13

3.2K 88 9
                                    

THIRD PERSON POV.

"Where are you going Sab?" natigilan si Sabriana sa pag aayos ng kanyang sarili dahil sa seryosong boses ng matanda na nasa pinto ng kanyang kwarto, saglit itong tiningnan ng dalaga pagkatapos ay muli niyang tiningnan ang repleksyon niya sa salamin.

Suot-suot niya ang pink silky dress, bagay na bagay sa kanya ang kulay ng damit dahil mas lalong umibabaw ang ganda niya, kitang-kita din ang ibabaw ng kanyang dibdib at maging ang hubog ng kanyang katawan.

"Lola, I need to chill somewhere" sagot niya sa matanda habang kinakabit ang kwintas sa kanyang leeg, narinig niyang napabuntong hininga ang matanda pero hindi niya iyon pinansin dahil abala siya sa kanyang ginagawa.

"Make sure uuwi ka ng hindi lasing" iyon lang at umalis na ang matanda, napangiti si Sabriana, akala niya'y pag babawalan siya nito, madalas kasi siyang pag bawalan ng matanda kung hindi niya kasama si Primo, masyado kasi siyang sikat sa ibang bansa pero iba ngayon sa Pilipinas, konti lang ang nakakakilala sa kanya.

Hindi na niya tuloy nagawang mag pasalamat sa kanyang lola dahil mabilis itong nakaalis sa kanyang kwarto, mukhang labag pa sa loob nito ang pag payag sa kanya.

Nang matapos si Sabriana sa kanyang ginagawa ay lumabas siya ng kanyang kwarto habang tinitingnan ang kanyang cellphone. Pupunta siya sa Bar dahil namimiss niya ang uminom, nasanay kasi siya sa ibang bansa na gabi-gabing nag paparty kaya naman ay hinahanap-hanap niya iyon.

Wala siyang pakialam kung wala siyang kasama dahil kaya naman niya ang kanyang sarili at isa pa ay sanay na siyang uminom at hindi siya basta-basta tinatamaan ng alak.

Nang makalabas si Sabriana sa kanilang bahay ay agad siyang sumakay ng kotse at tsaka niya 'yon pinaharurot. Nang tumira siya sa ibang bansa ay madami siyang natutunan na illegal na bagay, nagawa din niyang sumali sa mga car racing dahil tinuruan siya ni Primo, ito ang nag turo sa kanya mag maneho ng sasakyan, mahilig din kasi ang binata na sumali sa mga Car Racing kaya pinilit niya ito na turuan siya.

Noong una ay hindi pumayag si Primo pero dahil sa pagiging makulit at paglalambing niya ay napapayag din niya ang binata kaso may isa itong kondisyon, iyon ang isama si Primo sa lahat ng kanyang laban kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang isama ang binata.

Dahil sa mabilis na pag mamanaho ni Sabriana ay agad siyang nakarating sa bar na kanyang pupuntahan, lumabas siya ng sasakyan at pagkatapos ay pinag masdan ang labas ng bar, hindi 'yon kalakihan hindi katulad sa ibang bansa pero mukhang madami ang tao sa loob nito.

Nang matapos si Sabriana na pag masdan ang kabuoan nito ay nag pasya na siyang pumasok, hindi nga siya nag kakamali dahil madaming tao ang nag hihiyawan sa loob, malakas din ang music at mukhang nag sasayawan ang mga ito.

Dito niya lang naramdaman ang pagiging loner niya, akala niya kasi ay okay lang sa kanya ang mapag-isa pero nanumbalik na naman sa kanya ang pakiramdam ng walang kasama kaya naman ay nakaramdam siya ng pagkalungkot.

"Darn it." mahinang mura niya sa kanyang sarili, pinilig niya ang kanyang ulo upang alisin ang alaalang pumapasok sa kanyang utak.

Agad siyang nag tungo sa counter at agad naman siyang nilapitan ng bartender, mukhang nakilala siya nito dahil may bakas ng pag hanga ang mga mata nito, well hindi niya ito masisi dahil isa nga siyang sikat na Model sa ibang bansa.

"Miss Sabriana, ikaw ba talaga 'yan?" di makapaniwalang tanong ng bartender, medyo bata pa ito at sa tansya niya'y nasa 20 palang ito.

"Of course, sino pa ba ang may ganito kagandang mukha bukod sa akin?" pagyayabang naman ni Sabriana, agad namang napaisip ang bartender at maya maya pa ay umiling.

"Wala po, pwede pong makahingi ng autograph? Fan nyo po kasi ako" inilabas nito ang isang magazine at siya ang cover niyon, naka topless siya sa picture pero natatakpan naman iyon ng kanyang braso kaya walang nakita sa kanya.

"Sure" inabot ni Sabriana ang ballpen at tsaka ang magazine at mabilis niya itong pinirmahan pagkatapos ay muli niyang inabot ito sa bartender na hindi pa din maka move on sa kanya. Naiilang siya sa lalaki pero nginitian na lang niya ito.

"Give me one margarita please" ani ni Sabriana, agad namang sumunod ang bartender sa kanya pero kapansin-pansin pa din ang pag sulyap nito sa kanya. Naiirita siya at gusto niya itong bulyawan pero naisip niyang hindi iyon maganda para sa kanyang image lalo na at mukhang big fan niya ang bartender.

"H-heto na--" agad na inagaw ni Sabriana ang inorder niya at pagkatapos ay sumimsim sa alak, agad siyang napangiwi sa lasa ng alak, ibang-iba talaga ang timpla ng alak sa Pilipinas kesa sa Ibang bansa.

Habang umiinom siya ay nakatingin lang siya sa dance floor, madami kasing mga tao ang sumasayaw doon, yung iba ay lasing na at yung iba naman todo kung sumayaw tila wala itong mga problemang iniisip.

Napangiti si Sabriana at tumayo sa kanyang kinauupuan, ramdam niya ang mga titig ng bartender sa kanyang makinis na likod ngunit hindi niya 'yon pinansin at nag tungo na lang sa dance floor.

Nang umapak siya doon ay agad siyang pinag tinginan lalo na ang mga lalaki mukhang nakilala siya ng mga ito pero wala siyang pakialam, tinulak ni Sabriana ang isang babae at siya ang pumalit sa kasayaw nito.

"Hey bitch! He's mine!" dinig niyang sigaw ng babaeng tinulak niya pero hindi niya ito pinansin bagkos ay ipinatong pa niya ang kanyang braso sa batok ng kanyang kasayaw at sabay gumiling dito.

"Ow, that's sexy" ani ng lalaki, tiningnan niya ang mukha ng kasayaw niya, okay lang naman ang itsura nito, pasok na ito sa kanyang taste dahil gwapo at mabango ito, mukha nga lang itong tipsy.

"You're Sabriana right? The famous Model?" ngumisi ang lalaki sa kanya at ganon din si Sabriana, naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang pang-upo pero hinayaan niya itong magpakasawa sa kanyang katawan, sanay na kasi siya sa mga ganon pero mamaya lang ay sisipain niya ito bilang ganti, ganon ang ginagawa niya matapos makipag sayaw sa lalaki.

"Okay guys, listen up! Kapag namatay ang ilaw kailangan ninyong humanap ng partner ninyo at halikan ito hanggang sa matapos ang music! Are you ready?" umalingawngaw ang lakas boses ng DJ sa buong bar, hindi makapaniwala si Sabriana na may ganito palang kaartehan sa bar na 'yon kaya naman agad siyang lumayo sa lalaking kasayaw niya, ayaw niya itong makahalikan dahil mukhang manyak ito at mukhang hindi gagawa ng mabuti, ngunit hinigpitan nito ang kapit sa kanya kaya hindi niya kayang makawala.

"Ano ba? Let go of me!" sigaw niya pero ngumisi lang sa kanya ang lalaki, masyado itong malakas kumpara sa kanya kaya hindi niya kayang makawala sa mga kamay nito, ito na yata ang karma niya sa kanyang pang-aagaw sa babae, sana pala ay humanap siya ng maayos-ayos na partner.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party" nakangisi pa din ito kaya naman agad na kinabahan si Sabriana, mas lalo pang tumindi ang kanyang kaba ng mamatay ang ilaw, naramdaman niya ang pwersahan na pag higit sa kanya ng kung sino, muntik pang matapon ang kanyang iniinom na Margarita, madilim ang paligid kaya wala siyang makitang kahit ano, tanging music lang ang naririnig niya, next thing she knew, nakalapat na ang labi niya sa labi ng kung sino.



Hindi siya makagalaw, ewan ba niya pero hindi niya magawang itulak ang taong humalik sa kanya. Unti-unti nitong ginalaw ang labi nito kaya naman agad siyang nag respond dito, nakaramdam siya ng kakaibang kiliti mula sa kanyang tiyan, pamilyar ang nararamdaman niyang 'yon pero pilit niyang iwinawaglit sa kanyang isipan ang taong bigla niyang naalala.

Naglakbay ang mga kamay ng taong kahalik niya sa kanyang bewang patungo sa kanyang pang upo, imbis na mailang at mainis siya ay nagustuhan pa niya ang pag hawak nito sa kanya, mas naging agresibo din ang kanyang pag respond ng halik dito.

"Your lips is so sweet." ani ng taong kahalikan niya sa pagitan ng kanilang halikan, doon lang siya natauhan.

'bakit parang kaboses niya si--"

Biglang bumukas ang ilaw at tumigil na din ang music kaya mabilis siyang lumayo sa lalaki at tiningnan ang mukha nito, ganon na lang ang pag laki ng kanyang mata ng makita niya ang mukha ng lalaking kahalikan niya.

"C-cold?"

Itutuloy...



HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon