4

4.4K 120 9
                                    

"Damn it, move!" malakas ang sigaw ni Cold, paano ba kasi ang daming nakaharang sa kanyang dinadaanan, halos lumabas na nga ang kanyang puso dahil sa kabang nararamdaman niya, oo nga at inis siya kay Sabby pero kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito magkakaganito.

Mas lalo lang siyang nainis, sa buong buhay niya kasi ay ngayon lang siya kinabahan ng ganito, mas lalo lang siyang nainis kay Sabby, oo nga at alam niyang may gusto ang dalaga sa kanya pero ganito ba talaga ito katanga upang ibuwis ang buhay nito para sa kanya? Kung inaakala ng dalaga na mag babago ang tingin niya dito dahil sa pag bubuwis ng buhay nito nagkakamali siya, mas lalo lang niyang ginalit si Cold.

Sinipa ni Cold ang pinto ng Clinic, malakas ang pagkakasipa niya doon kaya naman nagulat ang nurse na nandoon, nataranta ang nurse ng makita siya pero wala na siyang pakialam.

Dahan-dahan niyang inilapag si Sabby sa clinic bed at tsaka niya ito tinalikudan at hinarap ang nurse.

"Where's your medicine kit?" Tanong niya sa Nurse, mukhang nagulat talaga ang nurse sa kanya dahil hindi ito naka sagot, sa inis niya ay tinulak niya ito at hinanap ang medicine kit, agad naman niya itong nakita kaya naman ay kinuha niya ito at mabilis na lumapit sa walang malay na si Sabby.

"Tss, idiot." binuksan niya ang medicine kit at kumuha ng bulak doon, ilalapat na sana niya ang bulak sa sugat ni Sabby kaso bigla itong nag mulat.

"C-cold?" inilibot ni Sabby ang kanyang mga mata sa kabuoan ng clinic, mukhang hindi niya alam na dinala siya dito ni Cold dahil nawalan ito ng malay.

Umupo ito sa kama at pagkatapos ay hinawakan ang likod ng kanyang ulo kung saan ito nagkasugat.

"A-aray!"


SABBY'S POV.

"A-aray!" Napa-aray ako sa sakit na naramdaman ko ng hawakan ko ang likod ng ulo ko, nagkasugat pala ako, kaya naman pala nawalan ako ng malay, pero sino naman kaya ang nag dala sa akin dito sa Clinic?

Imposibleng si Cold? Paano niya ako dinala, binuhat ba niya ako? Hinawakan niya ako? bakit ba kasi nawalan ako ng malay, hindi ko tuloy alam kung ano ang nangyari.

"Don't touch it, idiot." ang hilig talaga niya akong tawaging idiot, hindi ko na lang siya sinagot at sinunod ko na lang ang kanyang utos, siguro nga hinatid niya ako dito sa Clinic at binuhat niya ako, siguro nga ganon, bigla tuloy akong kinilig sa thought na 'yon.

"Turn around." Sabi pa niya, hindi ko nagets ang sinasabi niya kaya naman napakunot pa ang aking noo, ano ba 'yan! Baka mamaya magalit na naman ito sa akin dahil sa katangahan ko, hindi ko naman kasi talaga magets ang sinasabi niya bakit ba kasi ang hilig niyang mag english? Dumudugo tuloy ang ilong ko.

"I said, turn around." pinaikot niya ang daliri niya habang naka pocker face pa din ang kanyang mukha, mukhang naiinip na at naiinis na siya dahil sa ang hina ko maka-pick up. Kasalanan ko bang maging slow kapag kaharap ko siya?

Tumalikod na lang ako kaagad, mahirap na baka mag wala ang isang ito, hindi ko nga alam kung ano ba ang nagustuhan ko kay Cold, basta natatandaan ko noong grade 1 palang kami, malapit kami sa isat-isa, wala pa siyang galit sa akin noon, palagi kaming magkalaro, hanggang sa habang tumatanda kami, naging ganito na ang ugali niya, siguro nasulsulan siya nina Kiro kaya siya nagkaganito, hindi naman talaga siya ganito kasungit.

Siguro nga, nainis siya sa akin dahil umamin ako sa kanya na gusto ko siya, sino ba naman ang hindi maiinis kapag may isang pangit na umamin sayo hindi ba?

"Aray!" Nagulat ako at napahawak sa ulo ko kung saan ito nasugatan, bigla ko kasing naramdaman ang malamig na at basang bulak na nakalapat sa sugat ko, bigla-bigla na lang kasi itong inilapat ng walang pasabi.

Gusto ko sanang mainis kaso hindi ko magawa dahil si Cold ang may gawa noon.

"Tss," tss lang ang tangi niyang sagot, mukhang binalewala niyang nasaktan ako sa kanyang ginawa, inilapat muli niya ang bulak na may alcohol kaya napakagat ako ng labi ko, ang sakit grabe.

"Don't move." grabe yung boses niya ang ganda talaga, kung may gwapong boses man si Cold na 'yon, kasing lamig nito ang pangalan niya.

"Pangit na nga tanga pa." napantig ang tenga ko sa sinabi niya, gusto ko sanang sigawan siya at sumbatan siya na iniligtas ko lang ang buhay niya pero hindi ko magawa, nakakainis naman kasi ang dila ko, bakit pag dating sa kanya ay tumatahimik ako, ang dami ko kayang gustong sabihin sa kanya, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko magawa, kasi tama naman ang mga sinasabi niya. Pangit na nga ako tatanga-tanga pa.

"Done." may kung anong tumapal sa ulo ko, hinawakan ko ito para malaman kung ano 'yon at nalaman kong gasa ito, hindi ako makapaniwala na si Cold ang gumamot ng sugat ko, nagi-guilty kaya siya? Kinilig tuloy ako, may maiisusulat na naman akong magandang bagay sa diary ko.

"Salamat ah?" first time ko yatang hindi mautal sa harapan niya, tiningnan lang niya ako at pagkatapos ay tinalikuran, dala-dala niya ang medicine kit at ibinalik iyon sa dati nitong lagayan.

Akala ko pagkatapos niyang itabi yung medicine kit na ginamit niya ay aalis na siya pero nagkamali ako, sumandal siya sa gilid ng bintana at may dinukot siya sa kanyang bulsa, isa itong rubic cube, gunulo-gulo niya ito, seryoso pa din ang mukha nito habang nag lalaro, kailan ko kaya ulit siya makikitang nakangiti?

Last ko siyang nakitang ngumiti, noong mga bata pa kami, masayahin siya dati pero ngayon kabaligtaran na.

"Staring is rude." agad akong napaiwas ng tingin, paano niya nalaman na nakatingin ako sa kanya? Hindi ba at busy siya sa paglalaro? May third eye ba siya?

"Sorry" sabi ko, hindi na niya ako sinagot, tanging ingay lang ng rubic cube ang naririnig ko, gusto ko sanang panoodin ang paglalaro niya ng bagay na 'yon kaso baka makita na naman niya akong nakatingin sa kanya.

Napasandal na lang ako sa headboard ng kama at ipinikit ang mga mata ko, ngayong oras na ito, nakasama ko si Cold, oo nga at masungit siya sa akin pero hindi naman niya ako sinaktan, ginamot pa nga niya ako, sana ganito na lang siya palagi sa akin.

"Sabby?!" muntik na akong atakihin sa puso dahil biglang bumukas ang pinto ng Clinic, iniluwa nito si Uno na humahangos, tumutulo ang pawis nito mula sa noo at nag hahabol ito ng hininga, mukhang tumakbo siya papunta dito sa Clinic.

Agad itong lumapit sa akin at chineck ang katawan ko at ng makita niya ang gasa na nasa likod ng ulo ko ay tiningnan niya ng masama si Cold na ngayon ay nakatingin na din sa amin, buo na ang mga kulay sa rubic cube at mukhang natapos niya 'yon ng ganon kadali.

"What did you do to her?" may pagkainis sa boses ni Uno, hawak-hawak niya ang braso ko kaya naman napangiwi ako, mukhang sa akin niya naibaling ang kanyang inis dahil ang higpit niyang makahawak sa akin.

"Nothing." sagot ni Cold, inilagay niya ang rubic cube sa kanyang bulsa at lumapit sa amin ng nakapamulsa, ang cool talaga niyang tingnan kapag nag lalakad, cool na nga ang gwapo pa, gwapo na nga sporty pa.

"Nothing? Pero nagkasugat siya?" sarcastic na sabi ni Uno, gusto ko tuloy siyang batukan ngayon, baka mapikon sa kanya si Cold at mag iba na naman ang mood nito, ngayon na nga lang kami nagkamoment, umepal pa siya.

"Pagsabihan mo yung kaibigan mo, tss. Sabihin mo sa kanya bawasan ang pagiging tanga niya." natigilan ako sa sinabi ni Cold, kumirot din ang puso ko, mas masakit pa ito kaysa sa sugat ko sa ulo, akala ko naman magiging mabait na siya sa akin dahil sa ginawa ko pero mukhang ganon pa din siya, siguro nga naguilty lang siya kanina pero hindi ibig sabihin non ay babait na siya sa akin.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon