KINABUKASAN
Medyo napaaga ang pasok ko sa School. Hindi na naman kasi ako makatulog. Nahihirapan akong matulog dahil doon sa nangyari kagabi. Kahit anong gawin ko hindi ko maiwasan ang isipin iyon. Halos sabunutan ko na nga ang sarili ko kakasaway na kalimutan na ang bagay na iyon dahil wala naman itong kakwenta-kwenta. Normal na dapat sa akin ang makipag halikan dahil madami na din akong nahalikan na lalake sa ibang bansa. It's just a kiss Sabriana! forget about it!
Nang makaupo ako sa aking upuan ay kusang lumikot ang mga mata ko sa kung saan nakaupo ang apat ngunit wala pa sila sa kani-kanilang upuan. Siguro dahil masyado pang maaga kaya hindi pa sila pumapasok. May thirty minutes pa kasi bago mag simula ang first class namin. Iilan palang din ang mga kaklase ko. Lahat sila ay nag tutumpukan sa iisang table at mukhang may pinag kakaabalahan. Hindi nga nila namalayan na pumasok ako dahil hindi man lang nila ako nilingon. Kung ano man ang pinag kakaabalahan nila ay wala na ako doon.
“Si Sabriana ito hindi ba? ” wala na dapat akong balak na pansinin ang mga iyon ngunit napantig yata ang tenga ko nang marinig ko ang maganda kong pangalan. Kahit ayaw ko man ay napilitan na akong lingunin ang limang babae na kaaga-aga ay chismisan agad ang inaatupag.
“Siya nga ito pero bakit naka post ang picture niya sa instagram ni Cold? Sila ba? ” ani pa ng isa sa kanila, hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil hindi din naman ako interesadong makipagkilala. Its just a waste of time at alam ko naman na mga plastik ang karamihan sa kaklase ko.
Binuklat ko ang bag ko at kinalkal doon ang cellphone ko. Nang makita ko ito ay kaagad ko itong binuksan at nag tungo sa instagram. Ngayon na lang ulit ako nakapag bukas nito kaya hindi ko alam kung ano ang mga kaganapan.
Unang tiningnan ko ay ang notification. May two hundred five na tao ang nag follow sa akin ngunit may isang pangalan na naka agaw sa akin ng pansin. Pinindot ko ang pangalan ng taong iyon at agad na bumungad sa akin ang kanyang profile na naka simpleng t-shirt lang at pants ngunit nangibabaw ang kagwapuhan nito.
Hindi ko na napigilan ang mag scroll at ganon na lang ang pag iinit ng aking mukha nang makita ko kung ano ang naka post doon walang iba kung hindi ako. Kuha iyon kagabi nasa loob ng ferris wheel. Naka ngiti ako habang nakatingin sa tanawin sa labas. Walang naka lagay na kahit anong caption doon ngunit umani ito ng madaming likes at comments. Hindi ko na tiningnan ang mga comments dahil alam kong dumami lang ang basher ko dahil ipinost ng kanilang prinsipe ang mukha ko sa sarili nitong account na tila nababaliw na.
Nag scroll akong muli at napahinto ako sa sumunod na picture. Naka sleeveless siyang puti at short. Pagkatapos ay nakaupo. Mukhang nasa gym siya base sa kanyang background habang naka harap siya sa malaking salamin at hawak hawak ang kanyang cellphone. Hindi siya nakangiti. Seryoso ang mukha niya pero ang gwapo niya tingnan. Dahil nga naka sando siya kitang-kita kung gaano siya kaputi at kung gaano kaperpekto ang hubog ng kanyang katawan. Pawisan din siya at ang tuwid niyang buhok ay humaharang sa gwapo niyang mukha. Hindi dapat pero hindi ko mapigilan ang purihin siya.
Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na akong naka tingin sa litratong iyon. Hindi ko maalis ang titig sa katawan niya at mas lalong hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko bakit kanina pa ako napapalunok sa sarili kong laway. Iniling ko ang ulo ko at pinatay ang aking cellphone pagkatapos ay inilagay sa bag. Bakit ko ba tinititigan ang picture niya? E ano naman kung gwapo siya? Mas gwapo si Primo kaysa sa kanya.
Inis kong inayos ang buhok ko dahil pakiramdam ko'y nagulo iyon. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nag kakaganito? Hindi dapat, mali itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi dapat ako nagiging attracted sa ungas na iyon dahil masisira lang lahat ng pinag hirapan kong plano. Baka sa huli ako na naman ang maging talunan.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Roman pour AdolescentsMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...