7

3.7K 115 12
                                    


"Okay class, pass the test paper on your classmate." Ani ng guro pagkatapos ay inabot ang makapal na test paper sa kanila.

Abot-abot ang kaba ni Sabby, ito na ang pinaka-mahirap na subject, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya, wala kasi siyang naintindahan sa itinuro ni Uno kahapon, buong pag tuturo nito ay lumilipad ang kanyang isip sa kung saan-saan, hindi din kasi niya magawang mag focus lalo na at palagi siyang inaasar ni Kiro at sinasamaan ng tingin ni Cold, sino ba naman ang makakapag aral ng maayos kung ganon ang dalawa sa kanya hindi ba?

Mas lalo lang kinabahan si Sabby ng iabot na sa kanya ang test paper, tiningnan niya ito at halos dumugo na ang kanyang ilong. Unang bilang palang, hindi na niya alam ang isasagot.

'Paano nga ba ito i-solve?' napakamot siya sa kanyang ulo at pasimpleng tiningnan si Cold sa kanyang tabi, sobrang tahimik nito at walang reklamo, mukhang alam nito ang isasagot dahil nag simula na itong sumulat.

Si Sabby lang yata ang hindi naka-gets ng itinuro ni Uno kahapon dahil nang tingnan niya si Kiro at Trix ay nag sasagot na din ito, parang sisiw lang ang mga math problems sa kanila.

Napabuntong hininga na lang si Sabby at sinubukang basahin ang nasa unang bilang pero hindi talaga niya ito maintindahan, hindi niya alam kung papaano niya ito sasagotin.

"Takpan nyo ang mga papel nyo!" mahigpit na bilin ng guro na nasa unahan, sabay-sabay naman na tinakpan ng mga kaklase ni Sabby ang kanilang papel, plano sana niyang mangopya na lang kay Mel na nasa kaliwa niya, ngunit naka takip na ang papel nito.

"Ano ba Sabby! Ang bobo mo talaga!" Binatukan niya ang kanyang sarili at pasimpleng tiningnan si Cold, tuloy-tuloy itong nag sasagot, hindi din nakatakip ang papel nito, kitang-kita niya ang answer nito sa mga tanong pero ayaw naman niyang gumaya dito.

'Nakakahiya baka mahuli niya ako at magalit siya' bulong na naman ni Sabby sa kanyang sarili, para siyang isang sira na kinakausap ang kanyang sarili.

Sa huli ay wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang hulaan na lang ang bawat sagot, sinubukan pa din niyang basahin ang mga tanong nag babakasaling alam niya ang ibang sagot pero hindi talaga niya maintindahan, sumasakit ang kanyang ulo sa pag intindi ng math idagdag mo pa na english language 'yon.

"Bahala na nga siguro naman mag kakapoints din ako, kahit 15 lang." pampalubag loob niyang sabi sa kanyang sarili at tsaka sunod-sunod na sinagotan ang kanyang papel, malapit na kasi ang time kaya kailangan niyang mag madali.

"Tss, stupid idiot." dinig niyang sabi ni Cold, alam niyang siya ang tinutukoy nito pero hindi na siya lumingon, kinumbinsi na lang niya ang kanyang sarili na ayos lang at 'wag na siyang mag padala sa sinasabi ni Cold, bahagyang namamaga pa ang kanyang mata sa kakaiyak mula kagabi, tinanghali din siya ng gising kaya naman hindi na din siya nakaligo at nakapag suklay, mukha tuloy siyang ewan ngayon dahil sa itsura niyang sabog-sabog ang buhok na animoy kagigising lang.







"Montalban, thirty"

"Almero, thirty five"

"Sebastian, thirty eight"

Nag simula ng sabihin ng kanilang guro ang kani-kanilang score, pasimpleng nananalingin si Sabby sa kanyang upuan, naka cross ang kanyang daliri at nakapikit, dinig na dinig niya ang nagwawala niyang puso dahil sa kaba.

'Please, sana naka-abot sa fifteen' sabi niya sa kanyang sarili.

"Tuazon, fourthy"

Nag palakpakan ang mga kaklase ni Sabby ng tawagin ang apilyido ni Cold, perfect na naman kasi ito sa math, nataasan pa nito ang score ni Uno na sumablay ng isang puntos, ngisi-ngisi naman si Cold animoy proud na proud sa kanyang sagot.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon