30

2.1K 51 3
                                    


"We're here Sabriana" naramdaman ko ang mahinang pag tapik sa pisngi ko kaya dahan kong iminulat ang mga mata ko, bumungad sa akin ang mukha ni Cold kaya mabilis kong inayos ang sarili ko, pinunasan ko ang gilid ng labi ko, mabuti na lang at hindi tumulo ang laway ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ko ngayon, ikaw ba naman ang mag pakaladkad kay Cold, ang bilis-bilis niya mag lakad, ang laki ng mga hakbang niya, sino ba ang hindi mapapagod doon?






Binuksan ko ang pinto at hindi ko na pinansin si Cold, tuloy tuloy akong lumabas ng sasakyan, ngayon ko lang napansin na madilim na pala sa paligid, ganon pala kami katagal ni Cold sa mall? Medyo malayo din kasi ang mall dito sa bahay kaya siguro inabot na kami ng gabi sa byahe, hindi ko pa nabili ang gusto kong bilhin.







"Paano ka uuwi, wala kang sasakyan?" Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng maisipan kong itanong iyon, I'm not concern, I'm just freaking curious, kaya huwag kayong mag isip ng masama diyan.






"I'll just take a cab" sagot niya, bigla kong naisip na malayo ang sakayan ng taxi diyo sa subdivision, wala kasing pumapasok dito dahil mahigpit ang security kaya para makasakay ka kailangan mo munang mag lakad at lumabas ng subdivision para makasakay.






Dahil sa dakilang mabait ako at nasa dugo ko na iyon, inabot ko ang susi ng sasakyan ko kay Cold, again, I'm not concern, ayaw ko lang makaramdam ng guilty kung sakaling may mangyaring masama sa kanya, mukha pa naman siyang mayaman at nag kalat na ang mga holdaper ngayon sa daan.






"Tss, hindi na kailangan-"






"Ulol! Hindi ko hinihingi opinion mo" pambabara ko sa kanya sabay irap ko pa, badtrip pa din ako sa kanya, habang buhay na yata akong badtrip sa kanya, kung naaani lang sana ang sama ng loob madami na akong inani ngayon.







"Watch your mouth woman" masungit niyang sabi, inirapan ko ulit siya at akmang pipihitin ang door knob ng bahay ng bigla iyon bumukas. Bumungad sa akin ang mukha ng lola ko na nakangiti habang hawak-hawak ang kanyang tungkod.








"Hindi mo ba siya papapasukin my dear grand daughter?" Kinilabutan ako bigla sa ngiti niya, para kasing tuwang-tuwa siya ng makita niya si Cold, siguro nagwapuhan din siya kay Cold, hindi ko siya masisi, kahit naman ako noon patay na patay sa mukha ni Cold, pero ngayon nasusuka na ako. (Weh?)




"No lola, uuwi na siya, hindi ba Cold?" Pinanlakihan ko ng mga mata si Cold pero umiling lang siya at nag pamulsa, aba't ang gago nagawa pang umiling, mukhang gusto pa niyang pumasok sa loob ng bahay.


"Come in Iho, dito ka na mag hapunan, nag luto ako ng masarap ngayon" nilagpasan ako ni Lola at lumapit kay Cold, agad siyang kumapit sa braso nito, gusto ko sana siyang pigilan baka mamaya sipain na lang siya bigla ni Cold iba pa naman ang lalaking ito, pero akala ko lang iyon.



Humawak din si Cold sa braso ni Lola at inalalayan pa itong mag lakad, sabay nila akong nilagpasan at pumasok sila sa loob, darn it! Akala ko naman makakapag pahinga na ako pero mukhang nag kakamali ako, hindi ko naman magawang paalisin si Cold dahil magagalit sa akin si Lola, masama pa naman siyang galitin.




Sa huli ay wala na din akong nagawa, umirap na lang ako at padabog na sinara ang pinto pagkatapos ay sumunod na sa kanilang dalawa.





Agad kong naabutan si Cold na naka upo sa dining chair habang masaya siyang pinag sisilbihan ni lola, agad akong lumapit sa matanda at tinulungan siya sa kanyang ginagawa.





HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon