46

1.1K 51 16
                                    


“Kumain ka muna Sabriana. You haven't eaten since earlier, ” mahinahon ang boses ni Cold nang lumapit siya sa akin may dala siyang supot ng Jollibee at inabot niya iyon sa akin pero wala akong lakas para abutin pa iyon.

He sighed and placed it on the table inside this private room. Lola had just been transferred from the emergency room. Madaming bagay ang nakakabit sa kanya. Hindi ko siya magawang iwan o alisan man lang ng tingin dahil natatakot ako sa maaring mangyari sa kanya kapag nalingat ako ng konti.

Gusto ko kapag nagising siya ako ang unang bubungad sa kanya tapos papagalitan ko siya kung bakit siya nag puyat kagabi kaya ayan tuloy.

“Please eat something first Sab, para magkaroon ka ng lakas.” I chuckled softly at what he said. I couldn't believe the words coming out of his mouth. Parang dati lang wala siyang pakialam kung nahihirapan o nasasaktan ako pero ngayon grabe ang pag aalala niya sa akin. Sa bagay wala siyang ideya na ako yung Sabby na pinandidirihan niya noon at pinapahirapan.

Siguro kung alam niyang ako iyon wala siya ngayon dito at lalong hindi siya mag aabala na bilhan ako ng pagkain. Funny right?

“Do you want me to feed you?” sumeryoso na ang mukha niya. Tila nawalan na ng pasensya sa akin. Muli niya akong nilapitan at hinila papalapit sa lamesa pero malakas kong iwinasiwas ang kamay ko kaya naman ay napabitaw siya sa akin.

“I don't want to eat! Fuck! Just get the fuck out! ” sigaw ko sa kanya, natigilan naman siya at tila hindi inaasahan ang pag sabog kong iyon. Pero mabilis din siyang natauhan pagkatapos ay umiling iling.

“Lower down your voice for fuck sake! ” naubos na siguro ang pasensya niya dahil nagawa na niya akong sigawan. Mas lalo akong nairita sa kanya ang kapal kapal talaga niya. Tinalikudan ko na siya pero hinila niya ako at pilit na pinaupo sa upuan.

“Kakain ka o itatali kita?” hinawakan niya ang kamay ko at inilagay doon ang kutsara tinidor wala na tuloy akong ibang nagawa kung hindi ang mapairap sa kanya at sundin ang utos niya dahil mukhang hindi siya nag bibiro sa banta niya.

Inilabas niya ang laman ng supot kaagad kong naamoy ang mabangong amoy ng pagkain saka lang ako nakaramdam ng gutom. Kanina pa nga pala ako hindi kumakain.

Napabuntong hininga ako, hindi dapat ako nag papalipas ng gutom baka mamaya magkasakit ako at ako naman ang mahospital hindi pwede iyon.

Nag simula na akong kumain habang hinihimay naman ni Cold ang friend chicken gamit ang tinidor at kutsara na hawak niya. Hindi ko alam kung bakit ang bait bait niya ngayon siguro naaawa siya sa akin. Ayaw kong kaawan niya ako. Hindi bagay sa kanya.

“You know what Cold? You don't need to stay here with me kaya ko naman ang sarili ko dahil malaki na ako. Go home now and leave me alone please?” hindi niya ako sinagot sa halip ay naupo lang siya sa sofa at inilabas ang cellphone niya. Narinig ko ang intro music ng mobile legends mukhang dito pa siya dadayo ng laro at wala ba siyang balak umuwi upang mag bihis ng damit?

Naka jersey pa din kasi siya hanggang ngayon. Samantalang yung tatlo pinauwi ko na kanina pa. Akala ko nga ay umuwi na din si Cold pero iyon pala ay bibili lang siya ng pagkain kami lang tuloy dalawa ang naiwan dito dahil umuwi muna si Manang upang kumuha ng mga kakailanganin namin dito sa hospital.

“Dito lang ako.” tipid niyang sabi pagkatapos ay muling tinuon ang kanyang mga mata sa laro. Hindi na ako nag salita pa ang daming nangyari ngayon kaya naman pagod na pagod na akong makipag talo pa. Pinag patuloy ko na lang ang pagkain ko dahil ngayon ko lang din naramdaman ang pagkagutom.






Mabilis lang din akong natapos kumain. Niligpit ko lang ang pinagkainan ko at inilagay ang mga basura sa supot pagkatapos ay itinapon iyon sa basurahan. Nag hugas lang ako ng kamay pagkatapos ay muling bumalik sa upuan malapit sa hospital bed kung saan nakahiga si Lola.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon