Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kaiiyak. Nagising lang ako dahil pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin. Naririnig ko din kasi ang bulungan nila na parang nag tatalo pa. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Madilim na sa loob ng kwarto dahil gabi na sa labas. Tanging ilaw na lang ng lamp shade ang nag bibigay liwanag sa kwartong ito.
Kinusot ko ang mga mata ko at dahan dahang bumangon sa sofa kung saan ako nakahiga.
“Ayan nagising tuloy siya, ingay nyo kasi e! ” si Kiro iyon parang nang gigigil pa ang pag kakasabi niya. Tiningnan ko sila isa isa at saka ko lang narealize na kompleto sila at naka palibot sila sa akin na parang ako ang pasyente.
“Anong... bakit kayo nandito?” tanong ko kaagad sa kanila nang mawala na ng tuluyan ang pagkaantok. Nag tinginan silang apat pagkatapos ay nag kibit balikat.
“Sasamahan ka namin mag bantay sa lola mo, mas matutuwa siya kapag nakita niya ang gwapo kong mukha kapag nagising siya.” sino pa ba ang mag sasabi ng lingyang iyon kung hindi si Kiro. Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo na mula sa sofa. Lumapit ako sa hospital bed. Ganon pa din walang pinag bago. Nakapikit pa din ang mga mata ni lola at madami ang nakakabit sa kanya.
Umupo ako sa upuan at hinawakan ang kamay niya. Dinala ko iyon sa mukha ko pagkatapos hinaplos ko ang kamay niya.
“Lola gising na please.” mahina kong bigkas. Alam kong pinapanood ng apat ang kilos ko ngayon. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok lahat dito. Sa pag kakaalam ko iisang tao lang ang pwedeng mag bantay sa pasyente. Kung paano nila iyon ginawa hindi ko alam at wala na akong balak pang alamin.
“Sorry to disturb you Sab, but you need to eat first. Gabi na baka malipasan ka ng gutom.” hindi ko nilingon si Uno, nanatili lang akong nakatingin kay Lola habang nasa pisngi ko pa din ang malambot at kulubot niyang kamay.
“Tama si Uno, kailangan mong kumain baka manghina ka. Sasamahan kita. ” si Trix naman ang nag salita. How funny na lahat sila ay nag aalala sa akin ngayon. Parang dati lang wala silang pakialam kung anong nararamdaman ko. Sa bagay iba naman ang sitwasyon noon at ngayon. Panget ako noon e at maganda na ako ngayon isa lang ang ibig sabihin. Mas pinapahalagahan ng mga tao ngayon ang mga taong magaganda. Kapag panget ka hindi ka kakaawaan at bibigyan ng respeto. Ituturing ka nilang basura. Iyon ang natutunan ko sa kanilang mag kakaibigan.
“Pwede bang umuwi na kayo at iwan nyo na ako? ” inis kong sabi sa kanila, konti na lang. Konting konti na lang ay malapit ng sumabog ang inipon kong galit mula sa kanila.
“Hindi kami aalis.” hindi na napigilan ni Cold ang kanyang dila at sumabat na siya. Narinig ko ang yabag ng mga paa niya at sa tingin ko ay papalapit siya ngayon sa akin. Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. Ewan ko ba pero muli akong nakaramdam ng pang hihina. Bakit ba?
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kapag tungkol sa kanya? Sigurado naman ako na wala na akong ibang nararamdaman sa kanya kung hindi ang galit.
“Sige na kumain ka na, sasamahan kita sa Cafeteria” umiling ako at tinanggal ang kamay niya. Hindi ko pa din siya nililingon ayaw kong makita siya dahil naaalala ko kung paano at kung gaano kalakas ang pag iyak ko kanina. Bakit sa kanya pa? Bakit sa lahat ng tao sa kanya pa ako umiyak at nag labas ng sama ng loob? Nababaliw na yata ako e.
“Hindi ako gutom—” hindi na natapos ang sinasabi ko dahil tumunog bigla ang tiyan ko. Natigilan kaming lahat, tumahimik ang paligid kaya naman napakagat ako ng labi ko dahil sa inis. Pahamak na tiyan ito.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumayo at pumihit papaharap sa kanilang apat.
“Si Uno ang gusto kong kasama, ” iyon lang at nag lakad na ako papuntang pinto. Narinig ko ang pag sunod sa akin ni Uno. Alam kong siya yon kahit hindi ako lumingon dahil kabisado ko ang yabag ng paa niya.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Novela JuvenilMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...