"Tapos ka na agad?" tumango ako kay Uno at pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue na nasa lamesa, sumabay ako sa kanila ng pagkain dahil malungkot kapag walang kasabay kumain, pakiramdam ko sobrang loner ko kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang kumapit sa patalim, at isa pa ay kailangan kong mapalapit sa apat, mabuti na lang talaga ay hindi nagalit sa akin si Uno kanina nang malaman niyang nag kukunwari lang ako, tinawanan lang niya ako at sinabihan niyang Cute, akala yata ni Cold ay magagalit sa akin si Uno pero mabuti na lang at may mabuting puso si Uno at pilit akong inunawa.
Tinanggal ko na din ang benda sa paa ko dahil nag mumukha lang akong tanga at pinag titinginan din ako ng mga tao, hindi bagay sa akin ang may benda sa paa dahil ang pangit tingnan.
Tumayo ako mula sa upuan at ramdam ko na naman ang tingin ng apat sa akin kaya naman nginitian ko sila ng matamis, ano ba yan! Kailangan ba palagi nilang tinitingnan ang kagandahan ko? Naiilang tuloy ako.
"R-restroom lang ako" hindi ko na hinintay pang makasagot ang apat dahil agad akong nag lakad papalayo sa kanila at hindi ko na nilingon pa, aaminin ko na nahihiya pa din ako kay Uno, okay lang sana e kung hindi ako nahuli ni Cold pero ang walanghiya, pinahiya ako sa tatlo, may pasabi-sabi pa siya sa akin kagabi ng 'coz I think I like you', like you mo mukha mo! Bwiset kang epal ka! Sarap niyang tadyakan sa mukha at dagdagan ang sugat noon, nabwibwiset talaga ako sa kanya.
Dahil nasa tapat na ako ng restroom agad kong inalis sa isip ko ang lalaking iyon, ayaw kong umihi tapos siya ang iniisip ko no? That's gross!
Papasok na sana ako sa isang cubicle ng makita ko si Nicole na lumabas sa cubicle na iyon, natigilan siya ng makita niya ako pero maya-maya ay tinaasan niya ako ng kilay at nag flip hair pa ang gaga sabay nilagpasan ako.
Akala ko aalis na siya pero...
"You know what? Your face is so familiar, I think I saw you somewhere." naikuyom ko ang aking kamao at napapikit, nakaramdam ako ng pagkataranta dahil sa sinabi niya, parang biglang umurong ang ihi ko mula sa pantog ko dahil sa kanyang sinabi.
Inayos ko ang sarili ko at nagkunwari akong kalmada, kalmada kasi babae ako, duh!
Humarap ako sa kanya at nagkunwaring hindi kinakabahan pero sa totoo lang ay parang gustong lumabas ng puso ko, ang lakas ng tibok nito at nag wawala sa loob ko.
"Talaga? Hindi na ako nag taka kasi sikat ako." Sabi ko sa kanya sabay ngisi pero tumawa lang siya ng malakas at pagkatapos ay muling lumapit sa akin, tinitigan niya ng mabuti ang mukha ko, gusto ko sanang iwasan ang kanyang titig pero nanatili akong nakatingin at naka pocker face sa kanya.
"Hindi e, parang kilala talaga kita, you look like her." pigilan nyo'ko sasapakin ko itong bruhildang epal na ito, baka mamaya mabuking agad niya ako at hindi ko matapos ang mga plano ko ng dahil sa kanya.
"Excuse me lang ha? Pero sasabog na ang pantog ko, baka gusto mong umihi ako sa panget mong mukha?" sabi ko na lang sa kanya at pagkatapos ay tumalikod at nag flip hair sa kanya, sinadya kong matamaan ng buhok ko ang kanyang mukha, langhapin niya ang bango ng buhok ko.
Padabog kong sinarado ang pinto ng Cubicle at doon lang ako nakahinga ng maluwag, tuluyan na ngang umatras ang ihi ko dahil sa sinabi ni Nicole, narinig ko ang pag sara ng pinto ng restroom kaya alam kong naka-alis na siya, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at sumilip sa labas upang masigurado kong wala na talaga siya. Nang masigurado kong umalis na siya ay agad akong lumabas at nag tungo sa salamin.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...