14

76 1 0
                                        

#SOA14

"Kamusta na kaya si Beatrice, ano?"

"Hindi ko rin alam beh. Wala na akong balita sa kanya. Ilang linggo na rin siyang hindi napasok."

"Malamang e, buntis e. Paano siya papasok na kita yung malaki niyang tiyan. Sigurado akong ibubully siya dito."

"Ang tanong, sino ang nakabuntis sa kanya?"

"Hmm, e 'di jowa niya. Wala tayong alam na may jowa pala yun."

Iyan agad ang bungad na chismis ng mga kaklase ko pagkapasok ko sa paaralan. Number one topic nila si Beatrice. Hindi ako nakisali sa usapan nila bagamat binabagabag pa rin ako sa masamag balita nung nakaraang araw tungkol sa babaeng aktibista na namatay...o kaya pinatay.

Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno malapit sa tapat kung saan kami nag-flaflag ceremony. Pinanood ko ang mga estudyanteng sabay sabay na pumasok sa gate, pati na rin ang mga batang hinahatid ng magulang nila at mga estudyanteng bumababa sa service nila. Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan.

Wala pa ring tigil ang mga kaklase ko sa usapan nila tungkol kay Beatrice.

"Balita ko, suporta naman siya ng magulang niya. Legal naman daw sila."

"Baka imbitahan tayo sa binyag!"

"Papasok pa kaya yun?"

"Pagkatapos niyang manganak. Huminto na yun ngayon."

 Syempre ay may parte sa'kin na naawa para sa kanya dahil isang malaking responsibilidad ang dumating sa kanya nang hindi niya inaasahan---ang maging ina.Napapikit ako nang maalala ko nanaman ang ina ni Hannah.

Isa lang ang alam ko, mahirap mabuhay bilang babae.

Tumingala ako sa kalingitan. "Hannah. Alam kong nasa mabuting lugar ka na. Kasama mo na ang Diyos. Hindi man kita kilala ng personal pero maraming kabataan ang humahanga sa'yo, kabilang na ako do'n."

"Sinong kausap mo diyan?"

Napatingin ako sa harapan ko at nakitang nakatayo si Leon. Tumaas ang kilay niya sa pagtataka. 

"Oh, himala. Pumasok ka na. Akala ko sabi mo ay titigil-"

"Alam mo namang hindi pumayag si Auntie e. Sabi niya, palusot lang daw ako. Na tinatamad lang ako mag-aral. Baka maging tambay lang daw ako sa future kung hindi ako makakapagtapos," paliwanag niya sabay kamot sa ulo. "Basta, ang haba ng sermon niya."

Umupo siya pagkatapos sa tabi ko. Umusog ako ng konti para bigyan siya ng space. Ngumuso siya habang nakatingin sa harap. "Goodmorning pala," tipid siyang ngumiti

Ngumiti ako pabalik. "Goodmorning."

"So ayun nga, gusto ko naman talagang makapagtapos. Inaayos ko na nga ang buhay ko. Grabe lang yung pressure ni Auntie. Hindi pa ko natungtong ng kolehiyo niyan ah. Nag-iipon na nga ako e. Kailangan ko rin magtrabaho para mabuhay," dagdag niya. "Kaya araw-araw, pakiramdam ko hindi na ako nabubuhay, kundi kailangan kong maka-survive sa araw na ito. Maitawid at makaraos."

Hindi na ako namahayag ng opinyon ko dahil alam ko at alam niya na parehas kami ng nararamdaman. Magka-iba lang din ang paraan namin kung paano kami lalaban araw-araw para mabuhay at makatulong sa pamilya lalo't na may iba din kaming responsibilidad. Maaaring nawawalan na kami ng oras para sa sarili namin at maraming naisakripisyo pero eto lang ang tanging paraan para manatili kaming buhay. 

"Tama ka.."

Tinignan niya ako at tinapik sa balikat. "H'wag tayong mapang-hinaan ng loob. Gusto ko lang din i-open up ito sa'yo."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon