wala siyang matandaan, para siyang mababaliw kakaisip kung bakit suot-suot niya ang damit ni Cold at bakit nasa iisang kama silang dalawa.

"Damn! Ano bang ginawa ko? Anong ginawa niya sa akin? Don't tell me bumigay ako sa kanya?" inis na sinabunutan ni Sabriana ang kanyang sarili, hindi pa siya nakuntento at sinapok pa niya ang kanyang sarili baka sakaling matauhan siya.

Saka lang siya napatigil sa kanyang ginagawa dahil narinig niya ang mahinang pag tawa ni Cold, hindi niya napansin na nakamulat na pala ang mga mata nito at nakatingin ito sa kanya, agad na ibinaba ni Sabriana ang kanyang kamay at pagkatapos ay tumayo ng kama.

"What did you do to me? Did you fvcking rape me?" inis na sabi ni Sabriana kay Cold, muling natawa si Cold, masarap sanang pakinggan ang tawa ng binata ngunit naiinis siya at galit siya dito.

"You raped me" ani ni Cold, nanlaki ang mga mata ni Sabriana, hindi siya naniniwala sa sinasabi ng binata pero wala talaga siyang maalala na kahit ano, kahit siguro iuntog niya ang kanyang ulo ay wala siyang naalala, last time na naalala niya ay nag walk-out siya.

Ano nga ba ang nangyari sa kanya matapos niyang mag walk-out at matapos ang nangyaring halikan sa kanilang dalawa?

"W-what are you talking about? Don't fool me." mataray na sabi ni Sabriana, naging seryoso ang mukha ng binata pagkatapos ay umupo ito sa kama at pagkatapos ay hinigit ang kanyang kamay, masyadong malakas ang binata kaya naman nag tagumpay ito sa paghigit sa kanya, muli siyang napaupo sa kama dahil sa pagkakahigit nito kanya, naramdaman din niya ang hubad na katawan ni Cold sa balat niya.

"Gusto mong ipaalala ko sa'yo?" seryoso pa din ang mukha ni Cold, pasimpleng hiniling ni Sabriana na sana ay bumalik na ang ugali nito sa dati, iyong dating Cold na walang imik at walang kibo ngunit parang ibang tao ang kaharap niya at hindi niya iyon nagugustuhan.

"You kissed me first, you initiate it." ani ni Cold habang naka pockerface pa din, hawak-hawak pa din nito ang kamay ni Sabriana kaya nang mapansin ito ng dalaga ay agad niyang inilayo ang kanyang sarili, hindi maaring maging malapit sila sa isat-isa, hindi pwede iyon.

"Liar! I don't believe you!" Inis na turan ni Sabriana pero nag kibit balikat lang si Cold sa kanya pagkatapos ay tumayo na ito sa kama, hindi na ito nag salita pa at dumiretcho ito sa isang pinto, hula niya ay banyo iyon.

Napabuntong hininga si Sabriana at hinanap ang kanyang damit, nakita naman niya kaagad ito sa sahig kaya agad niya itong dinampot. Sinilip muna niya ang pinto na pinasukan ni Cold at nang masigurado niyang hindi pa ito lalabas ay mabilis niyang hinubad ang T-shirt na suot-suot niya at muling isinuot ang kanyang dress, mabuti na lang at hindi pa din lumalabas ng banyo si Cold, narinig niya ang lagaslas ng shower sa loob at mukhang naliligo ang binata.

Mabilis na isinuot ni Sabriana ang kanyang heels at pagkatapos ay lumabas ng kwartong iyon, doon lang niya nalaman na nasa bar pa pala silang dalawa ng makita niya ang hagdanan, ang buong akala niya ay nasa hotel silang dalawa, mabilis na bumaba si Sabriana sa hagdanan, hindi man lang siya nag abalang tingnan ang kanyang itsura dahil sa pag mamadali, ayaw niyang maabutan pa siya ni Cold doon dahil naasar siya sa pagmumukha ng binata.




Samantalang ngingisi-ngisi naman si Cold habang nag papakabasa sa shower, nadinig niya ang pag sara ng pintuan at alam niyang nakaalis na si Sabriana.

'Ano nga bang nangyari kagabi?' tanong niya at pagkatapos ay muling natawa, ngayon lang siya nakatawa ng ganon dahil bigla niyang naalala ang nangyari kagabi.




A/N: Salamat sa mga nag babasa, I appreciate you all kahit kokonti lang kayo, please samahan nyo ako hanggang sa huling chapter and please vote HD, follow me and I'll follow you back♥️

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon