23

58 2 0
                                    

#SOA23

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Nagising lamang ako sa katok mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Nagmadali akong nagbihis at inayos ang istura ko. Binuksan ko ng konti ang pinto at nakita si Manang Mary Grace sa labas.

"Naku, pasensiya na po kung tinanghali ako ng gising. Hindi ko napansin ang oras kagabi. Nag-aral pa po ako at-"

Sinuklian niya ako ng isang ngiti. "Ayos lang hija. Pinapasabi sa'kin ni Sir Javier sa'yo na mag day off ka muna ngayon. Gusto ka rin daw niyang makausap."

Napakurap-kurap ako. "Po? Sige po. Mag-aayos po muna ako."

Tumango siya. "Kumain ka na rin pagkatapos. Naghihintay siya sa'yo," sabi niya at pagkatapos nun ay umalis na siya sa harapan ko

Sinarado ko na ang pinto ng kwarto. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa banyo para maligo. Nagbihis ako ng puting tshirt at itim na pants. Sinuklay ko ang basa kong buhok at hindi na iyon pinatuyo dahil matatagalan pa ako. Ayoko rin na paghintayin pa si Sir Javier. Mamaya ko nalang din aayusin ang gamit ko.

Pagkalabas ko ay napatingin sa'kin ang ibang mga katulong. Hindi iyon nagtagal at bumalik sa kani-kanilang trabaho. Dumiretso na ako sa dining area at nakita ko roon si Sir Javier na mag-isang kumakain.

"Magandang tanghali po," bati ko at tipid na ngumiti

Napahinto siya sabay inangat ang paningin sa'kin. Tumaas ang kilay niya. "Oh, Joyce. Goodmorning. Take a seat," sabi niya at tinuro ang upuan sa tapat niya

Pumunta ako sa tapat niyang upuan at umupo roon. Nakahanda na ang pagkain ko sa harap. Uminom muna ako ng isang baso ng tubig para mawala ang kaba ko. Hindi ko akalain na makakasama ko siyang kumain.

"Kamusta naman ang trabaho mo rito? Komportable ka naman ba?"

Tumingin ako sa kanya. "Maayos naman po. Mababait po ang mga tao rito at laking tulong din ni Manang Mary Grace. Siya ang gumabay sa'kin.  Nakakayanan ko po yung mga trabaho kahit mabigat. Sanay na rin po ako kaya walang problema sa'kin. Napagsasabay ko naman po siya sa pag-aaral ko."

"Mabuti kung gano'n. Ayaw ko rin naman bigyan ka ng masyadong mabigat na trabaho dahil nag-aaral ka pa at kailangan mo rin ng oras para sa pamilya mo. Importante din ang health mo."

Tumango ako at nagsimula na ring kumain. Simula noong nagtrabaho ako rito ay ngayon ko lang naranasan na makakin ng tatlong beses sa isang araw. Masusustansya ang mga kinakain ko at hindi ko akalain na lalakas din ang pag kain ko kaya mas ginanahan akong magtrabaho.

"Salamat po pala sa lahat ng naitulong niyo," sabi ko

Sinuklian niya ako ng isang ngiti. "Walang anuman. Maliit na bagay lang ito. Kung may hihilingin ka pa ay h'wag kang mahiyang magsabi. Handa akong tulungan ka."

Tipid akong ngumiti. "Bakit po pala mag-isa lang kayong kumakain?"

"My wife always leave early to go to work. She's more workaholic than me and strict when it comes to time. Halos hindi na rin iyon nagpapahinga. My eldest son, Abel, helps her in our business as well, local and international."

Mukhang mas mayaman pa pala sila sa iniisip ko dahil hindi lang sila galing sa pamilya na politika kundi may kanya kanya rin na business. Naisip ko kung business kaya ang kinuhang course ni Ismael. It's either maging katulad siya ng mama niya o papa niya. Naiimagine ko na agad ang busangot niyang mukha.

"How about my kids? Ismael and Isabel? How are they?" tanong niya at uminom ng tubig sa baso niya

"Mabait din po. Nakilala ko po si Isabel kahapon. Sweet po siya na tahimik na mahinhin. Si Ismael naman po, uh.." huminto ako at napaisip. Ayokong pagsalitaan ng masama ang anak niya kaya pinili kong hindi sabihin ang totoong nararamdaman ko. "Di po kami masyado nag-uusap."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon