“Watch me and cheer for me”
“Watch me and cheer for me”
“Watch me and cheer for me--”
Arrghhh! Darn it! Ibinato ko ang unan ko sa sobrang inis at padabog na umupo sa aking kama, bwiset! Dahil sa sinabing iyon ni Cold hindi na naman ako makatulog ng maayos, nagkaroon tuloy ako ng eye bags at ang panget tingnan sa mukha ko dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata ko, akala ko pa naman makakabawi na ako ng tulog mula noong isang gabi pero nagkakamali ako, mas lalo lang akong hindi nakatulog.
Sino ba si cold para utusan ako? Bakit ko naman siya papanoodin sa kanyang laro at talagang inutusan pa niya akong i-cheer siya. What a jerk.
Ano siya batas? Yung batas nga hindi ko sinusunod siya pa kayang peste sa buhay ko?
Wala tuloy akong ibang nagawa kung hindi ang umalis sa kama at tsaka maligo, gusto ko sanang mag abcent ngayon at mag hapon na tumambay at matulog sa kama ko kaso paniguradong mapapagalitan ako ng lola ko, ayaw pa naman niyang umaabcent ako.
“Apo! Bilisan mo, Uno is here!" Dinig kong sigaw ni Lola mula sa ibaba, nataranta ako ng marinig ko ang pangalan ni Uno, hindi ko inaasahan na kahit nagawa na niyang umamin ay may lakas pa din siya ng loob para sunduin ako, kasi minsan diba kapag umamin ang lalaki maiilang na sila ganon din ang babae, naiilang na din ako kaso kailangan kong ipag patuloy ang buhay, wala akong mapapala sa pag-iwas sa kanya lalo pa at ginusto ko namang malaman kung may gusto talaga siya sa akin.
Papasok na sana ako sa banyo ng mahagip ng mga mata ko ang bolang nakakalat sa kwarto ko, matapos sabihin ni Cold na pumunta ako sa nalalapit niyang game ibinigay na din niya sa akin ang bolang ginamit niya, hindi ko nga alam kung anong trip niya pero ang sabi niya sa akin na lang daw iyon, as if naman mag lalaro ako ng basketball, hinding-hindi na ako mag lalaro ng larong iyon.
Sinipa ko na lang ang bola at gumulong iyon sa ilalim ng kama, hindi na ako nag abala pang silipin ang bola dahil mas mabuti pang hindi ko na makita iyon kahit kailan. Nag kibit balikat na lang ako at pagkatapos ay nag tungo sa C.R upang maligo.
“Sorry, I kept you waiting” pag hingi ko ng paumanhin kay Uno matapos kong makababa mula sa aking kwarto, busy siya sa kanyang cellphone pero nang marinig niya ang boses ko ay agad niya itong itinago sa kanyang bulsa at ngumiti sa akin pagkatapos ay tumayo.
Lumapit siya sa akin at inagaw ang bag ko mula sa aking kamay, hindi na lang ako nag reklamo dahil ayaw ko siyang mapahiya kaya naman hinayaan ko na lang siya.
“It's okay Sabriana, hindi naman ako nainip” nakangiti pa din niyang sabi kaya naman ngumiti na din ako at tsaka ako lumabas ng bahay, naramdaman ko ang kanyang pag sunod pero hindi ko na siya nilingon pa, Gosh! What to do?! Akala ko expert na ako pag dating sa mga ganito dahil madami na din akong naka fling pero parang bigla akong nahiya, hindi ko alam kung saan ba ako mag sisimula, piste kasi!
Parang bigla akong nagkaroon ng hiya sa sarili ko.
Ang hirap naman kasing i-flirt ni Uno dahil unang-una dati kaming magkaibigan at halos kapatid na ang turing ko sa kanya, ngayon sabihin nyo nga sa akin kung paano ko siya lalandiin.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ni Uno ngunit naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko kaya muli ko siyang nilingon, nakangiti pa din. Umagang-umaga parang ang saya saya niya.
“Bakit?" Nakakunot noo kong tanong, tumawa siya ng mahina at hindi ako sinagot bagkos ay binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at inalalayan niya akong umupo. Sana lahat ng lalaki ganito ka-gentleman kagaya niya pero sigurado akong nagkakaubusan na ang lalaking kagaya ni Uno.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Teen FictionMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...