9

3.6K 109 3
                                    


"Nabalitaan nyo na? May transferee daw galing sa ibang bansa," ani ni Trix habang kumakain sila sa Cafeteria, kasalukuyan silang kumakain ng umagahan, as usual, magkakasama na naman ang apat. Madaming babae na naman ang nakatingin sa kanila, animo'y ngayon lang nakakita ng gwapo sa buong buhay nila.

"Talaga? Saan mo nalaman 'yan? Babae ba?" tanong naman ni Kiro na mukhang interesado sa kanyang nalaman, ito kasi ang pinaka babaero sa kanilang apat, linggo-linggo ito kung mag palit ng girlfriend.

"Oo, sabi nila maganda daw at sikat na Model, baka kilala mo siya Kiro." sigurado si Trix na kilala ni Kiro ang bagong transferee na model, mahilig kasi itong tumingin-tingin sa mga magazine, sabi kasi nito ay may magandang babae doon at talagang crush niya ito.

"Sana si Sabriana Del Vega, ang ganda at sexy niya dude, she looks familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita." sagot ni Kiro, tahimik lang na nakikinig si Cold sa kanila, wala siyang ideya kung sino ba ang babaeng tinutukoy nito, obviously ay wala siyang pakialam sa mga babae, tanging isang babae lang kasi ang gusto niya.

"Sabriana?" singit naman ni Uno, tapos na itong kumain at kasalukuyan itong abala sa pag babasa ng libro, sa kanilang apat ito ang book worm halos lumabo na nga ang mga mata nito kaya may suot na itong salamin ngunit mas naging gwapo naman ito.

"Oo, hindi mo ba siya kilala dude? Sikat siyang model, sobrang ganda niya kapag nga nakita ko siya liligawan ko siya tapos seseryosohin ko." seryosong sabi ni Kiro, totoo iyon matagal na niyang mapangarap na maging girlfriend niya ang sikat na model, plano nga niyang pumunta sa ibang bansa at hanapin ito, na-love at first sight kasi siya sa picture nito.

"Sus, naglolokohan na tayo dito! Ang korney mo! tara na nga!" binatukan ni Trix si Kiro pagkatapos ay tumayo sa upuan nito, dahil nga mag sisimula na ang klase ay tumayo na din ang tatlo at sabay-sabay na nag lakad, para silang F4, pinaliligiran sila ng mga babae at kulang na lang ay mag lupasay ang mga ito dahil sa kilig.

Sanay na ang apat na pag tinginan sila, daig pa nito ang mga celebrity, madami din kasi ang nag papapicture sa kanila at yung iba ay humihingi ng autograph, sikat na sikat kasi ang kanilang grupo sa buong campus.

Si Cold ang nag sisilbing leader sa kanilang apat dahil ito ang Captain nila sa basketball at hindi lang iyon, bumuo din sila ng gang at si Cold din ang leader doon.

Nadaanan nilang apat ang office room kung saan nag pupunta ang mga transferee upang mag pasa ng requirements, bahagyang bukas ang pinto noon kaya naman tumigil si Kiro sa pag lalakad, hindi siya napansin ng tatlo dahil busy ang mga ito sa mga kanilang ginagawa.

Bahagyang sumilip doon si Kiro at hinanap kung sino ang tinutukoy nilang transferee hanggang sa mapadpad ang kanyang tingin sa nakatayong babae, nakatalikod ito at kinakausap ng dean.

Suot-suot nito ang Uniporme ng kanilang School, maiksi ang palda noon at talagang bumagay ang uniporme sa babae dahil mahaba at makinis ang binti nito.

"Mr.Sebastian, what are you doing?" nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto, hindi niya namalayan na napansin siya ng dean, dahil doon ay tumayo siya ng tuwid at nag kunwaring walang sinisilip.

"Napadaan lang..." Tumaas ang kilay ng matandang babae sa kanyang sinagot kaya naman napakamot ng ulo si Kiro.

"Nadaan lang, po." pag uulit niya pagkatapos ay tumalikod na siya at tumakbo papunta sa kanilang room.

Samantalang natigilan si Sabriana sa kanyang kinatatayuan, kilalang-kilala niya ang lalaking 'yon, hindi siya maaring mag-kamali, sa dinami-dami ng School na kanyang mapapasukan ay doon din pala ang School ng mga ito.

Mabuti na lang at hinanda na niya ang kanyang sarili sa ganitong tagpo, nangako siya sa kanyang sarili na hindi na siya mag papaapi sa mga ito lalo na sa iba, hindi niya hahayaan na tapak-tapakan lang lalo na at isa na siyang sikat na Model, sisiguraduhin niyang mababaligtad ang sitwasyon.








"Okay class, settle down!" sigaw ng Prof na nasa unahan, kadadating lang nito kaya naman agad na nag balikan ang mga estudyante nito sa kani-kanilang upuan ng sumigaw ito. Nilibot ng prof ang mga mata niya at napadapo ang mga mata nito kay Cold, bukas ang butones ng polo nito ay bahagyang sumisilip ang dibdib nito.

"Ayusin mo ang Uniform mo Tuazon" galit na sabi ng Prof, hindi man lang natakot si Cold sa tono ng pananalita nito bagkos ay hindi na ito pinansin at hindi sumunod, sakit talaga sa ulo ang binata dahil hindi ito mapaki-usapan ng maayos, palagi itong nasusunod, malaki kasi ang shares ng pamilya nito sa School kaya naman ay hindi nila ito kayang ipatalsik.

"Excuse me." sabay-sabay na tumingin ang klase sa pinto, isang napaka-gandang babae ang nakatayo doon, bitbit nito ay isang mamahalin at sikat na bag kaya naman ay humanga agad sa kanya ang mga kaklase niya, yung iba naman ay kaagad siyang nakilala.

"Yes Miss?" tila umamo ang kaninang galit na Prof ng makita si Sabriana, hindi ito pinansin ni Sabriana at tuloy-tuloy lang na pumasok at ipinatong sa table nito ang hawak-hawak niyang papeles.

"I'm the transferee, from U.S." idiniin pa talaga nito ang sinabi niya, tila nag yayabang, hindi iyon nagustuhan ni Cold kaya naman ngumisi ito.

"Tss, yabang." ani nito, tinitigan niya ang bagong saltang babae, makinis at maputi ito, mahaba ang buhok hanggang sa bewang at tuwid na tuwid 'yon, fierce look ang babae at kung titingnan ito ay parang isa itong makapangyarihan na babae.

"Her face looks familiar." sabi niya sa kanyang sarili, tiningnan niya ang mata nito at bigla na lang niya naalala ang babaeng kinaiinisan niya limang taon ang nakalipas, parehas ang mga mata nila, parehas itong nakakaakit tingnan.

"Dude! Hindi ako makapaniwala! Si Sabriana yung transferee! Pwede na akong mamatay!" ani Kiro na nasa unahan ni Cold, katabi nito si Trix habang katabi naman ni Cold si Uno.

"Ang ganda niya, crush ko na siya" ani naman ni Trix, tila naging hugis puso ang mga mata nito, agad na binatukan ni Kiro si Trix dahil sa sinabi nito, hindi siya makakapayag na maagawan ng babae.

"Akin siya!"

"Sayo? May pangalan mo?"

"Wala pa, pero soon bibigay ko sa kanya last name ko" nag sukatan ang mga ito ng tingin, parehas silang nag matigas sa isat-isa walang gustong sumuko kaya naman ay lumapit si Cold sa kanila at pinag untog ang ulo ng mga ito.

"Fvcking shut up" matigas na sabi nito, kaagad na tumahimik ang dalawa at umiwas sa isat-isa, mukhang parehas itong takot sa kanilang Leader.

"Kindly Introduce yourself, Miss." tumaas ang isang kilay ni Sabriana sa sinabi ng kanilang Prof.

"Kailangan pa ba 'yon?" naiiritang sabi nito, tila nataranta naman ang Prof at pagkatapos ay umiling ng mabilis, itinuro nito ang isang upuan na bakante, tila natulala at nagandahan ito sa kanya. Hindi na lang ito pinansin ni Sabriana at nag lakad patungo sa bakanteng upuan.

Bahagya siyang natigilan ng makita niya si Uno na nasa kanan ng kanyang upuan, nakatingin ito sa kanya na parang kinikilala siya ng maayos kaya naman ay binigyan niya ito ng matamis at nakakaakit na ngiti, agad namang umiwas si Uno ng tingin sa kanya.

Ganon din si Cold, nakatingin ito kay Sabriana na parang pinapanood ang mga galaw niya kaya kinindatan niya ito, sa loob loob ng dalaga ay nandidiri siya, nakakadiri ang pag mumukha nito, kumukulo ang kanyang dugo.

"Kita nyo yon? Nginitian at kinindatan niya ako"

"Duling ka ba? Sa akin siya kumindat, tanga!"

"Sa akin! Bulag ka?"

"Sa akin-"

"Shut.the.fvck.up." bahagyang sinipa ni Cold ang upuan ng dalawa kaya naman muling natahimik ang mga ito, samantalang napangisi si Sabriana, narinig nito ang baritonong boses ni Cold, hanggang ngayon pala ay ganito pa din ang ugali ng binata, masungit pa din at palaging nasusunod.

Hindi naman niya ikakaila na mas lalo pa itong naging gwapo, mas kuminis ang binata pero ganon pa din ang buhok nito, bahagyang natatakpan ang noo nito at ang mga mata nito, nakakaakit pa din, pero kahit na ganon ay hindi na mag papadala si Sabriana sa Cold na iyon.


Itutuloy...

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon