45

934 14 0
                                    

Mabilis akong nakarating sa hospital kung saan sinugod ang lola ko. Lakad takbo ang ginawa ko para lang matunton ang kinaroroonan niya. Namamawis na ang noo ko pero wala na akong panahon para punasan pa iyon. Narinig ko pa ang pag sita ng Nurse sa akin dahil bawal tumakbo sa hallway pero hindi ko na siya pinakinggan pa.

Ang kaninang bilis ng tibok ng puso ko ay mas dumoble pa nang makita ko si Manang Gina na nakatayo sa labas ng emergency room habang palakad lakad at katulad ko ay nag aalala din siya. Mag kadikit ang dalawang palad niya na tila nag dadasal dahil bumubulong bulong siya habang pabalik balik sa pwesto niya. Natigilan lang siya nang makita niya ako. Humahangos na nilapitan ko siya at ang kaninang luha na pinipigilan ko ay tuluyan nang bumagsak mula sa mga mata ko.

“M-manang tell me, anong nangyari sa lola ko?” nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan niya iyon. Parehas kaming nanlalamig at sa tingin ko'y parehas kaming natatakot sa kung ano man ang mangyari sa lola ko.

“I-iha kumalma ka lang h-ha? ” nanginginig ang boses niya habang pilit niya akong pinapakalma ngunit kahit siya ay hindi din makalma sa ngayon. Huminga ako nang malalim at pilit inalis sa isip ko ang masamang naiisip ko.

”What happened to her?” sinubukan kong maging stable ang boses ko at nag tagumpay naman ako. Tiningnan ko ang pinto ng emergency room. Nakasara iyon ngunit may maliit na bintana doon at nakikita ko kung anong nangyayari sa loob pero hindi ko makita ang lola ko dahil sa daming nakapalibot sa kanya.

“Bigla na lang siyang hinimatay, h-hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Diyos ko! sana naman ay ayos lang ang lola mo.” napakagat ako ng sarili kong labi. Nalasahan ko ang dugo mula doon dahil sa sobrang pag kagat ko dito. Nanginginig pa din ako at natatakot pa din ako pero itinigil ko ang pag iyak ko dahil alam kong walang magagawa kung iiyak lang ako dito sa labas. I need to be strong. Kailangan ako ng lola ko. Hindi pwedeng maging mahina ako dahil alam kong mag aalala lang siya sa akin at baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon niya kapag nakita niyang nag kakaganito ako.

Iniwas ko ang tingin ko sa pinto at umupo na lang ayaw kong makita ang mga ginagawa ng mga tao sa loob. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko. Pinilit ko na lang kalmahin ang puso ko na ngayon ay mabilis pa din ang pag tibok.

Umupo din si Manang sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. Inilagay niya iyon sa binti niya habang hinihimas himas niya iyon na parang sinasabi niyang magiging ayos lang ang lahat.

“Mag dasal ka iha, ipag dasal mo na ayos lang ang lola mo. ” tumango ako sa kanya kahit na hindi ko alam kung paanong dasal ang gagawin ko dahil hindi naman ako nag dadasal. Matagal ko nang kinalimutan na may Panginoon dahil sa masasamang nangyayari sa buhay ko pero ngayon ang nagawa ko ay mapapikit na lang at taimtim na nag dasal sa kanya na sana ay ayos lang ang lola ko.

Lord sana ayos lang ang lola ko, huwag nyo po siyang pabayaan. Kailangan niya pang mabuhay, siya na lang ang meron ako at kung mawala siya hindi ko alam kung anong gagawin ko.'

Hindi ako sigurado kung pinapakinggan niya ang dasal ko pero sana oo. Alam kong makapal ang mukha ko dahil matagal ko na siyang kinalimutan at ngayon ay nag dadasal ako sa kanya. Pero anong magagawa ko? Siya na lang ang pag asa ko at sana marinig niya ang panalangin ko.

Matagal nang may sakit ang lola ko. She always had headaches for unknown reasons, so when she finally went for a check up, she found out that she had a serious illnes.

Itinago niya iyon sa akin nang matagal, but I eventually found out when I saw the medications she was taking. Sinabi lang niya ang sakit niya sa akin nang malaman niyang may taning na ang kanyang buhay. That is why she requested that we need to comeback to the Philipines because she wants to spend her remaining time here.

HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon