SABRIANA'S POV.
“What's the meaning of this?!" Nagising ako sa sigaw na nanggagaling sa kung saan. Pamilyar ang matinis na boses para bang nanggagaling iyon sa boses ng isang matanda. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko pero maya-maya ay natigilan ako dahil naramdaman ko ang mabigat na bagay sa aking tiyan. Napakunot ang aking noo at iniisip kung ano ba ang naka dantay sa akin. Inaantok man ay dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tiningnan kung ano ba ang nasa tiyan ko.
Maugat na braso ang unang bumungad sa akin na ikina-kunot ng aking noo. Wtf? Kailan pa nagkaroon ng panlalaking braso sa kwarto ko? Sa pagkakaalam ko walang lalaki sa kwarto ko at malabong sa akin ang brasong ito dahil wala akong maugat na braso.
Unti-unti kong itinaas ang aking tingin sa may-ari ng brasong iyon at ganun na lang ang gulat ko nang makita ko si Cold na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Mahigpit ang hawak niya sa aking bewang at nakasiksik pa ng bahagya ang kanyang mukha sa aking leeg.
“You're so wild apo. Kayo pala ang naririnig kong ingay kagabi, ano? nakabuo na ba?” napanganga ako nang muli kong marinig ang boses na iyon. Muntik ko na siyang makalimutan dahil sa prisensya ni Cold. Tiningnan ko si Lola na ngayon ay nakatayo sa harapan at nakangisi. Oh no no no. Mali ang iniisip niya sa aming dalawa ni Cold. Ang dumi ng isip ng matandang ito.
“It's not what you think lola.” sabi ko sa kanya at itinago ang nararamdaman kong inis. Tumaas ang kanyang kilay na waring hindi naniniwala sa aking sinasabi kaya naman umiling-iling ako. Alam kong iisipin niya ang gusto niyang isipin. I know her so much.
“It's okay apo. I won't be mad at you. Huwag lang kayong masyadong maingay dahil nabubulabog ninyo ang tulog ko.” mag proprotesta sana ako sa kanyang sinabi ngunit tumalikod na siya sa akin. Hindi ko na tuloy nakita ang kanyang reaksyon pero alam kong nakangisi na naman siya. Gosh! She's unbelievable!
“And take note! I want a baby boy, bigyan nyo agad ako ng apo sa tuhod dahil malapit na akong kunin ni Lord.” napasinghap ako sa idinagdag niya, sisigaw pa sana ako pero nakalabas na siya sa kwarto kaya wala akong ibang nagawa kung hindi mapahilamos sa inis at tumingin sa mahimbing pa din na si Cold, wala man lang siyang kaaalam-alam sa nangyari. Masyado namang napasarap ang kanyang tulog sa tabi ko.
Inis kong hinampas ang maugat niyang braso, napalakas iyon kaya naman agad na nag mulat si Cold at halatang nasaktan sa ginawa ko but sorry, I'm not sorry. Kasalanan niya kung bakit ganon na lang mag-isip si Lola sa akin. I'm not that kind of girl, hindi ko basta-bastang isusuko ang bataan ko lalong-lalo na sa Cold na ito.
“What the f*ck Sabriana?!” umalingawngaw ang baritono niyang boses sa kwarto ko kaya naman mas lalo pa akong nainis. Nakakainis talaga! He's so loud. Baka ano pa ang sabihin ni lola sa amin ngayon. Inis kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Cold at pagkatapos ay bumangon sa aking kama.
“Who told you to sleep beside me?!” nakapamewang at nakataas ang isang kilay ko sa kanya, kinusot-kusot niya ang kanyang sintido na para bang stress na stress siya. Wow just wow! Siya pa talaga ang may ganang ma-stress sa aming dalawa?
“Can you please lower down your voice? Ang aga-aga! And why the f*ck did you hit me?” may bahid na inis sa kanyang boses habang naka-kunot ang noo. Bumaba ang tingin ko sa braso niya na bahagyang namumula dahil sa lakas ng pagkakahampas ko sa kanya. Well he deserve that! Bakit ba kasi siya natulog sa tabi ko? May sofa naman at kasya naman siya doon! Nakakainis lang.
Inirapan ko na lang siya at tiningnan ang orasan sa bed side table ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang oras. Alas dose na pala ng tanghali masyadong napahimbing ang tulog ko. Ala-una pa naman mag sisimula ang party ni Trix.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Roman pour AdolescentsMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...