CHAPTER 2
"Crush mo talaga siya 'no?" muntik ng mawalan ng balanse si Sabby mula sa kanyang kinauupuan dahil sa pagkagulat. Mabuti na lang at mabilis siyang hinawakan ni Uno, Uno is her bestfriend, sa kanilang magkakaklase tanging si Uno lang ang kanyang nakakausap na lalake, tulad ni Cold ay binayayaan din ito ng gwapong mukha, hindi lang ito gwapo, matalino din ito at pinagkakaguluhan ng mga babae sa kanilang School.
Hindi nga niya alam kung bakit hanggang ngayon ay magkaibigan pa din silang dalawa, kasali din kasi ang binata sa grupo ni Cold, ngunit ito lang ang bukod tanging hindi inis sa kanya.
"Hindi ka naman ba nag suklay?" hindi pa nakakasagot si Sabby ng mag tanong na naman ito sa kanya, umiling siya at pasimpleng sinulyapan si Cold ba nag lalaro ng basketball mula sa hindi kalayuan, nakabukas ng bahagya ang polo nito kaya naman kitang-kita niya ang sandong suot nito.
"Dapat kasi inagahan mo ng gising." Inilabas ni Uno ang isang bagay mula sa kanyang bulsa, isa itong suklay. Palagi siyang nag babaon nito hindi para sa kanya kung hindi para kay Sabby, alam kasi niyang walang panahon ang dalaga upang mag-suklay.
Mabilis na pumwesto si Uno sa likoran ni Sabby at sinuklay ang mahaba at medyo kulot nitong buhok, sa totoo lang ay maganda ang buhok nito, itim na itim iyon at hanggang bewang ang haba nito, kaso nga lang hindi ito naalagaan ni Sabby kaya naman bumubuhaghag ito.
"Naligo ka ba Sab?" naramdaman ng dalaga ang pag-amoy ng binata sa kanyang buhok ngunit binalewala na lamang niya 'yon, masyado siyang abala sa panonood kay Cold, natutuwa siya dahil sunod-sunod ang pag puntos nito, ang gwapo din nito kahit pinagpapawisan.
Napangiwi si Uno ng maamoy niya ang buhok ni Sabby kaya naman agad niyang inilayo ang sarili sa dalaga.
"Next time, ako na ang mag papaligo sa'yo, maganda ka naman eh, kaso tamad ka lang-" dahil sa sinabing iyon ni Uno agad na kumislap ang mga mata ng dalaga, tila pumalakpak ang kanyang tainga sa nadinig, ngayon lang kasi siya nakatanggap ng papuri mula sa iba.
"Really? Do you think I'm pretty?" sa lakas ng boses ni Sabby ay napatigil si Cold sa pag drible ng bola at napatingin ito sa gawi ng dalawa, nakita niya si Sabby at uno mula sa hindi kalayuan, malapit ang mukha nito sa isat-isa. Nakaramdam siya ng pagkainis, dumodoble talaga ang kanyang inis kay Sabby sa tuwing nakikita niyang kausap nito si Uno.
"Tss, pretty? Are you fvcking kidding me?" muling nag drible ng bola si Cold, sinubukan niyang huwag pakinggan ang usapan ng dalawa ngunit sadyang malakas ang boses ni Sabby, isa 'yon sa kanyang kinaiinisan, sa tuwing kinakausap niya kasi ang dalaga ay daig pa nito ang pipe, ngunit kapag si Uno naman ang kaharap nito ay daig pa nito ang naka lunok ng speaker at microphone.
"Syempre, nagbibiro lang ako, masyado ka naman nagpapaniwala" tumawa ng malakas si Uno, mukhang tuwang-tuwa ito habang inaasar si Sabby, ibinato ni Cold ang bola sa ring ngunit sumablay ang bola, hindi iyon nakapasok sa ring.
Muli niyang binalingan ng tingin ang dalawa, kasalukuyan na nag hahabulan ang mga ito, alam niyang kanina pa siya pinapanood ni Sabby mula sa malayo pero hinayaan lang niya ang dalaga, hindi siya nakaramdam ng inis dito ngunit ng dumating si Uno ay kumulo muli ang kanyang dugo para sa babae.
"Lumapit ka nga dito Uno! Hindi ako nakikipag biruan sayo--aw!" sa sobrang inis ni Cold, padabog niyang dinampot ang bola at ibinato iyon kay Sabby, tumama ang bola sa ulo nito kaya naman sa lakas ng kanyang pagkakabato ay napasalampak ito sa sahig.
"Are you okay Sab?" Agad naman itong tinulungan ni Uno, muli itong natahimik sa isang iglap ay naging Maria Clara na naman ito, mas lalo tuloy kumulo ang dugo ni Cold kay Sabby.
"Dude, bakit mo naman siya binato?" Nang matulunhan ni Uno ang dalaga ay dinampoy niya ang bola at hinagis pabalik kay Cold ngunit maaga niya itong nasalo.
"She's so fvcking annoying." masama ang tingin nito sa kanilang dalawa, parang anytime ay bubuga ito ng apoy, halatang halata sa mukha ni Cold ang pag kairita sa kanilang dalawa, ito yata ang unang beses na kinainisan niya si Uno, hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nainis sa kanyang kaibigan.
"Wala naman siyang ginagawa sayo--aray naman!" mabilis ang pagbato ni Cold ng bola kay Uno kaya naman hindi iyon agad na nailagan, sapol sa ulo si Uno, dahil sa malakas na impact ng pagkakabato ni Cold dito ay nawalan din ito ng balanse.
"Tss. shut up." nagpamulsa si Cold at tsaka niya tinalikudan ang dalawa, hindi man lang siya nakadama ng pagka-guilty sa kanyang nagawa, ganon kaiksi ang kanyang pasensya.
"Anong problema non?" sapo-sapo ni Uno ang kanyang noo na nasaktan, alam niyang nagkaroon iyon ng bukol, mas malakas pa yata ang pagkakabato ni Cold sa kanya kumpara sa pagkakabato nito kay Sabby.
"Nakita ko 'yon dude, bakit mo naman binato si Uno?" umakbay si Kiro kay Cold, nakita niya ang nangyari kaya naman hindi niya maiwasan ang mag taka dahil bigla na lang nagalit sa dalawang 'yon si Cold, medyo malayo din kasi ang kinaroroonan ng mga iyo mula sa basketball ring na pinaglalaruan ng binata.
Maging si Cold ay napaisip din, hindi niya alam ang kanyang isasagot sa kaibigan niyang makulit, hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit niya biglang binato ang dalawa.
Siguro dahil naiinis siya kasi sumasama si Uno sa babaeng kinaiinisan niya?
"Tss, let go of me." malamig na tinapunan ni Cold ang braso ni Kiro na nakapatong sa kanyang balikat, tila napaso naman si Kiro kaya mabilis nitong inalis ang pagkaka-akbay sa kanya.
Sanay na si Kiro sa ganitong ugali ni Cold, kahit naman masungit ito ay mapagkakatiwalaan naman ito, iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay natitiis niya ang kasungitan nito, pag titiisan na lamang niya ang masungit na binata kaysa makisama sa mga tar*nt*do niyang mga kaklase, oo nga at hari ng mga bully si Cold pero may tinatago pa din itong kabaitan pag dating sa mga kaibigan nito, hindi lang niya ito pinapahalata.
"Kita mo yung itsura ni Uno? Nagtataka din siya dude!" sa kabila ng masamang tingin na nakapukol kay Kiro ay nagawa pa din niyang mag tanong, tuluyan na niyang nakalimutan ang atraso niya kay Cold, kung hindi dahil sa kanya ay hindi nito makakatabi sa upuan si Sabby.
"Can you shut your mouth and never talk again?" naiiritant sabi ni Cold sabay iwas ng tingin ngunit mas lalo siyang nairita dahil nahagip ng mga mata niya ang pinaka-iinisan niyang babae at iyon ay walang iba kung hindi si Sabby Nombrefia, kasalukuyan itong nag lalaro ng bola, sunod-sunod ang pagkakapuntos nito sa ring, habang parang tangang pumapalakpak sa isang tabi si Uno.
"Akalain mo 'yon dude? Magaling pala siyang mag basketball?" halata sa boses ni Kiro ang pagkagulat, may bahid din itong paghanga sa nasaksahihan nito, napasimangot si Cold at tsaka niya nilagpasan ang madaldal niyang kaibigan.
"Tss, pasikat na panget." bulong ni Cold sa kanyang sarili at tsaka napailing.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Fiksi RemajaMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...