Hindi ko alam kung naka ilang tawag na ba si Kiro sa akin. Paulit-ulit niyang pinapa-alala na sa akin na kailangan kong pumunta sa laro nila dahil kung hindi ay tatamadin siya mag laro. As if naman may pakialam ako sa team nila. Kahit na malaki ang tiwala sa kanila ng School namin wala na ako doon. Pero dahil kailangan kong mag panggap na excited ako na mapanood silang apat ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang sagutin ang mga tawag ni Kiro kahit na konting kibot na lang ay puputok na ang mga ugat ko dahil sa pagkairita sa bugok na iyon. Mabuti na lamang at behave ang tatlo at hindi ako naiisipang kulitin.
Obviously ay walang klase ngayong araw dahil sa game nina Cold. Magiging kalaban nila ang mahigpit na kalaban ng School namin kaya naman talagang pinag hahandaan nila iyon. Taon-taon ay nilalaban ang team nila sa ibat-ibang School. Balita ko ay madami na silang nauwing Trophy dahil palaging nanalo ang basketball team ng School namin at dahil iyon kina Cold. Hindi na ako nagulat dahil bata pa lang kami ay sumasali na ang apat na iyon sa Basketball at palagi din silang nananalo. Natatandaan ko pa na palagi akong present sa bawat laro nila kahit na harap-harapan akong ipag tabuyan ng mga kaklase ko ay wala pa ding nakakapigil sa aking manood at mag cheer ng palihim kay Cold.
Napairap ako dahil sa alaalang iyon. Nakakasuka lang talagang balikan ang mga iyon parang gusto ko na lang magkaroon ng amnesia dahil ayaw na ayaw kong maalala ang kabaliwan ko sa lalaking lamig na iyon.
Tiningan ko ang kabuoan ko sa salamin. Nakasuot lang ako ng short skirt na white at pinatungan ng jersey na damit na inabot ni Cold sa akin kahapon nang ihatid niya ako sa classroom.
Abala akong nakamasid kina Cold na seryosong-seryoso ang mga mukha habang nakikinig sa kanilang Coach na ngayon ko lang nakitang seryoso. Kahapon kasi ang aliwalas ng mukha nito at inasar pa nga ako kay Uno mukhang mabait naman ito at palabiro kaya naman talagang nakakatakot ito sa itsura nito ngayon na tila ano mang oras ay susunggaban ang varcity team. Ano naman kaya ang pinag uusapan nila at bakit ganon na lang kaseryoso?
Siguro dahil mahigpit ang magiging kalaban nila bukas. Balita ko kasi iyon daw ang pinaka mahigpit na kalaban ng School namin. Kung sa larangan ng sports ay hindi din ito nag papatalo. Balita ko din na madaming awards at trophy na ang natanggap ng School na iyon katulad ng School namin at nabalitaan ko din mula sa mga chismosa kong kaklase na hindi pa nakakalaban nina Cold ang varcity team ng School na iyon kaya naman todo ang pag prapractice na ginagawa nila ngayon hindi tulad noon na papetics petics lamang daw.
Well wala naman akong pakialam sa laro nila. Kung hindi lang talaga ako nakikipag lokohan sa kanila ay malamang sa malamang wala akong balak na manood man lang ng practice nila at lalong lalo ang ipag cheer sila sa mismong game nila.
Maya-maya ay natapos din mag salita ang Coach nila pagkatapos ay sabay sabay namang nag si “Yes Coach!” ang team. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila dahil nga malayo sila sa kinauupuan ko at hindi naman ako chismosa para alamin pa iyon.
Pumalakpak ang Coach nila ng tatlong beses. Senyales upang pabalikin sila sa kanina nilang ginagawa. Pumila muli ang team at pagkatapos ay halinhinan ang mga itong nag practice ng three points shot sa ring. Kasali na din doon ang apat na nahuhuli kong pasulyap sulyap pa sa akin. Hindi lang pala apat kung hindi lima dahil kasali na doon si Jaysee na pakindat kindat sa kinatatayuan niya. Para siyang ewan at feeling close kaagad porket nilibre niya ako ng icecream kagabi pero hindi naman ako nakakaramdam ng pagkairita sa kanya sa halip ay magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko naman siya crush sadyang ganon lang talaga ang nararamdaman ko kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Novela JuvenilMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...