“Hindi ka ba papasok?” hindi ko nilingon ang pinang galingan ng boses . Nanatili lang ang mga mata ko sa bintana habang tinatanaw ang mga ibon na nag liliparan sa paligid. Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon.
“Kung buhay lang ang lola mo mag aalala yon sayo. Hindi ka pa kumakain ni hindi ka din nag aayos ng sarili.” naramdaman ko ang pag suklay niya sa maganit kong buhok. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging bata na tamad mag suklay. Wala na kasi akong gana na gawin pa ang bagay na iyon. Naalala ko si Lola palagi niyang sinusuklay ang buhok ko kahit na malaki na ako at ngayon wala ng gagawa ng bagay na iyon sa akin. Ako na lang ulit...mag isa.
“Nasa baba yung mga kaibigan mo, hinihintay ka nila.” this time ay naagaw ni manang ang atensyon ko. Pumasok agad sa isipan ko ang apat wala naman kasing ibang pupunta dito sa bahay kung hindi sila.
Napangiti si manang nang makita niya ang pag bago ng reaksyon ko. Tinapos niya ang pag suklay ng buhok ko at pagkatapos ay tumayo na mula sa kama ko.
“Sige na mag ayos ka na ng sarili mo at bumaba ka na, kanina ka pa nila hinihintay.” ngumiti siya sa akin pero hindi ko siya nginitian pabalik sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa bintana. Narinig ko pa ang pag buntong hininga niya bago siya lumabas ng pinto. Nang masiguro kong wala na siya ay kaagad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Hindi na ako nagulat ng makita ko ang itsura ko. Maputla ang mukha ko medyo magulo pa din ang buhok ko pero hindi na iyon katulad kanina na parang isang pugad ng ibon.
Wala akong balak na mag ayos ng sarili, hindi din naman ako papasok alam kong pag uusapan ako ng lahat. Ayaw ko namang marinig ang mga usap-usapan nila at isa pa wala din akong ganang kumilos ngayon. Nag luluksa pa din ako sa pagkawala ng lola ko at sa nangyari sa akin.
Hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sa kaso pero tinanong na ako ng mga pulis kung ano ang nangyari. Ginawa ko din ang lahat para hindi mapunta ang sisi sa apat lalong lalo na kay Jaycee. Hindi ko hahayaan na makulong siya dahil lang sa akin at isa pa deserve naman ng mga hayop na iyon ang nangyari sa kanila. Sana masunog ang kaluluwa nila sa impyerno dahil sa kahayupang ginawa nila sa akin.
“Hi!!” nagulat ako at napaiktad sa kama ko nang maramdaman ko ang pag lundag ng kama ko. Agad kong tiningnan kung sino ang pumasok at agad kong nakita ang nakangiting si Kiro. Naka dapa siya sa kama ko habang nakatingin sa akin at malapad ang ngiti. Mas lalo tuloy siyang naging singkit at isa pa masyadong oa ang pag ngiti niya.
“Ang tagal mong bumaba kaya pumasok na kami.” si Uno ang nag salita habang umuupo sa isang upuan na nasa kwarto ko. Hawak-hawak niya ang isang libro na sa tingin ko ay isa sa subject namin. Binuklat niya iyon at nag simulang mag basa.
“Hindi ka papasok?” tanong ni Trix. Ngayon ko lang napansin ang suot nila. Naka uniform silang lahat. Hindi ko tuloy mapigilang humanga sa kanila dahil sa kabila ng nangyari ay papasok pa din sila kahit na pag uusapan din sila dahil sa nangyari noong Basketball game.
“Ano ka ba naman Trix! Nakita mo na ngang hindi naka suot ng uniform e, bobo nito.” pang aasar naman ni Kiro agad naman siyang hinampas nito at pagkatapos ay nag simulang mag rambulan sa kama ko. Hinayaan ko lang sila sa kanilang ginagawa sanay na din naman ako na palagi silang nag aasaran. Ganyan na talaga sila noong mga bata pa kami kaya lamang ay mas dumoble yata ang kulit nila.
“Are you okay?” inangat ko ang tingin ko, hindi ko na napansin si Cold na nasa harapan ko. Seryoso na naman ang mukha niya mukhang hindi naman siya naasar sa dalawa dahil nasa akin lanh ang atensyon niya.
Tumango ako sa kanya, kahit na hindi naman talaga ako okay. Ayaw ko ng dumagdag pa sa isipin nila alam kong may problema din sila dahil sa nangyari sa School. Kasalanan ko kung hindi sila makakalaro
International, kasalanan ko kapag pinagalitan sila ng Coach nila o kaya naman kasalanan ko kapag inalis sila sa Basketball team dahil sa nangyari.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...