12

3.2K 88 4
                                    

SABBY'S POV

"Wow? Bakit kasama nila si Sabriana sa sasakyan?"

"Ang swerte naman niya, nakasama niya silang apat" Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa paligid ko nang bumaba ako ng sasakyan, anong swerte ang sinasabi nila? Nakakasuka kamo, bakit ba kasi kailangan ko pang pakisamahan ang apat na ito, kung si Uno lang sana ang pakikisamahan ko ay ayos lang, kaso may bwiset pang tatlo.

Naglakad ako at nag model, gusto kong ipakita sa kanila kung sino ako at ipamukha sa kanila na mas swerte ang apat dahil kasama nila ang pinaka magandang babae sa buong mundo, o angal?

"Sabriana, ayos ka lang ba? Gusto mo ako na mag dala ng bag mo?" hindi ko na namalayan na nakasabay ko na pala si Kiro sa paglalakad, as usual para silang tangang nag tutulakan ni Trix, sana mapalakas ang tulak nila sa isat-isa pagkatapos ay mabagok ng mabigyan naman ng hustisya ang mga pang bu-bully nila sa akin, limang taon ang nakalipas.

"Ayos lang, hindi naman mabigat" ngumiti ako sa kanila, isang napakatamis na ngiti, yuck! Ang plastik ko, at dahil yon sa kanila, agad naman silang natutulala dahil sa kagandahan ko kaya kinindatan ko pa silang dalawa na halos mag lupasay sa kilig, ganito pala ang dalawang ito kapag may nagugustuhan, para silang bakla.

"S-sigurado ka ba? G-gusto mo ba buhatin kita papuntang clinic?" ani Kiro pagkatapos ay tiningnan muli ang paa ko, lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang dibdib, halos manigas naman siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa ginawa ko.

"No, need babe." halos isuka ko ang sinabi ko, lintek? Anong babe? Nakakasuka talaga, kita ko ang pamumula ng kanyang mukha kaya naman mas hinimas ko pa ang kanyang dibdib, natatawa tuloy ako sa kanyang reaksyon, balita ko kasi ay isa siyang playboy pero bakit ganito siya kung makapag react?

"A-ah, Sabriana, gusto mong pag buhat kita ng bag? Mukha kasing hirapan ka" singit ni Trix pagkatapos ay itinulak si Kiro papalayo sa akin, mukhang nang hihingi din siya ng atensyon mula sa akin.

Nakakatuwa sila, they look stupid HAHA! Ganito pala manood ng tanga?

Lumapit din ako kay Trix at pagkatapos ay hinawakan ko din ang kanyang dibdib, sa kanilang tatlo, tanging si Trix lang ang hindi nang-aasar sa akin dati, palagi lang siyang nakasunod kay Kiro, mukhang siya nga ang pinaka mabait sa apat.

"It's okay, I can manage" malanding sabi ko sa kanya sabay flying kiss pa, ganon din ang kanyang reaksyon, biglang namula ang mukha niya pagkatapos ay hindi na nakagalaw sa kanyang kinatatayuan kaya naman malakas akong natawa sa aking isipan. Idiots! Ang sarap ninyong panoodin.

"Tss." doon lang ako natigil ng biglang pumagitna si Cold sa aming dalawa ni Trix, ang epal naman nito. Hindi naman siya ang kinakausap.

Tiningnan niya ako, mata sa mata kaya naman natigilan ako, ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung titigan niya ako sa mga mata ko, iba kasi ang nararamdaman ko sa mga titig niya at masama iyon, hindi dapat ako mag padala sa mga mata niya.

"Will you stop doing that?" ani niya sa akin, nakakunot naman ang kanyang noo kaya naman ngumiti ako at nag patay malisya pa, nakita ko ang inis sa kanyang mukha, mukhang hindi siya natutuwa sa mga pinag gagagawa ko, bakit ba? Sa nag hihiganti ako e. Kulang pa nga ang mga ginagawa ko sa kanila.

"Doing what?" Maang-maangan ko pa, napangisi siya sa sagot ko mukhang hindi makapaniwala sa pag kukunwari ko.

"Tss, ganyan ka ba talaga--the hell are you doing?" hindi na natapos ang kanyang sasabihin ng hawakan ko ang dibdib niya at pinag landas 'yon mula sa kanyang tiyan, shet? Bakit ang tigas nito? May bato ba ito sa loob o bakal?

Gusto ko sanang alisin ang kamay ko mula sa kanyang tiyan pero ayaw gumalaw at na-stock na doon, bwiset naman na kamay ito, Umayos ka nga Sabriana, masisira ang acting skills mo!

"D-doing what, Cold?" muntik na akong mautal, habang sinasabi ko kasi iyon ay nakatitig ako sa malalamig niyang mata, ngayon ko na lang ulit siya tinawag sa kanyang pangalan, last ko siyang tinawag noong nag mamakaawa ako sa kanya na huwag niya akong saktan.

"Tss, nevermind." iniwas niya ang sarili niya sa akin pag katapos ay mabilis niya akong tinalikudan, halos tumawa ako ng malakas sa aking kinatatayuan ng mapansin ko ang pamumula ng kanyang mukha at tenga, so tumalab pala ang pang-aakit ko sa kanya? Akala ko naman forever na siyang malamig eh.










"Really? You did that?" hindi makapaniwalang tanong ni Primo, kasalukuyan ko siyang kausap sa cellphone ngayon, sa tuwing tumatawag kasi siya sa akin ay palagi niyang tinatanong kung ano ba ang mga pinag-gagawa ko, ofcourse! Sinabi ko ang mga nangyari sa amin ng apat kanina sa School, proud ako doon, hindi ko magagawa ang pang-aakit na 'yon kung hindi ko yon pinag handaan sa ibang bansa.

Nag paturo pa ako sa mga friends ko doon kung paano lumandi tapos sinasama nila ako sa bar at binibigyan ng tip kung paano makaakit ng isang lalaki mukhang naapply ko naman ang mga tinuro nila sa apat.

"Their face is so priceless, kung makikita mo lang HAHA!" halos mawalan ako ng poise dahil sa lakas ng tawa ko, pero ayos lang si Primo naman ang kausap ko, sanay na siya sa akin kaya ayos lang na ganito ako kumilos.

"Hello Primo, andyan ka pa ba?" hindi na kasi siya sumagot e, tumahimik na sa kabilang linya pero alam ko naman na hindi pa niya ibinababa ang tawag, takot lang niya sa akin.

"Y-yes Sabriana, please be a good girl." napabuntong hininga siya sa kabilang linya kaya naman napawi ang ngiti ko, mukhang hindi niya gusto ang pinag gagawa ko sa apat, napabuntong hininga na din ako, akala ko pa naman matutuwa siya sa pag hihiganti ko.

"Sorry" pag hingi ko ng paumanhin sa kanya, muli kong narinig ang malalim niyang pag hinga, naiimagine ko tuloy ang mukha niya ngayon, sa tuwing nag sosorry kasi ako sa kanya ay lumalambot ang expression niya.

"No, don't be sorry, I'm just jealous." biglang humina ang boses niya kaya naman hindi ko 'yon napakinggan ng mabuti, nakakainis naman parang sinasadya niyang hindi iyon iparinig sa akin.

"Ano 'yon Prim?" tanong ko, nag babakasaling uulitin niya ang kanyang sinabi pero narinig ko lang siyang tumawa sa kabilang linya, kainis talaga! Pag iisipin pa ako ng lalaking iyon.

"Nothing, Goodnight Rian, see you soon! I miss you already" muling humina na naman ang kanyang boses, bwisit nananadya talaga siya.

Napairap na lang ako dahil suko na akong itanong pa sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya iyon uulitin pa, hindi ko na lang siya sinagot at pinatayan siya ng tawag bilang ganti. Hindi ko sana 'yon gagawin pero iniimbyerna na naman niya ako.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon