33

2.1K 67 2
                                    


SABRIANA'S POV





"That's all for today! Good bye!" Nagsi-tayuan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng Prof, kanya-kanya silang ayos ng kanilang gamit habang ako ay bored lang na naka halumbaba sa lamesa ko, tinatamad kasi akong mag ayos ng gamit, nakakatamad din kumain sa cafeteria, ayaw ko naman sumabay kina Cold ngayon kumain ang awkward na nga kanina sa sasakyan at baka tuluyan na akong mapikon, mapukpok ko pa siya sa ulo ng takong ko sa sobrang inis ko sa kanya, ayaw ko naman makasuhan ng attempted murder.




"Hindi ka ba kakain?" Tiningnan ko si Kiro, nakatayo siya sa harapan ko habang naka ngiti, dahil sa sobrang pag iisip ko at sa pagkainis nakalimutan kong may dalawa pa pala akong lalake na aasikasuhin, tiningnan ko si Trix nakaupo siya sa table habang nakatingin sa akin, nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya ay kaagad siyang ngumisi, hays iniisip ko palang na kailangan kong makisama sa kanilang apat hindi na ako makahinga, hirapan na nga ako kay Cold e, ano pa kaya kung pag sabayin ko pa silang apat, naiistress ang kagandahan ko.




"Busog pa ako" sabi ko na lang matapos kong iiwas ang tingin ko kay Trix, muli akong ngumiti kay Kiro pero dahil sa sinabi ko ay napakunot ang kanyang noo, mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko, sa totoo lang gutom na talaga ako pero ayaw ko muna silang kasama ngayon, nakakaimbyerna talaga si Cold.





"Busog ka? Apat na oras yung klase natin hindi ka nagutom?" Pangungulit pa niya, tumango ako sa kanya at muling ngumiti, shems! Ang plastik ko talaga mabuti na lang at gwapo si Kiro.




"I'm fine Kiro, kayo muna, hindi ako kakain" nag alangan pa siya dahil sa sinabi ko pero maya-maya ay tumango na din siya, mukhang nakumbinsi na siya sa sinabi ko, tumalikod na siya sa akin at niyaya si Trix na lumabas, bago pa sila makalabas ng classroom muli nila akong sinulyapan na dalawa, mukhang ayaw nila akong iwan sa classroom. Sumenyas na lang ako sa kanila na ayos lang ako tsaka muling ngumiti at dahil doon tuluyan na silang umalis ng room.




Gaga hindi man lang ako pinilit. Bwiset kayo ah.





"Ganyan ka ba talaga?" Doon lang naalis ang tingin ko sa pinto ng room dahil sa masungit na boses na nasa gilid ko, tiningnan ko iyon at bumungad naman sa akin ang seryosong mukha ni Cold, sumakit tuloy ang leeg ko dahil sa kakatingala ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay, ano na naman kaya ang problema niya hindi ko na nga siya pinapansin para hindi na kami mag kainisan pa.





"What?" Taas kilay kong tanong sa kanya, ngumisi siya at nag pamulsa, ang hilig talaga niyang mag pamulsa, mannerism na yata niya iyon. Mas lalo tuloy siyang nagiging masungit sa tuwing ginagawa niya iyon, idagdag nyo pa na sobrang seryoso ng kanyang mukha.





"Palagi mo na lang pinag aalala ang mga taong nakapaligid sayo? Ganyan ka ba talaga?" Napaurong ang dila ko, pinag aalala ko? Sino ba ang sinasabi niya? Sina Kiro? Ano naman ang pakialam niya kung ganon, masyado siyang pakialamero, hindi ko nga siya pinapakealaman.




Inirapan ko siya at nag cross arms ako sa harapan niya upang ipakita ang pag tataray ko pero mukhang hindi iyon umubra sa kanya dahil nanatili lang seryoso ang kanyang mukha.





"Ano naman ang pakialam mo? Naiinggit ka ba? Edi mag alala ka din!" Sigaw ko sa kanya, dahil sa sinabi kong iyon napanganga siya, mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, maya-maya pa ay bigla siyang tumawa ng nakaloloko, ang bipolar talaga niya, parang kanina lang ang sungit-sungit niya ngayon naman tumatawa siya ng malakas.





"Tss." bigla siyang tumigil sa pag tawa pagkatapos sinamaan na naman niya ako ng tingin, akala ko may sasabihin pa siya sa akin pero tinalikudan na niya ako at nag pamulsang lumabas ng classroom.



HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon