27

91 1 0
                                        

#SOA27

"Leon. Kumain ka na," sabi ko sabay abot ng pagkain sa kanya

Hindi niya ako pinansin. Tulala lang siyang nakatingin sa sahig.

"Kailangan mong magpalakas. Makakalabas na rin tayo dito."

Sabi sa'min kanina ay maari kaming manatili dito hanggang kailan namin gusto. Sabi din sa balita ay nakaalis na ang bagyo. Nagpalipas muna kami ng ilang araw para masiguro na maayos na ang panahon Unti-unti ng bumaba ang baha at tumila na rin ang ulan. Hangga't maari ay gusto ko ng bumalik sa'min para alamin ang sitwasyon ng bahay namin.

"May babalikan pa ba ako? May uuwian pa ba tayo?" malumanay ang boses niya

Bumuntong hininga ako. "Andito pa rin kami. Kasama mo kami."

"Hindi ko alam kung sino at nasaan ang mga magulang ko. Mula pagkabata hanggang ngayon ay siya ang nag-aruga sa'kin. Hindi ko kaya na pati siya ay mawawala rin."

"Alam ko pero sa ngayon ay wala tayong magagawa kundi maghintay. Manalangin lang tayo."

Kinuha niya na ang pagkain sa'kin at nagsimulang kumain. Tumingin ako sa paligid. Unti-unti ng nababawasan ang mga tao. Nagsimulang magkita ang ibang mga magkakamag-anak. Bumuhos ang luha sa mata nila pagkakita sa isa't isa. Binalik ko ang paningin kay Leon na tahimik sa tabi ko. Halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya.

Tumayo ako at nilapitan ang isa sa mga naka-unipormadong lalaki na nagbabantay sa'min. 

"Uh, excuse me po."

Humarap siya sa'kin. "Yes ma'am?"

"Tatanong ko lang po sana kung may balita na po kayo sa mga ibang nasalanta ng bagyo. May mga ibang na-resuce po ba kayo? O kami nalang ang mga...natira." Nahirapan akong sabihin ang huling mga salita, parang may bumara sa lalamunan ko

"Ginagawa po namin ang makakaya namin na ma-rescue ang lahat. Kalakuyan pa po kaming naghahanap pero mahirap dahil puro mga bahay, puno, at wasak na mga gamit ang nasa paligid. May mga katawan kaming nahanap at naisugod sa ospital pero...may ilan na patay na."

Pinisil pisil ko ang mga daliri ko sa kamay sa nerbyos. "Maaari ba naming malaman kung sino sino po sila? Ang mga namatay? Yung tyahin po kasi ng kaibigan ko ay matagal na naming hinihintay pero hanggang ngayon, wala pa rin."

"Hindi ko rin po kasi alam e. Balitaan ho namin kayo. Kung hindi po namin mahanap e, malaki ang posibilidad na baka patay na po sila."

Napalunok ako. Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Tumango ako at nagpasalamat bago bumalik sa pwesto namin. Napansin kong wala na doon si Leon. Hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko siya makita.

"Oh, Joyce. Ano pang ginagawa mo riyan? Pumila ka na roon sa pagkain," utos ni tatay pagkadating. Kasama niya ang mga kapatid ko. Umupo sila sa banig at nagsimulang kumain

"Nakita niyo po ba si Leon?"

"Si Leon? Hindi. Baka nag-cr lang."

Tumango ako at nagsimula ng maglakad sa pila. Buti nalang ay konti nalang ang mga nakapila. Ang mga tapos ng kumain ay nakatambay nalang o di kaya natutulog. Nakagawa sila ng sariling higaan at tent. Wala ditong signal o internet kaya nababagot na rin ang ilan sa kanila.

Ngayong umaga ay masarap ang almusal na hinanda nila sa'min. May kanin, ulam, tinapay, at may kasama ring kape at gatas. 

"Next po."

Humakbang ako palapit sa lamesa. Isang babae ang nagbigay sa'kin ng pagkain ko.

"Salamat po," sabi ko pagtanggap

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon