34

1.9K 66 8
                                    

"Where's Uno? Bakit hindi siya pumasok?" tanong ni Trix matapos ang kanilang klase, kanina pa nila inaantay si Uno, ngunit nag simula na lamang ang kanilang klase ay wala pa din ito, hanggang sa matapos ang kanilang klase ay hindi ito nag pakita sa kanila, ito ang unang beses na mag cutting class ito, kaya ganon na lang ang kanilang pagtataka, maging si Sabriana ay palingon-lingon sa pinto at inaabangan si Uno, hindi din matago sa kanyang mukha ang kanyang pag aalala sa dati niyang kaibigan, masisisi nyo ba siya?




Uno is her bestfriend, at kahit na walang kaalam-alam si Uno sa pagkatao niya ay nag aalala pa din siya, alam niya kasing hindi ito umaabcent sa klase, kahit nga mag kasakit ang binata ay pumapasok pa din ito.



"Baka naman nagkaroon ng emergency sa kanila, I tried to call him but he is not answering his phone." anang Kiro na kanina pa hawak-hawak ang kanyang cellphone, mukhang nag aalala din ito sa kaibigan. Tiningnan ni Sabriana si Cold, nakaupo lang ito at naka simangot, tila walang pakialam sa nangyayari. Tumayo ito at pagkatapos ay lumakad ng nakapamulsa.



"I saw him earlier." malamig na ani ni Cold, nagkatinginan si Kiro at Trix at sabay na kumunot ang noo nilang dalawa, mag tatanong na sana silang dalawa ngunit mabilis na nakalabas ng Classroom si Cold. Tumayo si Sabriana mula sa kanyang kinauupuan pagkatapos ay isinabit sa kanyang balikat ang mamahalin niyang bag.


"Una na ako, see you tommorow at the party!" Nakangiting wika ni Sabriana, ngayon lang din niya naalala na hindi pa pala siya nakakabili ng two piece swim suit, kaya ito na ang panahon para makabili siya, mahirap na baka may umepal na naman at ang ending wala siyang maisuot.




Mag sasalita pa sana si Kiro ngunit mabilis niya itong tinalikudan at lumabas ng Classroom, ngayon ay mag isa na siyang nag lalakad sa hallway, dahil sa pag hihintay nila kay Uno, inabot na sila ng gabi, mukhang nakaalis na din ang lahat ng estudyante dahil medyo madilim ang hallway na nilalakadan niya, hindi naman siya natatakot dahil sanay na siya sa madidilim na lugar, iyon kasi ang dati niyang takbuhan sa tuwing nalulungkot siya, isa pa ay alam niyang nakasunod sa kanya ang dalawang binata sa kanyang likod, alam niya iyon dahil maingay ang mga ito at mukhang hindi maka move on sa pag cutting classes ni Uno.








Mabilis siyang nakalabas ng School, hindi na din siya nag abala pang pumunta sa parking lot dahil wala naman doon ang kanyang sasakyan, wala tuloy siyang ibang choice kung hindi ang mag abang ng Taxi and she hates it, hindi siya sanay sumakay ng Taxi, nasanay kasi siya sa ibang bansa na palaging hinahatid sundo ni Primo, bigla tuloy niyang namiss si Primo kahit inis siya sa lalake, hiniling pa din niya na sana ay kasama niya si Primo para hindi siya nag iisa ngayon at higit sa lahat ay hindi siya sasakay ng Taxi.




Inilabas ni Sabriana ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang maikling skirt, tiningnan niya ang screen nito, nag babakasaling naka tanggap siya ng text mula kay Primo, ngunit ni ha ni ho ay wala siyang natanggap. Mukhang may pinag kakaabalahan na ito ngayon, hindi na kaya may Girlfriend na ang kolokoy na iyon kaya binabalewala na siya nito?


Inis niyang pinindot ang call button at pinakinggan ang pag ring nito, ngunit naka dalawa, tatlo, apat at limang ring na ito ay hindi pa din ito sumasagot, inis siyang napapadyak at muling pinakinggan ang pag ring ng kabilang linya, ngunit maya-maya pa ay may humablot sa kanyang cellphone.



"Hey! That's my phone--hmm!" Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi ng takpan ng lalaki ang kanyang bibig, naka mask ito at may suot itong bull cup, madilim din sa kanyang pwesto kaya hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki.



"Bitawan mo'ko! Help!!!!!!" sinubukan niyang sumigaw ngunit mabilis siyang pinasakay ng lalaki sa loob ng sasakyan nito, sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit naka lock ito, mukhang pinag planuhan ng lalaki ang pag kidnapped sa kanya.



HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon