8

3.7K 103 7
                                    

"Miss Sabriana handa na po ang damit nyo." tiningnan ni Sabriana ang kanyang kabuoan sa isang malaking salamin, mapula ang kanyang labi dahil sa lipstick na inilagay sa kanya ng kanyang stylist bumagay iyon sa kanyang maputing kutis, ang ganda-ganda ng kanyang ayos kahit na tanging roba lang ang kanyang suot ay talagang nag uumapaw ang kanyang kagandahan.

"Alright, I'm coming." matipid niyang sagot sa kanyang P.A, muli niyang tiningnan ang kanyang repleksyon sa salamin at napangisi.

"Your so pretty Sabriana." wika niya sa kanyang sarili pagkatapos ay nag flip hair. Pagkatapos niyang mag sawa sa salamin ay agad siyang nag tungo sa kanyang P.A, hawak-hawak nito ang isang sexy silk dress, kanina pa siya nito pinapanood, maging ito ay hangang-hanga sa taglay niyang kagandahan.

"Ako na po ang mag susuot sa inyo-" hindi na natapos ang sasabihin nito dahil itinaas ni Sabriana ang kanyang kamay upang patigilin ito sa kung ano mang sasabihin nito.

"Did you see this?" tukoy niya sa maganda niyang kamay, agad na tumango ang P.A. halatang natataranta ito at may bahid itong takot sa amo.

"May kamay ako, kaya kong mag bihis, get the fvck out!!" umalingawngaw ang malakas na boses ni Sabriana sa dressing room, ganito palagi ang tagpo sa kanyang dressing room, kung hindi ang kanyang P.A, ang kanya namang stylist ang napag-iinitan nito, walang araw na hindi ito sumisigaw, palaging mainit ang ulo ng dalaga, daig pa ang matandang nag menopausal.

"O-opo, s-sorry" tumungo ang kanyang P.A at pagkatapos ay mabilis na nilisan ang lugar na 'yon, naiwan na namang mag-isa si Sabriana sa kwartong 'yon, mabilis niyang isinuot ang dress na ihinanda ng P.A at pagkatapos ay tumingin muli sa malaking salamin.

Hapit na hapit sa kanya ang kanyang suot na dress, kitang-kita tuloy ang magandang kurba ng kanyang katawan. Natawa si Sabriana sa kanyang sarili, ibang-iba na talaga siya, hindi na siya si Sabby Nombrefia na palaging inaapi ng lahat. Nag bago siya ng pangalan matapos niyang sumali sa Modeling, hindi niya aakalain na may igaganda pa pala siya. Hindi na siya ang dating uhugin at hindi na din sabog-sabog ang kanyang buhok. Hindi na din madilaw ang kanyang ngipin.

Ang dati niyang buhok na kulot ay kanyang pinatuwid at ang kanyang kutis ay mas lalo pang pumuti, wala siyang pinabago sa kanyang mukha, natural ang pag ganda nito, Hindi nga siya nag kakamali ng desisyon, mas umayos ang kanyang buhay ng sumama siya ng kanyang lola, inalagaan siya nito ng maayos, tinuruan siya nito na mag-ayos ng sarili, pinabago din nito ang kanyang pangalan.

She's now Sabriana Del Vega, ang last name niya ay kinuha sa kanyang lola, kasabay ng kanyang pagbabago ay ang pag limot niya sa mapait niyang nakaraan.

"It's time to shine." ngumisi siya sa salamin pagkatapos ay muling nag flip hair, nag lakad siya papalabas ng dressing room, naka chin up siyang nag lalakad habang ang mga nakakasalubong naman niya ay hindi mapigilan ang pag hanga sa kanya, ang iba ay may hawak pang camera at kinukuhanan siya, sanay na siya sa ganitong tagpo. Madalas kasi siyang mainterview sa T.V at laman din siya ng mga magazine pati na din sa diyaryo.

"Here she is, napakabagal kahit kailan, tss." sumalubong sa kanya si Primo, nakabusangot na naman ang mukha nito, halatang bagot na bagot sa kakahintay sa kanya. Primo is her Co-Model, palagi niya itong nakakasama sa mga photo-shoot niya, ika nga ng iba ay love team silang dalawa.

Inakbayan siya nito kaya naman mabilis na hinawakan ni Sabriana ang braso nito at pinilipit, agad naman nag sisigaw si Primo dahil sa sakit na nararamdaman niya, napailing-iling ito at pagkatapos ay lumayo kay Sabriana.

"Sadista, tss." pumwesto na ito sa kanilang settings, ganon din naman ang ginawa ni Sabriana, sumunod ito sa kanya. Sa totoo lang ay kanina pa niya pinipigalan ang kanyang malakas na tawa kaya lamang ay madaming tao ang nakapaligid sa kanya, nakakatawa kasi ang pag mumukha ni Primo ng pilipitin niya ang braso nito.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon