42

2.5K 51 30
                                    

From: Jaysee Alcazar

I'm here na, take care!

Napabuntong hininga ako nang makita ko ang message ni Jaysee. Siya yung lalakeng kateam mate ni Cold kanina. Wala talaga akong balak na sumipot sa dinner na inaalok niya kaya lamang ay nakulitan ako sa kanya. Kinukulit niya ako na bayad daw niya iyon sa gatorade na ibinigay ko sa kanya. Hindi ko naman masabi na hindi talaga iyon para sa kanya kung hindi kay Cold. Hindi yata kakayanin ng Pride ko iyon.

Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok ng restaurant na sinasabi ni Jaysee. Pagpasok ko pa lang ay pinag tinginan agad ako ng iba. Yung iba naman ay mukhang walang pakialam sa akin at patuloy lang sa kanilang kinakain at yung iba ay hinahagod ng tingin ang kabuoan ko. Naka suot ako ng backless dress. Halos buong likod ko ay nakikita pero sanay na ako sa mga ganitong damit kaya hindi ako na ako naiilang.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin si Jaysee. Nakita ko naman kaagad ang pamilyar niyang mukha na nakatingin sa akin habang kumakaway. Hindi ako kumaway sa kanya pabalik sa halip ay lumakad na lang ako patungo sa pwesto niya.

“Hi!” bati kaagad niya agad sa akin. He seems friendly naalala ko sa kanya si Kiro kaya naman hindi ako nakakaramdam ng pagkailang sa kanya. Tumayo siya at pagkatapos ay lumapit sa akin. Nagulat ako nang halikan niya ako sa cheeks at pagkatapos ay inalalayan ako maupo.

“You look gorgeous in that dress! ”  natigilan ako nang maalala ko bigla si Cold dahil sa sinabi niya. Damn! Bakit ko ba naalala ang isang iyon. Kahit kailan talaga ang epal niya.

“Thank you Jaysee. ” tumango lang siya at ngumiti pagkatapos ay sinenyasan niya ang waiter na agad namang lumapit sa pwesto namin. May ibinulong si Jaysee doon na hindi ko naman narinig at wala na akong balak na alamin pa dahil mukhang tungkol iyon sa pagkain. Mukhang hindi naman ako nagkamali dahil mabilis na umalis ang waiter.

“Pasensya ka na hindi ko na natanong kung anong gusto mo nag order na kaagad ako kanina para hindi ka mag hintay, are you hungry? ” umiling ako sa kanya kahit sa totoo lang ay gutom na ako. Huli kong kain ay kanina pa sa School pagkatapos ay nag ayos kaagad ako ng aking sarili nang makauwi ako.

“Its okay Jaysee, mukhang masarap naman ang pagkain dito.” ngumiti ako sa kanya na kaagad naman niyang sinuklian ng ngiti. Saglit akong napatanga sa mukha niya ang gwapo pala talaga niya. Siguro madami din ang nagkakagusto sa isang ito. Sayang lang at hindi ko type ang mga morenong kagaya niya.

“You're right Sab. Masarap nga ang pagkain dito. This restaurant is one of my favorites. ” saad niya pa habang kumikislap ang mga mata. Nahawa tuloy ako sa pagiging masiyahin niya. Pakiramdam ko kasi napapangiti din ako kapag ngumingiti siya. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko pag dating sa kanya.

Madami pa kaming napag usapang dalawa habang iniintay yung inorder niya. Nalaman ko na mas matanda pala siya sa akin ng isang taon at ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa at matagal na niyang hindi nakikita. Naalala ko tuloy ang daddy ko na matagal na akong iniwan simula nung iniwan siya ni mommy. Bata pa ako non. I think I was just 4 years old that time. Wala akong masyadong matandaan na naging kasama ko sila. Siguro dahil bata pa ako kahit nga mga mukha nila ay hindi ko na din maalala. Okay lang din naman 'yon sa akin dahil matagal ko na silang binaon sa limot. Okay na ako ngayon kay Lola at wala na akong balak pa na hanapin ang mga magulang ko.

“Okay ka lang? ” mukhang napansin ni Jaysee ang pag iiba ko ng mood. Huminto ako sa pag nguya pagkatapos ay tumango sa kanya at pilit na ngumiti. Siguro nga dahil apektado pa din ako kapag naaalala ko yung mga magulang ko na umabandona sa akin at piniling bumuo ng kanilang pamilya.

“Okay lang ako. The food is great. ” at hindi ako nag sisinungaling doon. Totoong nagustuhan ko nga ang pagkain pero wala lang talaga ako sa mood ngayon.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon