39

2.3K 43 1
                                    

"We're here." Itinigil ni Trix ang kotse sa gilid ng bahay namin, naninibago ako sa kanyang boses dahil feeling ko ang lamig ng tono nito. Hindi ko naman siya masisi dahil nasira ang dapat sana'y masayang birthday party but well, I'm not guilty. Talaga namang sinadya kong sirain iyon. Kahit siguro hindi nangyari ang pag tulak sa akin ni Nicole masisira at masisira pa din ang party niya dahil sa plano kong nasira.

Nasira man ang plano ko pero nakaganti naman ako sa babaeng higad na iyon, kumukulo pa din talaga ang aking dugo hanggang ngayon dahil naiisip ko pa din ang pag tulak niya sa akin sa pool. Feeling ko nabaligtad ang plano ko, ako dapat ang tutulak sa kanya sa pool pero naunahan naman niya ako, but it's okay dahil nakaganti naman ako sa kanya.

"Are you okay?" sabay pa kaming nag tanong ni Trix sa isat-isa, natawa kami parehas dahil doon. Tumango ako sa kanya bilang sagot, pero sa kaloob-looban ko gusto kong mapairap dahil sa tanong niya sa akin. Muntik akong malunod kanina, do I f**king look okay?

"Sorry Trix, hindi natuloy ang party mo dahil sa akin." labas sa ilong pag hingi ko ng paumanhin sa kanya, mabilis siyang umiling sa akin pagkatapos ay nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko inaasahan iyon. Ang akala ko kasi galit siya sa akin pero mukhang hindi pala ganito siguro talaga kapag maganda.


"It's okay Sabriana, hindi naman ako malungkot dahil doon, I'm sad because of what happened to you earlier. You f**cking scared me to death. Nagalit ako sa sarili ko dahil iniwan kita at hindi nabantayan edi sana hindi iyon nangyari sa'yo. I'm really sorry. " dama ko ang sensiridad sa kanyang boses, hinahaplos-haplos niya pa ang aking buhok habang sinasabi niya iyon sa akin. Napangiti ako ng mapait. Kung nakikilala ba niya ako ngayon bilang Sabby ganito din ang gagawin niya? For sure hindi, for sure magagalit siya sa akin at sisisihin niya ako kung bakit hindi natuloy ang party. For sure hindi siya mag so-sorry sa akin sa muntikan kong pag kalunod at sigurado akong pinag tatawanan lang niya ako ngayon.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit, it's so unfair. Ganito ba talaga? Pag pangit ka deserve mo ang nangyari pero pag maganda ka kaawa-awa ka. Ang dami kong natutunan sa kanila at dahil doon mas lalong gusto kong mag higanti dahil sa pang bubully nila sa akin noon.

"Huwag mo nang isipin iyon Trix, okay na ako ngayon hindi naman ako natuluyan kanina at nakaganti naman ako sa bruhang iyon!" muling kumulo ang dugo ko nang maisip ko ang pag mumukha ni Nicole, mukhang naramdaman ni Trix ang pang gigigil ko kaya naman tinapik tapik niya ang buhok ko ng marahan.

"Hush now, hayaan mo na siya. Ayaw kong nakikipag away ka." ang sweet niyang pakinggan, sa sobrang sweet gusto ko siyang itulak palayo sa akin. Nasusuka ako sa mga pinag sasabi niya. Nasusuka ako kapag naalala ko kung gaano nila ako pinag tawanan noong bata pa ako at ngayon ganito na niya ako itrato, parang isang Prinsesa.

"Papasok na ako sa loob Trix." pinilit kong pasiyahin ang boses ko pero sa loob-loob ko wala akong gana makipag bolahan sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pagkatapos siya na ang nag alis ng seatbelt ko.

"Stay here Sab, let me open the door for you." marahan akong tumango sa kanya at pinanood ang pag labas niya ng sasakyan. Umikot siya upang pag buksan ako ng pinto. Nang mabuksan niya iyon agad niyang inabot sa akin ang kanyang kamay para alalayan ako sa pag baba ng kotse. What a f**king gentleman. Should I clap my hands for him?


"Babawi ako sayo Sabriana." ngumiti siya sa akin ng matamis, mukhang hindi na siya badtrip dahil nakikita ko ang kasiyahan sa kanyang mata. Ngumiti din ako sa kanya ng matamis at tumango sana lang hindi niya mahalata na peke iyon.


"I'll go inside Trixie." bahagyang namula ang kanyang tenga dahil sa itinawag ko sa kanya kaya natawa ako ng mahina. Hindi ko na siya pinansin at tumalikod na lang upang pumasok sa loob ng bahay ngunit hindi ko pa nabubuksan ang gate nang maramdaman ko ang balat niya sa braso ko.


HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon