10

4.2K 104 3
                                    

SABRIANA'S POV

"Sabby, wait!" tuloy-tuloy ako sa pag lalakad at nag kunwaring hindi ko naririnig si Uno mula sa likod ko, kanina pa niya ako hinahabol at tinatawag sa nakakadiring pangalan, Who the fvck is Sabby? My fvcking name is Sabriana, nakakainis ha?

Hindi ko siya nilingon sa halip ay binilisan ko pa ang pag lakad ko, lakad takbo ang ginagawa ko para hindi niya ako maabutan, people are looking at us, siguro nag tataka sila kung bakit ako hinahabol ni Uno.

I'm not mad at Uno, kaya lang maging siya ay kinalimutan ko na, dahil kung talagang gusto kong maka move on ay kailangan ko malimutan ang lahat ng taong may connection sa nakaraan ko, kapag naiisip ko kasi ang kawawa kong nakaraan ay nandidiri ako and worst binabangungot ako sa gabi.

Nakakainis ang taas pa naman ng suot kong heels, sino ba itong gaga na nag susuot ng ganito kataas na heels, edi ako! Malay ko bang dito ko pa sila makikita, hanggang ngayon pala hindi pa din sila mapaghiwalay na apat.

"Sabby, wait up." kainis kailan ba niya ako tatantanan? Gusto ko sana siyang sigawan at magalit sa kanya pero hindi ko magawa, actually noong nakita ko siya kanina ang saya-saya ko, namiss ko ang dati kong best friend pero hindi nila dapat malaman na ako yung babaeng palagi nilang inaapi dati, masisira ang plano ko kapag nagkataon.

Anong plano ko? Simple lang.

Gusto kong masira ang pagkakaibigan nilang apat, I know dapat hindi ko dinadamay si Uno sa galit ko pero ayaw ko naman na hindi ako makaganti sa tatlo, kaya humanda silang lahat.

"Sabriana." dahil sa lalim ng iniisip ko, nakalimutan kong hinahabol ako ni Uno, naabutan tuloy niya ako at nahawakan sa braso ko, ayaw ko sana siyang lingonin pero wala na akong choice kung hindi ang lumingon sa kanya.

Nang tingnan ko siya ay malapad ang ngiti niya na parang tuwang-tuwa dahil naabutan niya ako, inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at tinaasan siya ng kilay.

"What now?" napawi ang ngiti niya dahil sa tono ng pananalita ko, natahimik din siya at matagal niya akong tinitigan sa mga mata ko, ayaw ko sanang makipag titigan sa kanya pero ayaw ko din mag patalo kaya nilabanan ko siya ng titigan, siya ang unang sumuko.

"I-I thought y-your Sabby." tumamlay ang kanyang mukha at pagkatapos ay tsaka niya ako tinalikudan, may kung anong tumusok sa dibdib ko, may part sa akin na gusto kong sabihin na tama siya, na ako nga yung kaibigan niya dati pero hindi pwede, hindi ako pwedeng mag pakita ng kahinaan sa kahit na sino miski si Uno pa siya.

Akala ko tuluyan na siyang aalis sa harapan ko pero muli siyang humarap sa akin, seryoso na ang mga mata niya, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso, noong mga bata kasi kami ay masiyahin siya at mapang-asar.

"Magkamukha kasi kayo, akala ko ikaw si Sabby, pasensya ka na ha? I just miss her." muli siyang ngumiti pero alam kong peke 'yon, dahan-dahan siyang tumalikod at lumayo papalayo sa akin, ewan ko ba pero bigla akong nanghina sa kanyang sinabi.

Parang bigla na lang akong bumalik sa pagiging ako dati, isang mahinang babae.

Geez, bakit ba ako nag kakaganito? Hindi ako nag punta sa ibang bansa at nag stay doon ng limang taon para lang bumalik sa dati kong pagkatao, yuck! No way!

Muli kong inayos ang tindig ko at pagkatapos ay inirapan ang mga babaeng nakatingin sa akin, kanina pa nila ako pinag uusapan pero hindi ko lang sila pinapansin, kesyo baka daw retokada ako, haler! Palibhasa mukha silang aso, gusto ko sana silang patulan kaso next time na lang kapag nasa mood na ako.





"Dude? Bakit ganyan itsura mo? Daig mo pa ang pinag sakluban ng langit at lupa" ani Kiro habang hawak-hawak ang isang gitara, kasalukuyan niya itong itinotono.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon