50

203 3 0
                                    

Lutang ang isip ko nang mag lakad ulit ako sa labas. Wala akong naririnig sa paligid ni kahit mga sasakyan ay hindi ko tinitingnan o kung sino man ang makasalubong ko. Iniisip ko yung mga sinasabi ni Nicole para akong mababaliw. Paulit-ulit iyon sa aking isipan. Para bang may kung anong lumukob na konsensya sa pagkatao ko. I should've happy right? Ito na yung pinakahihintay at pinaka aasam asam ko hindi ba ang sirain ang apat?

Pero bakit parang wala akong maramdamang saya? bagkos para akong pinapatay ng konsensya ko. Hindi ba dapat lang iyon sa kanila? Tama lang ‘yon. Masira na pangarap nila, masira na lahat sa kanila pero tangina. Bakit hindi ko magawang maging masaya?

Eto na Sabriana! Sa wakas nakaganti kana kahit wala ka pang ginagawa. Karma na ang gumaganti para sayo. Mag diwang ka!

The hell! Para akong tanga at baliw tumawa ako ng tumawa na parang ewan habang umiiyak sa daan. Pinag titinginan na ako ng mga tao pero parang wala lang iyon sa akin. Hindi ko sila pinansin at patuloy lang sa pinag gagawa ko nang mapagod ako ay sinabunutan ko ang sarili at sinapok sapok baka sakaling matauhan ako pero hindi.

Nalulungkot pa din ako.

Malungkot na malungkot ako.

Yung itinago kong emosyon noon, yung pagkukunwari ko parang hindi na nakayanan ng sarili ko at bigla na lang ngayong lumabas at hindi ko magawang ipreno at itago iyon.

“Miss? Okay ka lang ba?” natigil lang ako sa pananakit sa sarili ko dahil sa lalakeng nag tanong. Sa kalalakad ko hindi ko na alam kung nasaan ako at malapit na palang dumilim. Tiningnan ko ang paligid. Wala akong makitang kabahayanan. Saan ba ako dinala ng mga paa ko?

Hindi ko sinagot ang lalake. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad pero yung lalake sinundan ako. Hindi ko siya pwedeng kausapin. Madami ng masasamang tao sa mundo ngayon.

“Alam mo Miss? Ang ganda mo sana kaso parang may saltik ka sa utak e!” tumawa siya, hindi ko pa din siya tinitingnan halata naman na hindi siya katiwa-tiwalang tao dahil sa itsura niya. Ang dami niyang hikaw sa mukha at tenga. Halos hindi na maaninag ang balat  niya dahil puno na iyon ng tattoo.

Mukhang nabastusan siya sa hindi ko pag pansin sa kanya dahil pilit niyang sinasabayan ang paglakad ko. Dahil ayaw kong abutan niya ako binilisan ko ang lakad ko. Lakad takbo ang ginawa ko at halos hingalin na ako. Kailan ba ako titigilan ng kamalasan? Wala din akong ideya kung saan ako pupunta basta diretcho lang ako kaso parang mas delikado ang lugar na ito. Ni kahit isang sasakyan ay wala akong napapansin na dumadaan. F*ck! I'm f*cking dead! Kasalanan ito ni Nicole! Mag sama sama silang lahat!

“Miss! Saan ka ba pupunta? Gusto mo samahan na kita? O kung gusto mo ikaw ang sumama sa akin?” again hindi ko siya pinansin, pero mukhang napikon sya. Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya natitigan ko ang hitsura niya at para akong masusuka. Nakakadiri! May ganto pala talagang tao? Ang baho ng hininga niya!

“Ano ba?! Don't fucking touch me you ugly pervert!” tumawa siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala. Sa halip na bitawan niya ako ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin. Parang madudurog ang buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi ko din ito magawang alisin dahil mas malakas siya kumpara sa akin.

“Sabi ko na nga ba mayaman ka Miss, sumama ka na lang para hindi ka masaktan.” nakaramdam ako ng takot ng humagod ang tingin niya sa kabuuan ko. Napakagat pa ng labi ang manyak. Hindi ko na napigilan sinipa ko ang kayamanan niya na naging dahilan upang makabitaw siya at makatakas ako sa kanya.

Tumakbo ako pero hindi ko na magawang tumakbo ng mabilis. Pagod na ang mga paa ko dahil kanina pa ako tumakbo ng tumakbo. Nilingon ko ang lalake na nag tatatalon na sa sakit. Medyo malayo na ako sa kanya ang buong akala ko ay nakatakas na ako pero hindi.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon