40

3K 78 1
                                    

"Did you enjoy the ride Sabriana?" habol-habol ko ang aking hininga. Hindi ko magawang sagutin ang tanong ni Uno dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. D-mn pakiramdam ko'y bumaliktad ang aking sikmura. I honestly want to f-cking throw up right now.

"She needs water f-cktard!" inabot ni Cold ang tubig sa akin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon dahil hindi ko naman napansin ang pag alis niya. Masyado kasi akong abala sa aking sarili. Agad kong inabot ang tubig at ininom iyon. Kahit papaano ay nabawasan ang aking pagkahilo at ngayon lang ako nataranta nang maisip ko kung ano na ba ang itsura ko ngayon. Itinapon ko ang bote sa nakita kong basurahan at pagkatapos ay inayos ang nagulo kong buhok.

"Don't worry. You're still gorgeous." lumapit si Cold sa akin at inangat ang mukha ko sa pamamagitan nang pag hawak niya sa chin ko. Pinahid niya ang pawis na namuo sa aking noo gamit ang kanyang kamay at pagkatapos ay inayos niya ang nagulo kong buhok. Hindi ako makagalaw. Tila ba naging isang bato na lamang ako habang nakatitig sa bawat galaw niya.

Geez! What is he doing at me? Bakit ganito siya kung kumilos ngayon. Tumatapang na ba siya o talagang pinapakita niya sa amin na gusto na talaga niya ako?

"Ang ganda mo." ngumiti siya ng matamis. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganon. Hindi ko mapigilan ang mamangha sa nasilayan ko. Mas lalo yata akong nanigas at napatunganga dahil sa ngiti niyang iyon. Bakit? Bakit siya ganito ka-gwapo ngumiti?

Iniwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko'y namumula na ang aking pisngi. Hindi niya dapat mahalatang kinikilig--wait what? Ako kinikilig? No way!

"Pwede ba doon naman tayo sa mabagal?" pag iiba ko ng usapan. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid upang humanap ng maari naming sakyan. Iyon bang mabagal lang ang takbo at hindi nakakahilo.

"Doon naman tayo." itinuro ko ang rides na gusto ko. Swan iyon at kailangan mong pumedal upang umandar iyon sa tubig. Mukhang maganda doon. Hindi ko pa din nararanasan ang sumakay doon.

"Seriously? Ang boring doon--"

"Good idea Sabriana! doon din ang gusto ko e. Tayo naman ang mag tabi?" pinutol ni Trix ang sinasabi ni Kiro. Mabuti na lang at doon din niya gustong sumakay dahil kung hindi ay baka sa nakakatakot na rides na naman kami sumakay.

"Sure Trixie!" lumapad ang aking ngiti. Na-excite ako sumakay. It would be fun for sure and memorable for me. Humawak ako sa braso ni Trix na kanyang ikinagulat. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko dahil natigil siya saglit at napakurap pero maya-maya ay ngumiti siyang muli at sinimulan nang maglakad ganon din ako. Nakasunod lang sa amin ang tatlo at nararamdaman ko ang masasama nilang titig mula sa aking likod. Hindi ko alam kung saan sila nagagalit. Doon ba sa rides na pinili ko o doon sa pag hawak ko kay Trix?

Muli kaming pumila sa rides na sasakyan namin. Wala masyadong nakapila siguro dahil masyadong boring ang rides na ito. Karamihan na pumila ay mag couple. Siguro kung may makakakita samin ni Trix pagkakamalan din kaming couple.

"Bakit dito? Pwede ba ang tatlo dyan?" muling reklamo ni Kiro. Kelan ba mauubusan ng reklamo ang isang ito. Tumingin ako sa kanila at saglit na napag tanto na oo nga tatlo sila. Siguro naman kasya sila doon sa isang swan? Kaso ang lalaking tao nila e.

"Edi wag ka ng sumakay." pambabara naman ni Trixie sabay tawa ng malakas. Umamba lang si Kiro sa kanya ng suntok pero hindi din natuloy sa halip ay inirapan na lang niya si Trix na ngayon ay hindi pa din tumitigil sa kakatawa niya nahawa tuloy ako sa kanya at napangiti.

Kung pagmamasdan mo sila talagang matutuwa ka dahil sa pag kakaibigan na meron sila. Ang tibay din nila. Simula pagkabata sila-sila na lagi ang magkakasama. Walang makapag hiwalay sa kanila noon pero sad to say meron na ngayon at ako iyon. Hindi sana aabot sa ganito kung tinrato lang nila ako dati ng tama. Hindi sana ako aabot sa ganito kung hindi nila ako binully noon at ginawang katatawanan. Hindi na nga ako makapag hintay na mawasak ang nabuong samahan nila. Nang dahil sa kanila wala akong naging kaibigan maliban na lang kay Uno at kay Mel. Takot kasi ang lahat sa kanila kaya naman walang lumalapit sa akin sa takot na baka madamay din sila. Sinira nila ang dapat na masayang child hood ko. Hindi lang simpleng trip ang ginawa nila sa akin kung hindi sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagkakaroon ng kaibigan at dahil iyon sa trauma na idinulot nilang lahat. Mga walang hiya sila.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon