#SOA29
"Hindi iyon ang first kiss ko pero mas tumatak pa sa'kin iyon kaysa sa una," sabi ko sa sarili habang naghuhugas ng plato. Napapikit ako ng maalala ulit. "Hays, parang tanga. Kalimutan mo na 'yon Joyce. Kalimutan mo na rin yung gagong 'yon. Wala ka na sa mansyon. Malaya ka na. Wala ka na ring mukhang ihaharap." Huminga ako ng malalim at tumango
"Huy! Sinong kausap mo diyan?"
Nagulat ako nang marinig ang boses ni Leon sa likod ko. Muntikan ko pang mabasag ang plato na hawak ko. Nilingon ko siya.
"Ha? W-wala," sagot ko at pinagpatuloy ang paghuhugas. Naramdaman kong lumapit siya sa'kin.
"Narinig ko yung sinabi mo," natatawa niyang sabi
Umiling ako. Pagkatapos maghugas ay pinunasan ko ang kamay ko sa shorts ko. Hindi ko siya tinignan at nilagpasan na. Sumunod naman siya sa'kin hanggang sa makalabas ako ng bahay. Lumalalim na ang gabi at malamig din ang simoy ng hangin. Umupo kaming dalawa sa pahabang upuan na gawa sa kahoy sa gilid ng bahay.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. May ilang mga bituin doon ngunit hindi kita ang buwan.
"Anong nangyari? Kwento ka naman. Makikinig ako."
"Wala. Chismoso mo naman. Tss."
"Grabe siya. Lahat kaya sinasabi natin sa isa't isa. Di ba nangako tayo na wala tayong ililihim-"
"Gusto ko ng kalimutan yun e," depensa ko
"Bakit? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa'kin at buong tapang ko siyang haharapin. Gusto mo magdala pa ako ng back up. Tawagin ko sina Seb, Tristan, at-"
Tumawa ako at mahina siyang binatukan. "Baliw!"
Napakamot siya sa ulo niya. Binalik ko ang paningin sa mga bituin. Ramdam kong nakatingin siya sa'kin.
"Akala mo ba, hindi ko narinig ang pag-iyak mo kagabi habang natutulog tayo?"
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Yumuko ako, nahihiyang tumingin sa kanya.
"Syempre nasasaktan din ako kapag nakita kang umiiyak. Ayokong may nananakit sa'yo. Gusto kitang ingatan at protektahan. Ikaw nalang ang pamilya ko e.."
Panay ang buntong hininga ko, na-guilty at nalungkot para sa kanya. Hindi ako pwedeng magtago sa kanya. Alam niya lahat. Nasa iisang bubong nalang kami kaya't mas lalong tumitibay ang samahan namin.
"Umalis na ako sa mansyon. Sabi ko ayoko ng magtrabaho doon," panimula ko. "Hindi naman ako masyadong nahirapan pero na-guguilty ako kasi tumigil pa ako sa pag-aaral. Gusto ko ng bumalik e. Mag-aapply na ako ng kolehiyo sa susunod na buwan siguro kapag okay na ang lahat."
"Buti ka pa. Ako nga tuluyan ng tumigil. Hindi na ako makakapag-kolehiyo."
Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"
Mapait siyang ngumiti. "Paano Joyce? Saan ako kukuha ng ipang-aaral ko? Wala na si Auntie. Hindi rin ako nakapagtapos ng highschool. Ayoko namang maging pabigat sa inyo kaya naisipan kong tumigil na at magtrabaho nalang para makatulong."
Umiwas ako ng tingin.
"Ituloy mo yung kinekwento mo."
Parang mas nag-aalala pa ako sa sitwasyon niya kaysa sa'kin. Gusto ko ring malaman ang plano niya.
"Pakiramdam ko hindi ko kayang magtagal dun. Hindi naman talaga plano. Pakiramdam ko hindi ako nararapat doon," pagpatuloy ko. "Mabait naman si Sir Javier at ang asawa niya sadyang yung pangalawa niyang anak ay-" napahinto ako, nahirapang banggitin ang pangalan niya
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
