"Why are you here, Cold?" mataray na tanong ni Nicole hawak-hawak nito ang isang baso na may laman na alak. Nasa bar na naman kasi ito kaya muli siyang sinundan ni Cold.Knowing Cold, hindi niya basta-basta papakawalan ang babaeng gusto niya, nag aalala siya kay Nicole dahil alam niya ang maaring mangyari sa dalaga kapag pinabayaan niya itong mag isang umiinom sa bar.
"I told you, I'm done with you" naiiritang sabi ni Nicole pagkatapos ay muling sumimsim sa alak nito, hindi sumagot si Cold at sa halip ay iniwas na lang ang kanyang tingin, napadako ang kanyang tingin sa dance floor, mukhang nagkakasiyahan ang mga ito lalo na at may magandang babaeng nag sasayaw doon.
Sexy ang babae at maputi, tinitigan niya iyon ng mabuti, medyo madilim kasi sa bar na iyon dahil tanging disco light lang ang nag sisilbing liwanag sa lugar na iyon.
Nang tinitigan ni Cold ng mabuti ang babae ay agad niya itong namukhaan, kilalang-kilala niya ang tindig ng babae at ang style ng buhok nito. Nakaramdam siya ng inis ng makita niya ang makinis na likod ng babae, kinulang kasi iyon sa tela at mukhang hindi din ito nakakaramdam ng panlalamig.
"What is she doing here?" naka-kunot noong tanong niya, hindi niya napansin na kanina pa pala siya tinitingnan ni Nicole na mukhang nag tataka sa kanyang sinabi, pero hindi pa din ito pinansin ni Cold, pinapanood niya ang bawat galaw ni Sabriana at ang kasayaw nito.
Mukhang nag eenjoy ang dalaga sa ginagawa ng lalaki sa kanya kaya naman nakaramdam pa ng inis si Cold, hindi niya mawari kung bakit niya 'yon nararamdaman basta ang alam niya lang ay nag iinit ang kanyang ulo dahil nakalapat ang kamay ng lalaking iyon sa pang-upo ni Sabriana.
Dahil hindi niya natiis ang inis na kanyang nararamdaman ay tumayo siya mula sa kanyang kunauupuan, narinig pa niya ang pag tawag sa kanya ni Nicole pero hindi niya ito pinansin at nag tuloy-tuloy, tuluyan na niyang nakalimutan kung bakit siya nag punta sa bar na iyon.
"Okay guys, listen up! Kapag namatay ang ilaw kailangan ninyong humanap ng partner ninyo at halikan ito hanggang sa matapos ang music! Are you ready?" mas lalo pang nadagdagan ang inis ni Cold ng marinig niya ang sinabi ng DJ, sinamaan niya iyon ng tingin kahit na alam niyang hindi siya nito mapapansin kaya naman binilisan niya ang kanyang paglalakad.
Sa mga oras na ito ay nakaramdam siya ng pagkataranta, ewan ba niya pero ayaw niya itong makitang nakikipag halikan sa iba, naiinis siya lalo at nababadtrip, hindi nga niya maintindahan ang kanyang sarili, iyon ang unang beses na naramdaman niya ang ganong pakiramdam.
"Darn it! I'll punch that guy!" tumiim ang kanyang bagang ng makita niya si Sabriana na nag pupumiglas sa lalaking kasayaw nito, mukhang gusto nitong tumakas sa lalaki pero ayaw siya nitong pakawalan.
COLD'S POV
"Badtrip na Sabriana, bakit ba kasi nag pupupunta siya dito? Tss!" nakakabanas talaga ang babaeng iyon, hindi ko alam pero sobrang nababadtrip ako, mas nababadtrip pa ako ng makita ko siya dito sa bar kesa ng makita ko si Nicole na nakikipag inuman sa iba, ano ba itong sarili ko? Nakaka-loko, gulong-gulo ako.
Biglang namatay ang ilaw kaya naman natigilan ako, pesteng ilaw ito! Pati yung DJ peste din, next time bibilhin ko ang bar na ito para wala ng ganitong pakulo, puro sila kalokohan.
Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ni Sabriana, mabuti na lang at kabisado ko kung nasaan siya, kahit papaano naman ay may liwanag pa din dito sa loob ng bar kahit na nakapatay ang ilaw.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party" dinig kong sabi ng lalaking kasayaw ni Sabriana, the hell with that guy, mamaya lang ay mababasag ang kanyang mukha.

BINABASA MO ANG
HIDING BEAUTY
Novela JuvenilMadalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo sa tuwing ikay papasok sa School. Kinatatamadan niya din ang maligo kaya naman kahit may itinatago...