Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay, agad na lumabas si Trix ng sasakyan, hindi siguro nito nakayanan ang kasikipan sa loob kaya ito ang naunang bumaba, sumunod ay si Uno na sinundan naman ni Sabby.
Hawak-hawak pa din niya ang bag ni Cold, balak sana niyang iwan ito sa loob ng sasakyan ngunit baka magalit si Cold sa kanya, hindi naman mabigat ang bag ni Cold, mukha nga itong walang laman dahil sa sobrang gaan nito, ang bango din ng bag ng binata, amoy na amoy dito ang ginagamit nitong pabango.
"Let's go inside." masungit na sabi ni Cold, sumulyap ito sa kanya at inagaw ang bag niya mula sa dalaga, napakamot na lang ng ulo si Sabby, muli siyang inakbayan ni Uno at sinabayan na pumasok sa malaking bahay.
Bumungad sa kanila ang isang malaking chandelier, sobrang aliwalas ng loob ng bahay halatang mayaman ang nakatira doon, mukha nga itong palasyo sa sobrang laki at liwanag.
Umakyat si Cold sa isang malaking hagdan, may red carpet ito, naalala niya tuloy ang Disney movie na Cinderella, ganon ang hagdan sa bahay nito.
Malaki din naman ang bahay nina Sabby ngunit hindi niya ikakaila na mas mayaman ang pamilya ni Cold kaysa sa pamilya nila.
"Isara mo bibig mo, baka mamatay langaw dyan" tinapik ni Kiro ang bibig ni Sab at pagkatapos ay tumawa ito ng malakas na sinabayan naman ni Trix, mukhang nag uumpisa na naman ang mga ito sa pambubully sa kanya, pasimple niyang inamoy ang kanyang hininga pero hindi naman 'yon mabaho. Trip lang talaga siya ng mga ito.
"Ikaw palang ang makakapasok na babae sa kwarto ni Cold ang swerte mo ugly duckling" pang-aasar naman ni Trix sa kanya, hindi na lang niya ito pinansin at sinundan ang mga ito, pumasok sila sa isang kulay itim na pinto, tumindig agad ang kanyang balahibo dahil sa lakas ng aircon sa kwartong 'yon.
Noon niya lang narealize na nasa kwarto sila ni Cold, kulay itim ang wall ng kwarto nito at may maliit din na basket ball ring na nakasabit doon, may mga bolang naka display at may mga pirma pa doon, mukhang mahilig talaga si Cold sa basketball, may mga posters din kasi ng Slum dunk sa kanyang kwarto.
"Bago natin simulan mag aral, pwede bang mag luto ka muna ng makakain Uno?" as usual si Uno na naman ang nag sisilbing taga pagluto sa kanilang apat, bukod kasi sa pagiging matalino nito ay mahilig din itong mag luto.
"Pwede naman, sige bababa muna ako" ibinaba ni Uno ang suot nitong bag sa kama pagkatapos ay hinalikan nito sa Sabby sa noo, napangiwi pa nga si Kiro at Trix ng makita niya ito, samantalang walang reaksyon naman ang mukha ni Cold pero sa loob loob nito ay gusto na niyang sipain palabas ng bahay niya si Uno.
Kanina pa ito, tsuma-tsansing kay Sabby, mukhang sanay na nga ang mga ito sa isat-isa kasi balewala lang ang paghalik ni Uno sa kanya.
"Kuha lang ako ng maiinom" tumakbo palabas si Trix, hindi na nito hinintay na makasagot si Cold, mukhang sanay na talaga ang mga itong pumunta dito dahil feel at home ang mga ito.
Binuksan ni Cold ang T.V at tsaka siya naupo sa lapag, ganon din ang ginawa ni Sabby, naupo siya sa lapag kahit na nilalamig na siya, mas lalo pa siyang nilamig ng maramdaman niya ang tiles sa kanyang balat, nahihiya kasi siyang umupo sa kama ni Cold, baka kung ano ang isipin nito.
"Takte naman! Ang sakit ng tiyan ko, pagamit ng C.R!" tumakbo si Kiro patungo sa C.R ng kwarto, nakahawak pa ito sa kanyang tiyan mukhang sumakit nga talaga ang tiyan nito dulot sa lamig.
Mukhang hindi lang pangalan ni Cold ang malamig pati ang kwarto nito ay kasing lamig ng kanyang pangalan, bakit ba ang hilig-hilig nito sa malamig?
Pasimple niyang tiningnan si Cold na seryosong nakatingin sa T.V, hindi man lang siya nito nililingon, sa tingin ni Sabby ay iniiwasan nitong mapadako ang tingin nito sa kanya, bakit parang pakiramdam niya ay umiiwas ito sa kanya?

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...