THIRD PERSON'S POV“Hanggang ngayon, hindi pa din siya bumabalik. Nasaan na kaya siya?” prenteng naka upo ang apat sa mabang sofa habang nakatingin sa bintana ng malaking bahay na nasa harapan lang nila. Patay ang ilaw at mukhang walang tao doon senyales na hindi pa din nakakabalik ang dalaga mula sa burol ng lola nito.
“Hindi kaya may nangyari na sa kanya?” ani Kiro na halos mapudpod na ang kuko dahil sa pagkagat niya dito. Sinamaan siya ng tingin ng tatlo ngunit pare-parehas lang din sila ng mga iniisip. Iba ang kutob nila. Parang may kakaibang nangyayari. Wala namang ibang mapupuntahan ang dalaga kung hindi sa bahay nito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi nag simula nang mag dilim ang kalangitan pero ni anino niya hindi nila nakita.
“Baka naman natutulog na?” sagot naman ni Trix na pilit kinakalma ang sarili.
“Hindi siya nakakatulog nang hindi bukas ang lamp shade niya.” mahinang sabi ni Cold. Nag tinginan ang tatlo sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin. Malalim ang isip nito. Salubong ang mga kilay at nakakunot ang noo. Sa kanilang apat siya ang pinaka nalalapit ng sumabog. Hindi na kaya ng pasensya niyang umupo at mag hintay na lang.
Tumayo siya mula sa kinauupuan, sinundan siya ng tingin ng tatlo ngunit binalewala niya muli ang mga ito. Tuloy-tuloy lang siya sa pag labas ng bahay nina Uno hanggang sa marating niya ang bahay ng dalaga. Tumingala siya mula sa kwarto nito. Walang ilaw. Kahit sa labas ng bahay walang ilaw. Imposibleng may tao sa loob.
Sinubukan niyang buksan ang gate pero may padlock iyon wala na siyang ibang nagawa kung hindi akyatin ang malaking bakod. Walang pakialam kung masita ng Guard na nag roronda sa paligid ng subdivision o masita ng kapitbahay.
“What are you doing? That's tresspassing!” wala siyang malay na sinundan pala siya ng tatlo. Sinamaan niya ito ng tingin at tuloy lang sa ginagawa at sa wakas ay nakapasok na siya sa loob. Pinihit niya ang door knob at napasinghap pa siya ng bumukas ito. Hindi nakalock ang pinto.
‘Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? That brat hindi nag iisip.' sa isip-isip ni Cold.
Matiwasay siyang nakapasok sa Loob habang ang tatlong binata tinatawag siya sa pangalan at inuutusan siyang buksan ang gate pero hindi niya pinansin ang mga ito. Hinanap niya ang switch ng ilaw at nang mahanap niya ito ay kaagad niya itong pinindot. Nasilaw pa siya sa liwanag na nag mumula dito pero saglit lang iyon at tinahak niya ang hagdan paakyat ng kwarto ni Sabriana.
Nang maisip niya ang Lola nito ay bigla siyang nanlamig at kinilabutan. Binalewala na lang niya ang naisip nya tinungo ang pinto ng kwarto ng dalaga. Kumatok siya dito ngunit walang sumagot. Muli siyang kumatok at wala ulit nang mainis siya ay nilakasan niya ang pagkatatok at kulang na lang ay sirain niya ang pinto ngunit wala pa din.
And thats it talagang naubos na ang pasensya niya. Pinihit niya ang door knob at bumukas din ito. Unang bumungad sa kanya ang malaking kama ng dalaga. Malinis ito at walang kahit anong bakas na nagalaw ito. Napabuntong hininga siya.
‘Where the hell is she? Anong oras na saan siya pumunta? Kumain na ba siya? Ayos lang kaya siya?' sunod sunod niyang tanong sa sarili.
Nang walang nakuhang sagot ay tumalikod na siya at muling bumaba ng hagdan. Sumalubong sa kanya ang mga boses ng tatlo. Mukhang kakapasok lang ng bahay.
“Ano wala?” umiling siya sa tanong ni Kiro. Heto na naman hindi na naman sila mapakali.
“Tumawag na kaya tayo ng pulis?” ani Trix.
“I already did.” sagot naman ni Uno na mukhang kalmado pero sa loob loob ay pinag mumura na ang isip dahil sa masamang iniisip nito.
Tahimik lang si Cold na nakatingin sa kanila. Pasimpleng nag iisip kung saan maaring mag punta si Sabriana ngunit natigil iyon nang marinig niya ang pag bukas ng malaking gate. Sabay sabay silang nagkatinginan pagkatapos ay tumakbo papalapit sa pinto upang silipin kung sino ang dumating.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...