SABRIANA'S POV
"Oo nga pala Trix naalala ko, malapit na ang birthday mo dude, what's your plan?" Kasalukuyan kaming kumakain ng Lunch dito sa Cafeteria, kanina pa nga sila nag uusap habang ako ay tahimik lang na kumakain at nakikinig sa kanila, I felt awkward so I just focused on my food, paminsan-minsan ay sumasabat ako pero kapag tinatanong lang nila ako, siguro nahihiya silang kausapin ako, kapag kasi kumakain kami ng Lunch tanging si Kiro lang at Trix ang kumakausap sa akin pero si Kiro parang nawalan ng dila dahil kanina pa siya hindi nag sasalita, samantalang si Cold naman ay busy din sa kanyang pagkain habang nag lalaro sa kanyang cellphone, suot-suot ang kanyang headphones mukhang ayaw mag paistorbo.
Si Uno at Trix lang ang maingay sa mesa, nag uusap sila about sa basketball kanina pero ngayon naitanong niya bigla si Trix about his birthday.
Tanda ko yung birthday ni Trix noon, invited kaming lahat ng mga kaklase namin at ginawa iyon sa bahay nina Trix, iyon ang isa sa mga alaalang pilit kong kinakalimutan pero dahil na open ni Uno ang topic about sa birthday ni Trix, bigla ko na lang naalala.
FLASHBACK
"May regalo ka na kay Trix?" Tanong ni Uno habang patungo kami sa bahay ni Trix, doon kasi gaganapin ang birthday niya since malaki naman ang bahay niya at pool party ang theme ng kanyang party, hindi na ako nag abalang maligo kasi maliligo din naman kami pag dating doon, simpling shirt at short lang ang isinuot ko, tutal malapit lang din naman ang bahay ni Trix sa bahay namin, halos mag kapit bahay lang ang subdivision namin.
"Kailangan pa ba non? Ang yaman-yaman naman niya, nasa kanya na ang lahat" sabi ko na lang kay Uno, hindi naman talaga ako nag abalang bumili ng regalo kay Trix dahil wala akong maisip, halos lahat yata ng bagay ay nasa kanya na. Tinawanan lang ako ni Uno at bahagyang pinisil ang ilong ko.
Babatukan ko sana siya pero napansin kong nasa harapan na pala kami ng bahay nina Trix, dinig dito mula sa labas ang malakas na music at hiyawan ng mga kaklase namin, bukas din ang gate nila kaya hindi na kami nag abala pang mag doorbell, pumasok kami ni Uno sa loob habang sumalubong naman si Trix sa amin, mukhang iniintay niya si Uno, as usual mag kaakbay na naman sila ni Kiro, nasa likod nilang dalawa si Cold na busy makinig ng music sa kanyang headphones, bigla tuloy akong nahiya, grabe ang gwapo talaga niya lalo na kapag hindi siya nakasuot ng uniform, ang ganda niya kasi pumorma.
"Why are you late dude? Kanina pa kami nag paparty" nakipag fist bump si Trix kay Uno pero maya-maya ay napadako ang tingin ni Trix sa akin, matagal niya akong tinitigan sa mukha maya-maya ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, nakita ko kung paano siya napangiwi kaya napatungo ako.
"Ano ba sa akala mo ang pupuntahan mo? This is a party Sabby, baka nakakalimutan mo, hindi ka man lang nag ayos, anong sasabihin ni Mommy? Nag invite ako ng mukhang pulubi?" parehas na tumawa si Kiro at Trix samantalang natigilan naman si Cold sa kanyang ginagawa ng marinig niya ang tawa ng dalawa, tiningnan din niya ako from head to toe pag katapos ay tumalim ang tingin niya sa akin at napailing, okay lang sana kung si Trix lang ang gumawa noon sa akin pero bigla akong nahiya ng si Cold na ang tumingin sa akin ng ganon.
Napakapit ako sa damit ko ng mahigpit at kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag patak ng luha ko.
"Mga gago! Ang cute niya kaya! Tara na nga sa loob, excited na akong mag swimming" awat ni Uno sa kanila pagkatapos ay hinigit na ako papunta sa pinanggalingan ng ingay, mukhang kabisado na niya ang bahay ni Trix, sa bagay palagi naman siyang nakatambay dito, hindi na ako nag taka.
"Akala ko ba mahigpit ang security dito? Bakit may pulubing nakapasok?" Nag tawanan ang grupo ni Nicole nang makita nila ako, napahawak ako sa braso ni Uno, hindi para inisin siya kung hindi para makakuha ng lakas mula sa kanya, narinig din niya ang sinabi ni Nicole kaya tinapik niya ang ulo ko na parang sinasabi niyang ayos lang, huwag akong mag alala dahil kasama ko siya.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Novela JuvenilMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...