SABRIANA'S POV
Kinabukasan maaga akong pumasok sa School, hindi ko na hinintay pa si Uno, dahil sa totoo lang gusto ko munang umiwas sa kanila ni Kiro, grabeng kahihiyan ang nararamdaman ko sa mga pinag gagawa ko sa kanila, I need to rest at magagawa ko lang iyon kapag hindi ko sila kasama.
Maaga akong pumasok kaya wala pang masyadong tao sa Classroom, nabibilang ko pa sa mga daliri ko ang mga kaklase kong nasa loob, tuloy-tuloy lang akong pumasok at hindi pinansin ang pag tawag nila sa pangalan ko, ngayon ko lang narealize na simula noong pumasok ako dito hindi pa din ako nag kakaroon ng kaibigan, wala kasi akong panahon para doon, isa pa ayaw kong makipag kaibigan sa mga taong plastik, mas mabuti pang wala akong maging kaibigan kesa naman mag paka plastik ako sa kanila.
Kahit naman nasa states ako, may mga kaibigan din ako pero hindi ko sila gaanong ka-close, sumasama lang talaga ako sa kanila dahil napipilitan lang ako, sabi kasi ng Manager ko dapat nakikipag kaibigan ako para naman walang masamang issue ang dumikit sa akin at hindi ako mabansagang snob.
So back to the reality, umupo ako sa upuan ko pagkatapos ay inilabas ang cellphone ko at tiningnan ang mga message ni Primo, naka ilang missed call siya at text sa akin pero hindi ko siya pinapansin, hindi ko din kasi masasagot ang mga tanong niya, actually iisa lang naman ang kanyang tanong at iyon ay...
"What the fvck is he doing at your house? Answer me damn it!" Odiba? Masyado siyang high blood, akala mo naman e boyfriend ko siya, but seriously hindi ko talaga siya masagot sa kanyang tanong, ewan ko ba, dapat nga sinasabi ko sa kanya ang lahat ng mga nangyayari pero bigla na lang akong tinubuan ng hiya, siguro dahil nag aalala akong baka mapag sabihan na naman niya ako dahil nasobrahan ako sa ginagawa ko, kilala ko siya palagi niya akong pinag sasabihan, alam niya yung tungkol sa plano ko pero sinabihan niya akong huwag gumawa ng kahit anong move na sobrang touchy, natatandaan ko pa yung bilin niya sa akin noong hinatid niya ako sa airport.
FLASHBACK
"Please, don't do anything that will might hurt you Rian." primo said while patting my head, inis kong inalis ang kamay niya sa ulo ko dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang tapikin ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay ginagawa nila akong aso.
"Oo na, hindi naman talaga ako gagawa ng ikakasakit ko, I'm not that stupid you know!" pananaray ko sa kanya, akala ko matatawa siya sa sinabi ko pero kumunot ang kanyang noo at pinitik ang tenga ko, agad naman akong napalayo sa kanya.
"Yah, you're the one who's hurting me!"
"Idiot, I'm serious!"
Hinigit niya ako papalapit sa kanya pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit, hindi na lang ako pumalag at niyakap din siya pabalik ang dami tuloy kinikilig sa aming dalawa, malamang ay mababalita na naman ito sa T.V , ang dami din kasing camera sa paligid namin pero dahil sanay na kaming dalawa ni Primo ay hinayaan na lang namin, mainggit silang lahat.
"Do not kiss ramdom guys, okay?" Natawa ako sa kanyang bilin, sa lahat ba naman ng ibibilin niya ay iyon pa ang kanyang sasabihin, kilalang-kilala na talaga niya ako, tumango na lang ako sa kanya at pasimpleng inamoy ang kanyang damit, grabe ang bango talaga niya, amoy mayaman.
"Call me anytime, don't ignore my calls and message kung hindi ay malalagot ka sa akin pag uwi ko sa Pilipinas, You got that beauty?"
"Opo Prim" sagot ko na lang pero ang totoo ay natatawa talaga ako, parang boyfriend kung mag bilin ang isang ito pero hindi na ako nag reklamo pa sanay na kasi ako sa pagiging protective niya sa akin, kaya kapag nagkaroon siya ng girlfriend ay mag wawala ako ng bongga, hindi ko naman siya gusto pero ayaw ko talaga siyang magkaroon ng girlfriend huwag muna ngayon, gusto ko kasing nasa akin ang atensyon niya, selfish na kung selfish pero iyon ang gusto ko at pumayag naman si Primo doon, sabi ko saka na lang siya mag girlfriend kapag may lalake ng mag aalaga sa akin katulad ng pag aalaga niya, ang sabi niya din naman.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Fiksi RemajaMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...