"Rian? Why did you fvcking hang up the call?" bumungad sa akin ang galit na boses ni Primo ng sagutin ko ang kanyang tawag, kakauwi ko lang ng bahay at kasalukuyan akong nakahiga sa aking kwarto, hindi pa din nga ako nakakapag bihis dahil tinatamad ako."Sorry Prim, ikaw kasi ang tagal mo bago sumagot." pag hingi ko ng paumanhin sa kanya ngunit hindi iyon sincere, oo na ako na ang maldita, siya naman kasi e kasalanan niya kung sinagot lang niya sana ako ng mabilisan kanina ay hindi ako mag iisip ng kung ano-ano.
"Tss, bakit ka umiiyak kanina? Did he maked you cry again?" may bahid na pag aalala sa boses niya, mukhang nawala na ang galit niya kaya naman napangiti ako, kahit kailan talaga ay hindi niya ako matiis.
"Kailan ka uuwi?" iniba ko ang usapan, obvious naman ay ayaw kong pag usapan ang lalaking iyon, hindi pa din ako nakakamove on sa pag halik niya sa pisngi ko kanina, hindi ko siya nagawang sampalin dahil sobrang na-shock ako, natauhan lang ako ng mapansin kong wala na si Cold sa harapan ko.
"Hindi pa ako makakauwi, I have a lot projects to do, I'm sorry." muli akong nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang sinabi, I guess matatagalan pa talaga bago siya makauwi dito sa Pilipinas, wala naman talaga siyang matutuluyan dito, ang mga magulang kasi niya ay nakatira na din sa U.S at ang sabi ni Primo lahat ng kanilang ari-arian dito sa Pilipinas ay binenta na maging ang kanilang bahay, so I offered my house. Ang sabi ko dito na lang siya tumira sa amin at pumayag naman si Lola.
"I miss you Prim." nang sabihin ko iyon ay muling tumahimik sa kabilang linya, ewan ko ba pero sa tuwing kinakausap ko talaga siya palagi na lang siyang natatahimik, may nasabi ba akong masama? Wala naman hindi ba? Dapat nga kiligin pa siya at magpasalamat dahil ang isang Sabriana Del Vega ay namimiss siya.
"Hello Prim? Ayan ka na naman-"
"I miss you too Rian, I really do."
"Really-toot!" walang hiya, pinatayan ako ng tawag, gumaganti ba siya sa akin dahil palagi ko siyang pinapatayan ng tawag? Kung oo ang lakas ng kanyang loob, humanda talaga siya kapag nakauwi siya ng Pilipinas talagang kakawawain ko siya.
Padabog kong ibinato ang cellphone ko sa tabi ko pagkatapos ay ipinikit ang mga mata ko, kainis sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko naalala ko bigla si Cold pati na din yung kiss niya sa pisngi ko, sa pisngi lang iyon pero bakit ganon ang epekto nito sa akin? Parang hindi ako papatulugin ng pisteng halik na 'yon, hays! Makapag palit na nga ng damit!
COLD'S POV.
Did I just fvcking kissed her on her freaking cheek? What the fvck is wrong with me? Bakit bigla-bigla ko na lang hinalikan ang babaeng iyon?
Parang nangyari na ito sa akin noon kaso nga lang sa ibang babae, bigla-bigla kong hinalikan si Sabby noon sa hindi malaman na dahilan, sa tuwing napapatitig ako sa mga mata niya, I fvckig can't help my self but to kissed her, ganon din kay Sabriana, nang titigan ko muli ang kanyang mata parang hinihigop nito ang lakas ko, bading man pakinggan pero ganon ang nararamdaman ko, hindi ko nga maintindahan e. Siguro ginayuma niya ako o kaya naman ay kinulam niya ako kaya ako nagkakaganito.
"Dude? Ayos ka lang? Paparating na sina Delgado" tukoy ni Trix sa mga kalaban namin, agad akong napasimangot ng marinig ko ang apilyedo ng lalaking iyon, bakla ata iyon e, ilang beses na silang natalo sa grupo namin pero patuloy pa din kaming inaayang makipag laban sa kanila, siguro gusto lang nilang makita ang kagwapuhan ko. Tss!
Humithit ako sa sigarilyong hawak-hawak ko pagkatapos ay inihulog ko ito sa sahig at tinapak-tapakan upang mamatay ang sindi nito, ganito talaga ang ginagawa ko sa tuwing nag iintay kami ng mga kalaban, mga VIP kasi ang mga p*ta at palaging late sa oras, talagang inuubos nila ang aking pasensya.
"Ready your self boys, wag kayong pabakla-bakla." ani ko sa grupo ko ng lingonin ko sila, agad namang sumaludo ang mga ito sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin at tinalikudan ang mga ito.
Nang tumalikod ako ay agad kong nakita ang paparating na si Delgado at ang mga bading niyang kasama, may mga hawak silang batuta, mga bading talaga. Samantalang ang grupo ko ay sapat na ang kamao upang mapatumba sila.
"Long time no see, Tuazon" bati ni Delgado habang pinag lalaruan ang hawak niyang tubo, ngumisi lang ako sa kanya upang mainis ito sa akin at hindi nga ako nag kakamali agad na tumalim ang tingin niya sa akin at nag tiim ang kanyang bagang.
"Iyan ba ang mga bata mo ngayon? Hindi pa ba gumagaling ang iba mong bata mula sa pambubogbog namin sa inyo noong nakaraan na araw?" singit ni Uno na nasa tabi ko, siya ang nag sisilbing kanang kamay ko sa grupo, madalas kasing wala ako sa gang dahil tinatamad akong makipag suntukan, masyado kasing mahihina ang nakakalaban namin kaya nawawalan ako sa mood, ayaw ko pa namang nasasayang ang oras ko.
"Ang dami mong sinasabi Uno, manahimik kang tangin* ka!" dahil sa sinabi ni Uno ay tuluyan ng napuno si Delgado, nag simula na itong umatake at agad namang sumunod ang grupo nito. Lumapit ito sa akin at pagkatapos ay sinubukan akong hampasin ng tubo sa mukha ngunit mabilis akong nakailag sa kanya.
Agad kong sinapak ang kanyang pag mumukha kaya naman ay napaurong siya sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya ngunit agad siyang naka bawi, muli niyang inangat ang tubo at inihampas sa gawi ko.
"Aish! Damn it!" mahinang mura ko dahil muntik na niyang matamaan ang gwapo kong mukha, dahil sa pagkapikon ko ay sinipa ko ang kanyang bay*g kaya naman ay napaluhod siya sa sakit.
"Not my perfect face! Damn you!" I shouted and raise my middle finger, sinubukan niyang tumayo at nang makatayo siya ay nagawa niya akong sapakin sa aking mukha, hindi ko inaasahan ang pagsapak niyang iyon kaya naman nagalusan na ng tuluyan ang mukha ko, nalasahan ko pa ang dugo mula sa labi ko.
"T*nginaka! Ang yabang mo Tuazon!" pikon niyang sabi, sinubukan muli niya akong sapakin pero agad kong nahawakan ang kanyang braso at pinilipit iyon. Nag tatalon siya at nag sisigaw sa sakit, I fvcking told you guys, this guy is a fvcking gay. Kahit anong gawin niya ay wala siyang panama sa akin.
Nang masigurado kong nabali na ang kanyang buto sa braso ay agad ko siyang tinulak papalayo sa akin at tumalikod sa kanya, pero kung inaakala niyang tapos na ako sa kanya ay nagkakamali siya. I face him again and gave him a round kick on his fugly face, dahil sa lakas ng binigay kong sipa sa kanya ay tuluyan na siyang napahiga sa semento habang iniinda ang sakit na binigay ko sa kanya, kaya naman ay napangisi ako at muling kumuha ng sigarilyo mula sa paketeng nasa bulsa ko.
Habang sinisindihan ko ang sigarilyo ay tiningnan ko sina Uno, mukhang tapos na din sila sa pakikipaglaban dahil lahat ng bata ni Delgado ay nakahandusay na sa semento.
May konting galos sa mukha si Uno at Trix, habang nag mumura naman sa galit si Kiro dahil sa natamo niyang pasa sa kanyang mukha, mukhang malapit na niyang mapatay ang isang bata ni Delgado dahil hindi niya ito tinigilan, kahit na nakahandusay na iyon sa sahig ay patuloy pa din ang pag tadyak niya sa sikmura nito.
"Tama na yan Kiro." awat ni Uno sa kanya, mukhang napansin din niya ang pag hihingalo ng lalaki, agad namang tumigil si Kiro ngunit bago siya lumapit sa amin ay muli niya itong binigyan ng malakas na tadyak sa sikmura kaya tuluyan na itong nawalan ng malay.
"4 minutes" ani Trix habang nakatingin sa mamahalin niyang relo, mukhang talo na naman ako sa pustahan, tatlong minuto kasi ang pinusta ko sa kanila at tinaya ko ang bago kong kotse, mukhang tiba tiba ngayon ang gago dahil nanalo siya.
"Kainis naman! Akala ko 2 minutes tapos na natin ang mga pangit na 'yan, ang daya kasi nila may mga armas sila!" inilabas ni Kiro ang kanyang wallet at dinukot doon ang kulay itim na card, sa pagkakaalam ko ay isang milyon ang laman ng card na iyon.
"Manlibre ka Trix!" nakangising sabi ni Uno, Condo ang pinusta niya, may sarili kasi silang condo building kaya ito ang kanyang pinusta, mabuti na lang iyon lang ang nawala sa kanya, sa totoo lang ay hindi talaga iyon kawalan kay Uno dahil sa magulang naman niya ang Condo na ipinusta niya.
"Tss!" Sabi ko na lang at dinukot ang susi ng kotse ko mula sa aking bulsa at hinagis ito kay Trix, agad naman niya itong nasambot, mukhang makakabili na naman ako ng panibagong sasakyan bukas, psh! badtrid!
BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...