#SOA36
Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ni Sen. Eduardo Herminio. Iba't iba ang naging reaksiyon ng mga kapitbahay namin pero higit sa lahat ay takot.
Nagkulong lang kami ni Leon sa bahay. Hindi kami lumabas mula kaninang umaga pa. Hindi rin kami nakatulog nung gabing nangyari ang insidente. Binangungot pa ako. Hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam sa pamilya ko sa nangyari.
Kahit sa hapag kainan habang kami ay nakain ay hindi ako nagsasalita. Tulala lang ako sa kawalan.
"Joyce. Ano ba? H'wag mong titigan ang pagkain," sabi ni tatay
Napalunok ako at napatingin sa kanya. Tahimik na kumakain ang mga kapatid ko. Tumingin ako kay Leon na pilit lang sinasaksak ang pagkain sa bibig. Nagtama ang mata namin.
"Kanina ka pa balisa. Pinagpapawisan ka rin. May problema ba Joyce?"
Binalingan ko si tatay. Hinawakan ko ang leeg ko at pinagpapawisan ako ng malamig. "Ah, wala po. Masama lang po ang gising ko."
"Kaya ba hindi ka rin pumasok ngayon? May sakit ka?"
Kinagat ko ang labi ko. "Opo.."
Mas malala pa po sa sakit. Pakiramdam ko mahihimatay ako ngayon. Para akong nakalakalak ng isang galon ng kape sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Biglang tumayo si Leon. Napahinto kami at tumingin sa kanya. Pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa'min.
"Uh, b-babanyo lang ako," paalam niya at mabilis na pumunta sa banyo. Sinundan ko siya ng tingin
"Nag-away nanaman ba kayo ate?" tanong ni Cielo
Napatingin ako sa kanya. "Ha? Hindi! Uhm, okay lang kami.." Binalik ko ang paningin sa plato ko at pinagpatuloy ang pag kain
"Kahapon ng gabi natagpuang patay si Sen. Eduardo Herminio sa kanyang kwarto. Ayon sa reports ng pulis ay puro tama daw ito ng bala ng baril at saksak. Iniimbistigahan na ngayon ng mga pulis kung sino ang maaaring pumatay sa kanya. Ang ibang detalye ay ipapahayag ni Dane Corpuz."
Nanigas ang katawan ko sa upuan nang marinig ang balita sa telebisyon namin. Unti-unti akong tumingin doon. Bumagsak ang kutsara ko sa sahig nang makita ang crime scene.
Kasalukuyang iniinterbyu ang isang pulis. Sunod na may pinakita na cctv footage. Malabo man dahil gabi pero kita ko ang isang lalaking tumatakbo at alam kong si Leon iyon. Agad akong tumayo at hinanap ang remote pagkatapos ay pinatay ang telebisyon. Napansin ko ang panginginig ng kamay ko. Hindi rin ako makahinga ng maayos.
"Joyce. Bakit mo naman pinatay? Nanonood pa ako. Ano bang nangyayari sa'yo?" rinig kong sabi ni tatay sa likod ko
"Uh, sorry. Ano kasi..." binuksan ko ulit ang tv at nilipat iyon sa ibang channel kaso puro iyon ang laman ng balita. Narinig kong tumayo si tatay sa pagkakaupo.
Sakto ay biglang lumabas si Leon galing banyo. Napatingin siya sa telebisyon. Lumapit siya sa'kin at kinuha sa kamay ko ang remote. Pinatay niya ang tv.
"Anak ng---ano bang ginagawa niyo?" medyo galit na ang tono ng boses ni tatay
Hindi kami makatingin ni Leon sa kanya. Magsasalita na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kwarto. Tinawag kami ni tatay pero parang wala kaming narinig hanggang sa makapasok na kami sa kwarto. Sinara ni Leon ang pinto.
"Leon. Anong gagawin natin? Paano natin sasabihin kay tatay? Hindi ko na kayang magpanggap. Ayokong may tinatago sa kanya," nag-aalala kong sabi
Humarap siya sa'kin. "Mas mabuting h'wag na nating sabihin pa."
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficção GeralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
