Kinabukasan wala na naman yung apat sa klase mukhang busy sila sa pag prapractice. Ang tahimik tuloy ng klase dahil 'yung mga babaeng fan girls ng apat ay parang mga namatayan sa sobrang tamlay at tahimik. Well mabuti na din iyon dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng peace of mind at hindi nasisira ang araw ko dahil sa kalandian nila.
Vacant ngayon namin kaya naman wala kaming ginagawa. Kokonti lang ang natitirang tao sa room. Yung mga babae kong kaklase mukhang pinuntahan nila ang mga prinsepe nila sa Gym samantalang ang natira naman sa classroom ay ako at 'yung mga masisipag mag aral na ngayon ay tahimik na nag babasa sa kanilang upuan at yung iba naman ay nag susulat. Dahil nga hindi ako mahilig mag aral naka halumbaba lang ako sa desk ko at pinag iisipan kung tatayo ba ako mula sa upuan ko upang kumain sa canteen since nagugutom ako at hindi ako nakapag almusal dahil medyo late na ako nagising isa pa ay wala akong kasabay kumain.
Pero dahil hindi ko na matiis ang nararamdaman kong gutom ay tumayo na lang din ako. Iniwan ko na lang ang mga gamit ko sa upuan at lumabas ng classroom namin. Taas noo akong nag lalakad sa hallway. Kokonti lang ang estudyanteng pakalat-kalat dahil yung iba ay nasa kani-kanilang klase. Ramdam ko pa ang bawat lingon ng mga estudyante sa akin na ipinagkibit balikat ko na lang since sanay na din ako sa atensyon.
Nag tungo ako sa Cafeteria namin wala din masyadong tao dahil hindi pa naman lunch break siguro mga walang klase ang mga nakatambay na estudyante dito ngayon. Bumili lang ako ng burger at tsaka fries na hindi pwedeng mawala sa tuwing bibili ako. Humanap ako ng upuan at doon sa dulo ang napili ko malapit sa bintana para tanaw ko ang labas.
Nag tungo ako doon at inilapag ang pagkain sa lamesa. Sinimulan ko na ang pagkain ko habang nag sscroll lang ako sa facebook gamit ang iphone ko. Naisipan kong stalk yung apat na ungas dahil hindi ko pa iyon nagagawa. Nag friend request sa akin yung tatlo samantalang hindi ko naman nakita ang pangalan ni Cold.
Una kong tiningnan ay ang timeline ni Kiro na puro memes. Madami siyang reactors at nang isa-isahin ko iyon ay puro iyon babae kaya naman hindi ko napigilan ang mapailing. Mukhang halos lahat ng friends nya at followers niya ay babae. Tiningnan ko ang profile niya na umabot sa five thousand plus ang likes. Ang background niya ay mukhang sa ibang bansa. Pamilyar ang background na iyon kaya naman inisip kong mabuti kung saan iyon at maya-maya ay napagtanto ko na ang building na nakatayo sa kanyang likuran ay ang agency ko.
Bakit siya nandoon?
Nag heart react lang ako sa profile niya at pagkatapos ay sinunod ko naman ang facebook ni Trix. Ang profile niya ay naka upo habang may hawak na bola at naka suot ng jersey. Mirror shot iyon ang hindi ko ikakaila na ang pogi-pogi niya. Umabot mahigit two thousand reacts ang picture na iyon. Nag heart lang din ako at iniscroll ang kanyang news feed. Panay tag ni Kiro ang laman at puro memes iyon na unggoy kaya hindi ko mapigilan ang matawa sa asaran nila.
Ang cute ng friendship ah? Sarap wasakin.
Napahagikgik naman ako sa naisip ko pagkatapos nang mag sawa ako ay kay Uno naman ang tiningnan ko. Ang linis ng newsfeed niya. About books ang mga sharedpost niya at mga poems na malalalim ang english halatang matalino siya at matinong tao. Ang profile niya naman ay naka salamin habang may hawak na starbucks coffee. Naka long sleeve siya na brown at white na short. Mukhang stolen pa ang pag kakakuha non pero kahit na ganon ang pogi niya pa din. Nasa seven thousand ang reacts ang profile niya. Bakit ang famous nilang lahat?
Sunod kong hinanap ang facebook ni Cold. Nahirapan akong hanapin iyon dahil madaming lumabas na kapangalan niya at karamihan sa mga iyon ay walang profile. Tiningnan ko iyon isa-isa at nang makita ko ang friends niya ay doon ko lang nakumpirma na si Cold iyon. Wala siyang profile. Mysterious ang peg ni kuya. Ang kalat ng newsfeed niya puro tag iyon ng mga babae na hindi ko kilala at mukhang wala siyang pakialam dahil hindi naman siya nag rereact sa mga iyon or comments. Nag dalawang isip pa ako kung mag sesend ba ako sa kanya ng friend request pero maya-maya ay napag pasyahan ko din na i-add siya tutal ay friend ko na naman ang tatlo at unfair naman kung siya lang ang hindi bahala siya kung iaaccept niya ako subukan niya lang na deadmahin iyon at mag hahalo ang balat sa tinalupan.
![](https://img.wattpad.com/cover/287227174-288-k368254.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...