35

2.1K 81 5
                                    


SABRIANA'S POV

"P-Primo?" nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon, akala ko kaboses niya lang, kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi siya si Primo dahil malabong umuwi siya sa Pilipinas ngayon but, I was wrong, I was so surprised. Hindi ko alam ang irereact ko, kung magagalit ba ako o mag tatatalon sa tuwa.

"You know him?" doon lang ako natauhan sa boses ni Cold, nilingon ko siya at mukhang nag tataka ang kanyang mukha, nakakunot ang kanyang noo, teka? Nandito ba siya kasi niligtas niya ako? Dahil akala niya nakidnapped ako? pero bakit naman niya gagawin 'yon? Ano naman kaya ang pakialam niya kung sakaling totoong nakidnapped ako?


Tumango ako kay Cold, pero lalong kumunot ang kanyang noo, akala ko may itatanong pa siya sa akin pero ibinaling na niya ang kanyang tingin kay Primo na mukhang namamangha sa nasaksihan niya, bahagyang dumudugo ang kanyang labi dahil sa suntok ni Cold sa kanya, nasugatan tuloy ang gwapo niyang mukha, may part sa akin na natuwa dahil nasapak siya, sino ba naman matutuwa sa ginawa niya kanina, halos atakihin ako sa puso at halos lumabas ang puso ko sa sobrang takot ko sa kanya, ang buong akala ko na-kidnapped na talaga ako.


"You know her too?" seryosong tanong ni Cold, muling ngumisi si Primo at nag cross arms, medyo napanganga ako sa ginawa niya ang hot kasi niya ngayon, bumagay sa kanya ang bagong kulay ng kanyang buhok, taon-taon kasi paiba-iba ang kulay ng kanyang buhok, last time na nag kita kami, kulay blonde iyon. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa kanyang gwapong mukha, talaga naman kasing bumagay sa kanya ang kulay asul na buhok, he looks like an anime character.


“Yeah, I know her. Actually she is my girlfriend” doon lang ako natauhan sa sinagot ni Primo bahagya pa akong napanganga dahil sa narinig ko sa kanya, sanay na naman ako na palagi siyang nag papakilala sa mga lalaking lumalapit sa akin bilang boyfriend ko pero kasi hindi ko lang talaga inaasahan na sasabihin niya iyon kay Cold, I mean don't get me wrong ha? paano na lang kasi ang plano ko kung sasabihin ni Primo na boyfriend ko siya, wala pa nga ako sa kalahati tapos mapupurnada agad ang mga plano ko, that can't be! ang tagal kong hinanda ang sarili ko para lang doon tapos masisira lamang dahil sa isang kasinungalingan parang gusto ko tuloy batukan si Primo ngayon din, pero dahil wala akong magawa ngayon sa kalagayan ko imbis na batukan siya ay sinamaan ko na lang siya ng tingin, yung tingin na may kasamang sama ng loob.


Matapos kong samaan ng tingin si Primo agad ko din binawi iyon at binalingan naman ng atensyon si Cold na ngayon ay hindi nag sasalita at mukhang nakalimutan pa yata kung paano ibuka ang kanyang bibig.  Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, kung itatanggi ko ba ang sinasabi ni Primo o papanindigan na lang, dahil panigurado akong magagalit sa akin si Primo malakas pa naman ang kanyang topak.


“Is that true?” sa wakas ay nagawa na din niya ang  mag tanong, sa tanang buhay ko ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng stress. iniwas ko ang tingin ko sa kanya upang panandalian akong makapag isip. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para naman bumalik ako sa aking wisyo.


“Umm, of course not.” napapikit pa ako dahil sa isinagot ko, iniwasan kong huwag maibaling ang aking tingin sa mga mata ni Primo. Narinig ko pa ng ang mahina niyang ‘tss' mukhang tama nga ang aking hinala, matinding panunuyo na naman ang gagawin ko sa kanya mamaya. Nakakainis pa naman siya kung mag sungit.


Malamig na tingin ang ibinigay sa akin ni Cold, hinintay ko ang kanyang sasabihin pero nabigo lang ako dahil nag pamulsa lang siya at pagkatapos ay tumalikod na sa amin ni Primo.  Nakapamulsa siyang nag lakad at hindi na muling lumingon pa sa amin ni Primo. Geez! ano ba yon? ganun na lang ba yon? iiwan niya ako na hindi man  lang nalalaman kung ano ba ang iniisip niya? he's getting into my nerves!




HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon