06

110 3 2
                                        

#SOA06

"Wow, congrats Joyce! Pasok nanaman sa top 10. Running for valedictorian na 'to!" ganadong sabi sa'kin ni Laurie

Nahihiya akong ngumiti. "Salamat. Thank you Lord! Akala ko talaga mababa ako this quarter. Sa dami ko namang ginagawa sa buhay e," sagot ko habang nakatingin sa card ko

"Ikaw pa ba, future doctor!" ngiting sabi naman ng kaibigan ko na si Abigail

"Wala, hindi namimigay ng sagot."

Napatingin ako kay Sebastian na bitter pa rin. Kasama niya ang tropa. "Mag-aral ka kasi."

Ngumuso siya. "Pakain ka nalang."

"Hindi ko naman birthday."

Tumawa sila. Nilapitan naman ako ni Remy at inakbayan ako. "Congrats bestie!" 

Nginitian ko siya. "Salamat pre."

Bigla namang sumulpot sa likod namin si Leon. "Bestie ko 'yan!" aniya sabay higit sa'kin palayo kay Remy. Siya naman ang umakbay sa'kin. Ngumuso siya na parang bata. Kumunot ang noo ko dahil do'n

Humalakhak si Remy. "Easyhan mo lang pre. Hindi ako ang karibal mo. Eto, masyadong seloso."

"Hindi ako nagseselos."

"Obvious naman na-" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil pinitk siya ni Leon sa noo

"Aray! Gago aba't.." inis niyang sabi sabay hilot sa noo

Mahina akong tumawa at humalukipkip. Naramdaman kong nakatingin sa'kin si Leon.

"Ano? Lasing ka nanaman?"

"May hangover pa 'yan pre," si Tristan ang sumagot

"Gago, hindi nga ako malakas uminom. Kayo lang naman nagpupumilit sa'kin," depensa ni Leon

"Wala ka kasing ambag lagi."

"Sino kayang tumutulong mag-uwi sa inyo sa bahay?"

"Sinong hindi nakakauwi sa bahay?"

"Tang ina nito-"

Tinakpan ko ang tainga ko. "Ang ingay! Bibig niyo naman. Pag narinig kayo ng teacher natin."

"Yes ma'am!" sabay-sabay nilang sabi habang nakasaludo. Naweirduhan naman ako sa inaasal nila.

Inalis ko ang mabigat na braso ni Leon sa balikat ko dahil nakita kong may halong malisya nanaman ang mata ng mga kaibigan ko pero para sa'min ni Leon ay normal lang ito. Iniwan ko na sila para pumunta sa klase.

"Oy, saan ka?" rinig kong tawag nila

"May klase pa!"

"Oo nga. May klase pa tayo. Puro kayo daldalan diyan. Laro lagi nasa utak, kaya bagsak e, tsk tsk," narinig ko rin siyang sumunod sa'kin. Kahit hindi ako tumingin ay alam kong nasa tabi ko na agad siya. "Hindi kayo gumaya kay Joyce!"

"Bugok! Akala mo naman talaga nag-aaral," boses ni Xavier

"Sabi nila ang totoong matalino ay kumakapit din sa kapwa niya matalino."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa likod ko ay sumusunod ang mga kaibigan ko.

"Sino namang may sabi no'n?" si Laurie

"Ako malamang," sagot ni Leon

"Funny ka na do'n? Hindi ka naman matalino," pang-aasar ni Tristan

"Sus, nagtatalo pa kayo e, lahat naman kayo itlog pugo ang utak!" si Sebastian

"Nagsalita ang bagsak sa math..tsk, tsk."

Napailing nalang ako sa asaran nila. "Mga kulang talaga sa aruga.." bulong ko

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon