02

222 5 0
                                        

#SOA02

"Joyce!"

Kasalukuyan akong kumakain habang nag-aaral mag-isa dito sa open area ng paaralan namin nang bigla akong nakarinig ng may tumawag sa'kin galing likod. Lilingon palang sana ako pero bigla akong dinumog ng mga lalaki kong kaibigan.

"Oy, kamusta Joyce?" tanong ni Sebastian sabay kuha ng pagkain sa harap ko sabay upo sa ibabaw ng lamesa. Tumabi naman sa'kin si Tristan. Si Remy sa kaliwa ko habang si Xavier ay tumabi sa kanya

"Ano nanamang ginagawa niyo rito? Manggugulo nanaman kayo, kita niyong nag-aaral ako."

"Sungit naman. Hindi naman kami manggugulo."

"Oo bored lang kami kaya pasensiya na sa istorbo."

Tinignan ko sila isa isa. "Asan si Leon? Bakit hindi niyo kasama?"

Nagkatinginan lang silang apat sabay kibit balikat. "Absent ata. Kayo naman laging dalawa magkasama eh kaya akala namin kasama mo."

"Kaibigan niyo rin naman siya."

"Oo nga. Inuna ata yung pumasok sa trabaho," sagot ni Xavier

"Baka na-late lang ng gising. Alam mo naman yun, panay absent. Isa o dalawang beses lang ata pumapasok sa isang linggo."

"O kaya baka nakatambay sa comp shop!"

"May pang comp shop pa ba yun? Wala ngang pera."

"Matindi pangangailangan eh," si Tristan

"Alam niyo ba kung ano yung trabaho na yun?" tanong ko

Umiling sila bilang sagot. "Hindi niya sinasabi sa'min. May pagka-lihim din kasi yun."

Biglang tumawa ang dalawa. "Naku, baka nagbebenta na yun ng drugs!"

"Tang ina! Manahimik nga kayo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. "Anong drugs ka diyan?! Loko loko ka."

"Lahat naman gagawin natin para sa pera maslalo na kapag kailangan talaga," si Sebastian

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Ano bang nagawa mo?"

Ngumisi lang siya. "Wala, wala."

"Puro kayo kalokohan talaga. H'wag niyo na banggitin yung drugs at baka mapagkamalan pa kayo ng teachers natin," suway ko

Tinawanan lang nila ang sinabi ko.

Mga siraulo talaga.

Mga minor de edad katulad namin, may pagka-rebelde.

"Kanina nga si Remy sa banyo, nahuli kong nagjajakol," wika ni Xavier sabay turo sa kaibigan

Binatuhan naman siya ni Remy ng balat ng pagkain ko kanina. "Gago ka! Akala mo hindi malibog."

"Sa classroom nga, lakas ng loob niyong manood ng porn," singit ni Tristan. Nagulat nalang ako ng may ilabas na vape si Sebastian at mabilis iyong ginamit. Agad naman niya itong tinago bago pa mahuli

"Pre, tambay tayo maya sa comp shop o kaya sa court," yaya ni Xavier sa mga kaibigan

Tinakpan ko nalang ang tainga ko at pinilit na magbasa kahit na umaalingawngaw pa rin ang boses nila sa isip ko. "Manahimik nga kayo.."

Aaminin ko na mas marami akong kaibigang lalaki at mas malapit sila sa'kin. May pagka-tomboy ako kaya madalas puro kalalakihan ang kasama ko kung kaya't hindi maiiwasan ang ganitong usapan. May pagka-isip bata sila. Sanay na ako. Pakiramdam ko ay saulo ko na kung paano mag-isip ang isang lalaki. Alam ko kung paano sila basahin.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon