"Saan ba kasi tayo pupunta Cold? Kanina mo pa ako hinihigit! May bibilhin pa ako!" Pag pupumiglas ni Sabriana kay Cold, higit-higit siya nito at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binata, buong akala niya ay makakatakas na siya sa lalaki pagkatapos nitong mag palit ng damit, ang sabi nito sa kanya ay bayaran niya ang damit na nadumihan niya pero hindi naman siya nito hinayaan na mag bayad sa counter, sa huli ay si Cold pa din ang nag bayad ng damit."Just shut up woman, I'm hungry so shut the fvck up or else I'll fvcking eat you." Natameme si Sabriana sa kanyang narinig, ang sarap talagang sapakin ng binata kung hindi nga lang sila nasa harap ng madaming tao ay nasapak na niya ito, hindi niya aakalain na may pagka-naughty pala ang binata, buong akala niya kasi sa ugali nito ay masungit at walang pakialam sa mundo, ngunit nag iba ata ang ihip ng hangin.
"Siguraduhin mo lang na sa matinong lugar mo ako dadalhin" ani na lang ni Sabriana, hindi na niya narinig ang boses ni Cold, mukhang wala na itong balak na sagutin pa ang tanong niya, minsan talaga ang hirap kausapin ng binata dahil bigla-bigla na lang itong tumatahimik, siguro ay may bipolar disorder si Cold kaya paiba-iba ang ugali nito.
Hawak-hawak pa din ni Cold ang kanyang kamay, tila isa siyang batang paslit na binabantayan upang hindi mawala sa mall, ganon ang nararamdaman niya dahil sa higpit ng pag kakahawak sa kanya ni Cold, gusto niyang tanggalin iyon pero may part sa kanya na nagugustuhan niya ang pagkakahawak nito sa kanya, ito ang unang beses na naging touchy si Cold.
Samantalang noon, halos ikamatay nito kapag nahawakan niya ang binata, dahil ba maganda siya? Kaya nagagawa na niyang mahawakan si Cold.
Ngayon pa na wala na siyang gusto sa lalaki, kung siguro may nararamdaman pa siya para kay Cold ay hindi siya liligo habang buhay huwag lang matanggal ang amoy ng kamay ni Cold sa kanya, ganon siya kabaliw dito noon.
"We're here" sa wakas ay nagawa na din mag salita ni Cold, tumingin si Sabriana sa lugar na kanilang hinintuan, akala niya kung saan siya nito dadalhin pero sa isang restaurant lang pala, pero in fairness, hindi cheap na resto ang pinag dalhan nito sa kanya kung hindi isang mamahaling restaurant.
May isang stuff na sumalubong sa kanila at binati pa silang dalawa, sa halip na bumati ang dalawa sa stuff ay parehas lang silang deadma sa kanilang narinig, parehas silang may red flag, parehas na mataas ang pride.
"Doon tayo malapit" turo ni Sabriana sa isang bakanteng table, malapit ito sa bintana ngunit hindi siya pinansin ni Cold, ni hindi sinunod ang gusto niya sa halip ay muli siyang kinaladkad nito sa isang table, malapit sa aircon, dahil sa backless dress na suot ni Sabriana ay agad niyang naramdaman ang lamig sa kanyang katawan, sanay na siya sa malamig dahil nasanay siya sa malamig na temperatura sa ibang bansa ngunit iba kasi ang kanyang suot, kitang-kita ang kanyang balat kaya naman nakaramdam siya ng lamig, talaga ngang walang puso si Cold at parang walang napapansin sa kanya.
"Sit" utos ni Cold, ginawa pa siya nitong aso, sa inis ni Sabriana ay padabog siyang umupo sa upuan kaya halos lahat ng kumakain ay napatingin sa kanya pero inirapan lang niya ang mga ito, kung kanina ay nag aalala siya na baka may paparazi na nakasunod sa kanya, ngayon naman ay wala na siyang pakialam.
Napupuno na siya kay Cold at naiinis din siya sa kanyang sarili dahil sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan na naman niyang mag pahigit sa binata. How stupid she is.
Kayang-kaya naman niyang tumakas sa lalaking ito at mag dahilan na may gagawin pa siyang importante pero mas pinili pa niya ang mag pahigit dito, ngayon tuloy aabot na sa langit ang kanyang pag kainis at mukhang sasabog na talaga ang kanyang dugo sa sobrang pag kulo nito.
BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...