#SOA32
Dumaan ang Biyernes ay nagkaroon ng fiesta sa'min. Kagaya ng nakaugalian ay todo handa sila ng mga pagkain at palaro pero bukod do'n ay hindi namin inaasahan ang surpresa na tumambad sa'min.
"Boodle fight!" sigaw ng mga tao. Mas lumalakas ang palakapan at hiyawan nila. Kahit ako ay nakisabay na rin
Tumingin ako sa kung ano ang nasa harapan namin. Nasa labas kaming lahat at mahaba kaming nakahilera sa gitna. Sa harap namin ay ang napaka habang lamesa na may dahon ng sahig at ibabaw no'n ay iba't ibang klase ng pagkain. May kanin, sea foods, karne, mais, sawsawan na toyo, sariwang prutas at ang pinaka nakakatakam sa lahat ay ang...lechon.
"Before we start to eat, I would like to say happy fiesta to all! This is actually my first time doing this and I'm very excited to do this with all of you. Eventhough it's just been days since I moved here, I already felt your warm acceptance and love. Above all, I felt at home. I would never take this moment for granted. Maraming salamat po. To return my gratitude, sana magustuhan niyo itong hinanda kong boodle fight," anunsiyo ni Ismael sa tabi ko. May hawak pa siyang microphone na hinanda ng isa naming kapitbahay
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya, hindi mapigilan ang paghanga ko. Gano'n rin ang halos lahat sa'min. Talagang nakuha niya ang loob ng bawat isa sa maiksing panahon.
"Happy fiesta!" sabay sabay nilang sabi
"Maraming salamat din po Sir Ismael. Special po ang fiesta namin ngayong taon dahil sa inyo," komento ng isang matanda
"Totoo po. First time pong ganito karami ang kakainin namin. May handa pa kami mamaya," sabi ng katabi niya
"E 'di mas maganda dahil aabot ng isang linggo ang selebrasyon ng fiesta natin!" ngiting sabi ni Manong Elmer
"Inuman na rin mamaya hanggang madaling araw!" sabi ng tropa niya
Nagsitawanan silang lahat. Binalik ko ang tingin kay Ismael at hindi rin maalis ang ngiti sa labi niya, parang kinikilig pa sa mga papuri ng tao sa kanya.
"Let's eat everyone!" anunsyo niya at humiyaw
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Natakam na agad ako sa mga pagkain sa lamesa. Kanina pa kumukulo ang sikmura ko. Sa unang subo ko pa lang ng kanin na may inihaw na liempo ay paranng may fiesta na sa tiyan ko. Napapikit ako sa sarap. Sunod-sunod na ang pagsubo ko. Hindi na maawat. Kumuha ako ng hipon at sinawsaw iyon sa toyo. Kumuha din ako ng manok na parang manok sa mang inasal sa laki.
"Kung gusto niyo po ng tubig o juice, may water station po doon. May yelo din sa cooler," paalala ni Ismael
Tumango lang sila bilang sagot dahil busy lahat sa pag kain.
Tumingin ako sa kanya. Humanga ako lalo sa kanya dahil marunong na siyang magkamay. Malalaki na ang bawat subo niya at sunod-sunod din. Para na akong nabusog habang pinapanood siyang enjoy na kumakain. Nginitian din niya tuwing may nagpapasalamat sa kanya.
Ilang sandali ay tumingin din siya sa'kin. "What?" aniya habang ngumunguya
Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Na kumakain ng naka kamay. Na nakasuot ng simpleng damit kagaya namin. Na makihalubilo katulad namin. Pati paraan ng pagsalita namin ay nakuha niya. Nagmukha siyang katulad namin. Parang ibang tao na ang nakikita ko, hindi Ismael na galing sa mayaman na pamilya na anak ng isang politiko.
Tumaas ang kilay niya. "May dumi ba sa mukha ko?" sabi niya sabay punas sa pisngi niya
Lumapit ako sa kanya at inalis ang kaunting sauce sa gilid ng labi niya pero imbis na matanggal ay kumalat din iyon dahil madumi rin pala ang kamay ko. Tinawanan ko nalang. Naweirduhan siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficção GeralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
