16

3K 93 2
                                    

Samantalang ngingisi-ngisi naman si Cold habang nag papakabasa sa shower, nadinig niya ang pag sara ng pintuan at alam niyang nakaalis na si Sabriana.

'Ano nga bang nangyari kagabi?' tanong niya at pagkatapos ay muling natawa, ngayon lang siya nakatawa ng ganon dahil bigla niyang naalala ang nangyari kagabi.

"p-pakawalan mo ako! T*ngin@!" malutong na mura ni Cold at pilit na inaalis ang pagkakayakap sa kanya ni Sabriana ngunit mas lalo pang humigpit iyon, kakaiba ang lakas ng dalaga ngayon kaya hindi niya magawang kumawala dito.

Gusto niyang batukan ang dalaga baka sakaling matauhan ito sa kanyang ginagawa ngunit hindi niya magawa, kaya imbis na batukan niya ito ay pilit na lang niyang inaalis ang kamay nito sa kanyang likod ngunit matigas ang ulo ni Sabriana, mukhang natutuwa pa ang dalaga sa mga pinag-gagawa nito.

"I said, let me go." madiin na bigkas ni Cold, napupuno na siya kay Sabriana, nawawalan siya ng pasensya sa dalaga, at ano mang oras ay iiwan niya ito sa kwartong mag isa, wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari dito.

"Sabriana Del Vega!" sinubukan niyang buoin ang pangalan nito nag babakasaling matakot ito sa kanya ngunit tumawa lang ito at ngumuso, pilit nitong inilalapit ang labi nito sa kanya, pilit naman iniiwas ni Cold ang kanyang mukha.

Hindi pwede, delikado siya kay Sabriana dahil sila lang dalawa ang tao sa kwartong iyon, hindi siya pwedeng mag take advantage sa babaeng lasing, kahit naman magaspang ang kanyang ugali ay hindi siya pumapatol sa babaeng nakainom, kahit na ito pa ay naka-drugs.

"Stop it, your not funny." wika muli ni Cold ngunit sadyang makulit si Sabriana at ayaw mag patalo, mukhang hindi talaga nito alam ang ginagawa niya at mukhang tuluyan na itong nawala sa sarili.

Sinubukan muli ni Cold ang makawala sa dalaga at nag tagumpay siya dahil nagawa niyang alisin ang kamay nito sa kanyang likod ngunit nang akma na siyang tatayo ay kumapit naman ito sa kanyang batok at hinigit pa siya nito.

Ilang pulgada na lang ang kanilang pagitan at isang maling galaw lang niya ay mahahalikan na niya si Sabriana. Kung bakit ba kasi mapula ang labi ng dalaga, mukhang natural ang pagkapula non at talagang naakit siyang tingnan ito.

Napalunok tuloy siya ng sarili niyang laway, mukhang hindi na niya kayang mag pigil pa.

"No Cold, don't kiss her." sinubukan niyang alisin ang maduming iniisip niya ngunit bago pa niya iyon magawa ay kinabig na siya ni Sabriana, ito ang humalik sa kanya. Sa una ay nabigla ang binata ng maglapat muli ang kanilang labi, hindi siya nakagalaw sa ibabaw nito ngunit maya-maya ay nadala na din siya sa halik na ibinibigay sa kanya ni Sabriana.

Ang kaninang pag titimpi niya ay tuluyan ng nawala sa kanyang isipan, tanging nasa isip lang niya ngayon ang matamis na labi ng dalaga, hindi niya maikakaila na gustong-gusto niyang halikan ito, ewan ba niya pero ganon ang nararamdaman niya, siguro dahil masyadong malakas ang appeal ni Sabriana kaya nadadala siya nito.

Nakaramdam ng kakaibang init si Cold ng lumakbay ang mga kamay ni Sabriana sa kanyang likod at pagkatapos ay hinaplos-haplos ito, isang mahinang ungol ang kumawala sa labi ng binata. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng ganon.

"Sab..." mahinang tawag ni Cold kay Sabriana, bahagya pa itong hinihingal dahil sa halikan nilang dalawa ngunit hindi pa din tumitigil ang dalaga sa pag halik sa kanya. Mukhang sabik na sabik ito sa kanya kaya hinayaan na lang niya ito dahil gusto din naman niya ang nangyayaring halikan sa pagitan nilang dalawa.

"Damn, Sabriana." hindi na napigilan ni Cold ang kanyang sarili, nag simula ng mangapa ang kanyang kamay, bumaba iyon sa hita ni Sabriana pagkatapos ay dahan-dahan niya itong hinaplos, mas lalo pa siyang nakaramdam ng init. He wanted more, he badly wants Sabriana, mukhang hindi na siya makakapag timpi pa.

Pumaloob ang kamay ni Cold sa dress ni Sabriana, una nitong hinawakan ang maliit nitong tiyan pagkatapos ay umangat pa ang kamay niya sa mga dibdib nito, marahan niya itong minasahe at dahil sa kanyang ginawa ay mahinang napaungol ang dalaga.

Saglit niyang tinigilan ang dibdib ni Sabriana at mabilis niyang hinubad ang suot nitong dress, hindi na siya nahirapan pa ng gawin niya iyon dahil kanina pa ito tinanggal ni Sabriana. Pasimpleng natawa tuloy si Cold sa kanyang sarili, pilit pa niya itong pinapatigil kanina pero agad din pala siyang bibigay sa dalaga.

Nang mahubad ni Cold ang damit ni Sabriana ay muli niya itong hinalikan, mas lalo pang nagiging agresibo silang dalawa mukhang walang balak na patigilin ni Sabriana ang kanyang ginagawa, patigilin man siya nito ay hindi na niya magagawa dahil masyado na siyang pinainit nito, talagang mababad-trip siya kapag bigla itong tumigil o matauhan sa kanilang ginagawa, ayaw niyang mabitin. Ito kasi ang unang pagkakataon na mararanasan niya ang s*x.

Bumaba ang halik ni Cold sa leeg ni Sabriana kaya naman ay bahagyang napaangat ang katawan nito dulot sa kiliting hatid ng kanyang halik.

"Your so sexy, Sabriana." hindi alam ni Cold kung bakit gustong-gusto niyang tawagin ang dalaga sa pangalan nito, siguro nga ay nababaliw na siya, hindi din kasi niya alam ang dahilan kung bakit pag dating sa dalaga ay nagiging iba ang kanyang ugali, madalas kasi ay walang pakialam si Cold sa kanyang paligid pero ng dumating si Sabriana sa kanyang buhay ay nagulo ito, maging ang kanyang utak ay gumulo.

"Sabriana is not my name" sa wakas ay nakapag salita na din ang dalaga, hindi gaanong narinig ni Cold ang sinasabi nito dahil busy siya sa kanyang ginagawa pero sinubukan pa din niyang tingnan ang mukha ng dalaga, nag tatanong ang kanyang mga mata.

"I'm Sabb-"

Natigil ang sinasabi nito dahil sa ingay na nag mumula sa labas ng pinto, may kumakatok doon at tila galit ang taong iyon dahil kulang na lang ay sirain nito ang pinto, dahil doon ay tuluyan ng tumigil si Cold sa kanyang ginagawa, bigla din kasi siyang natauhan at biglang nawala ang kanyang pagnanasa para kay Sabriana. Agad siyang tumayo at pagkatapos ay isinuot niya ang kanyang damit sa dalaga at pagkatapos ay nag tungo sa pinto ng kwarto upang tingnan kung sino ang kumakatok.

Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Nicole, gigil na gigil ito at mukhang gusto nitong manakit, pilit itong pumapasok sa loob pero pinigilan ito ni Cold.

"Tell me, who's that girl?!" kung makasigaw si Nicole ay parang may relasyon pa silang dalawa, nakalimutan yata nito na siya ang nakipag hiwalay at nag loko at hindi si Cold.

"She's Sabriana." bored na sabi ni Cold, weird lang kasi hindi siya nakaramdam ng kaba ng sabihin niya iyon, mukhang nakalimutan na din niya ang kanyang nararamdaman para sa babae.

"Is she your new girlfriend? Siya ba ang ipinalit mo sa akin o baka naman you're just using her to make me jealous?" ngumisi si Nicole sa kanya kaya ngumisi din si Cold, ang pinaka ayaw pa naman niya sa lahat ay ipinapamukha ni Nicole sa kanya na hindi niya ito kayang palitan.

"Go home, I'm busy with her." akmang isasara na ni Cold ang pinto ngunit iniharang ni Nicole ang kanyang kamay sa pinto, mabuti na lang at hindi ito naipit.

"I'm sure you're just using her, hindi mo naman ako kayang palitan hindi ba? You still love me" malamig siyang tiningnan ni Cold, nag titigan muna silang dalawa hanggang sa si Nicole na mismo ang sumuko, hindi talaga niya kayang titigan ang malalamig na mata ni Cold dahil nakakaramdam siya dito ng takot.

"Alis." mahina ngunit may diin na sabi ni Cold, wala ng nagawa si Nicole kung hindi ang mag martcha papaalis sa lugar na iyon, doon lang nakahinga ng maluwag si Cold, ayaw na ayaw talaga niya sa babaeng makukulit at matitigas ang ulo nauubos ang kanyang pasensya.

Isinara niya ang pinto at muling bumalik sa kinaroroonan ni Sabriana, nang balikan niya ang dalaga ay mahimbing itong natutulog, humihilik pa ito at bahagyang nakabuka ang bibig nito, umupo si Cold sa kama at pinagmasdan ng mabuti ang dalaga, ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na titigan ang magandang mukha nito, sigurado siyang nakita na niya si Sabriana sa kung saan dahil sobrang pamilyar ng mukha at lalong-lalo na ang labi nito, hindi lang niya maalala kung saan ba niya ito nakita dahil hindi naman siya mahilig tumingin sa mga magazine kaya sigurado siya na hindi niya ito nakita doon.

Weird pero, may isang taong pumapasok sa kanyang isipan pero agad niyang iwinaglit sa kanyang isip ang mukha nito.

"No, she's not Sabby, she's Sabriana, baka kamukha lang niya." sabi niya sa kanyang sarili pagkatapos ay nahiga sa kama dahil bigla siyang nakaramdam ng antok, ihahanda na lang niya ang kanyang sarili sa mga sampal nito bukas.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon